JENESSA'POV
Nagmulat ako ng mga mata at naramdaman ko ang katabi kong niyayakap ko. Napangiti ako ng maalala kung paano naming pinagsaluhan ang gabi.
Ito ang pangalawang araw naming magkasama, bukas matatapos ang usapan namin pero parang ayaw ko pang matapos.
Nakatulugan naming nakahubad kami kagabi. Kinuha ko ang malaking sando ni Colton sa lapag, sinuot ko ito.
Dahan dahan akong tumayo para ipaghanda ng almusal si Colton. Ang dami niyang nagawa para sa'akin kahapon kaya naisip kong ako naman, hindi na din kasi kami nakakain kagabi dahil sa nangyare.
Habang nag piprito ako ng ham ay may biglang yumakap mula sa likod ko, napangiti ako.
"Inintay mo na sana akong magising para ako ang gumawa niyan."
"Hm? Alam kong pagod ka." Salita ko.
"Pagod ka rin." Inamoy neto ang batok ko kaya napapiglas ako ng kaunti.
"Baliw ka talaga." Inilagay ko sa pinggan ang niluto ko na may nakalagay na ring tatlong itlog, dalawang hotdog, apat na ham.
Humiwalay siya sa'akin ng yakap at kinuha ang pinggan sa'akin. Kinuha ko naman sa ref ang natirang tasty bread, napansin kong magtimpla din si Colton ng kape at hot chocolate.
"Ang sarap sa pakiramdam na may nagluluto sa'akin ng almusal." Salita niya. Inabot niya sa'akin ang chocolate, umupo ako at pinaghain siya sa pinggan na inayos ko kanina.
"May chef ka no, kaya natural na may nagluluto sayo." Nakangising turan ko bago ako kumuha ng sarili kong pagkain.
"Tss. What i mean is, yung babaeng ipagluluto ako." Hindi ako kumibo at nagpatuloy sa kinakain habang ang ngiti ko ay halos hindi na maipinta.
Nang marecieved namin ang chat ng dating secretary ni Colton ay ginawa na namin ang trabaho namin, kagaya kahapon. Nang magtanghali ay nagpresinta akong magluto ng pagkain namin, nilutuan ko siya ng tinola.
Nagpatuloy ako sa ginagawa ko ng matapos akong maghugas ng pinagkainan namin.
Nang matapos kaming gumawa ng trabaho ay naglaro kami ng larong uno, tawa kami ng tawa habang naglalaro kami hanggang sa hindi namin namalayan na gabi na pala.
Habang nagluluto si Colton ng dinner namin ay napansin ko ang pananahimik neto. Napabuntong hininga ako.
"Natahimik ka?" Tanong ko. Umiling ito habang nakatalikod sa'akin.
Natapos siya sa pagluluto at natapos kami sa pagkain ng hindi niya ako iniimik.
Nauna akong maghalf bath, pagkatapos ko ay siya naman ang sumunod. Inintay ko siyang natapos, nang matapos siya ay tiningnan niya ako bago siya bumuntong hininga at nahiga sa tabi ko.
"Bukas... Kaylangan mo ng mamili, Jenessa. It's makes me sad and happy... Because i don't know what will happen." Salita niya. Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya bilang ganti.
"I want you to decide what is right... But always remember that we are always here.. Kahit ano pang desisyon mo, mananatili kami sa tabi mo." Ngumiti ako.
"Anong magustuhan mo sa'akin?" Tanong ko, nilingon ko siya na siyang nakatingin din sa'akin.
"Love at first sight. Parang hindi sapat sayo yung salitang maganda para idescribe ka... Nagustuhan kita agad nun, pinaramdam mo sa'akin yung sinasabi nung iba na slow motion. Pinagtatawanan pa nga ako ng ilang kaybigan namin na alam na ikaw yung gusto ko." Salita niya.
Nilaro niya ang buhok ko. "Bakit naman?" Tanong ko.
"Hindi naman daw kasi ako naging ganito ka-baliw kay Venus. Minsan dinadala ko na yung trbaho ko sa company sa school para lang makita kita, para lang masilayan yung ngiti mo pag palagi mong tinitingnan si Vlad. Sayo ko lang ginawa yung kahit obvious namang ayaw mo sa'akin, pinipilit ko parin ang sarili ko sayo... Sayo lang talaga ako nagkaganun at nagkaganito."
BINABASA MO ANG
The Mistress
General FictionBabaeng gagawin ang lahat mapunta lang sa'kanya ang lalaking pinapangarap niya. kahit ang kapalit neto ay maging dakilang kabet