CHAPTER TEN : BLOOD

4.8K 101 4
                                    

JENESSA'POV

"Mag pacheck-up kana kaya?" Tricia. Tumingin ako sa'kanya.

"Baka may nakain lang akong hindi..." Napahawak ako sa bibig ko at napatakbo sa banyo. Pumunta ako sa bowl at nag susuka.

"Omg! Ano ba talagang nangyayare sayo!" Bakas dito ang pag aalala. Umiling ako dahil hindi ko din alam. "Mag bihis ka pagkatapos mo diyan, pupunta tayong hospital!" Sigaw neto. Tumango na lang ako.

Isang linggo na akong mahihilo at panay ang suka. Tamad na tamad din akong bumangon sa umaga kaya madalas akong late na nakakapasok.

Bantay sarado na din ako ni Colton na hindi ko malaman na dahilan. Minsan pa nga ay sa office na niya ako pinapagawa ng mga kaylangan kong gawin. Pag may bibilhin o inuutos ito ay hindi na niya pinapagawa saakin dahil siya na mismo ang gagawa noon. Nakakahina ng loob pero wala akong magawa.

"After kong mag pacheck-up, papasok na ko." Turan ko. Mabilis na umiling to.

"Hindi na no! Baka ano pang mangyare. Tara na." Turan neto. Inalalayan ako netong mag lakad. Nagdala pa nga ito ng plastic incase daw na magsuka ulit ako.

Paglabas namin ng building ay mabilis itong pumara ng taxi. Habang nasa byahe ay nakayakap lang ako kay Tricia. Hilong hilo ako sa hindi ko malamang dahilan.

"Sana naman mali nasa isip ko." Bulong ni Tricia. Hindi ko ito gaanong narinig kaya nag angat ako ng tingin sa'kanya. Ngumiti ito sa'akin at umiling. Bumuntong hininga lang ako.

TULALANG nakatingin lang ako sa resetang ibinigay sa'akin ng doctor, hindi makapaniwalang nangyayare sa'akin ito.

"Jenessa?" Napatingin ako sa tumawag sa'akin. Napangiti ako at tumayo mula sa pagkakaupo ko. "Bilhin na natin yang nasa reseta. Sundin mo yung sinabi ng doctor ah? Wag mo pabayaan sarili mo." Tumango ako sa sinabi ni Tricia at napabuntong hininga. "Ano ka ba? Kaya mo yan, andito kaming mga kaybigan mo." Ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming naglakad palabas ng hospital at pumunta sa pinakamalapit na drugstore.

"Papasok ako Tricia. Gusto kong malibang." Turan ko, tumango ito.

Dumaan kami ulit sa condominium, naiwan ako sa labas ng building habang si Tricia ay pumunta sa unit ko para kuhanin ang gamit ko pang opisina. Buti na lang pala ay pwedeng pamasok ang naisuot ko ngayon.

Pagdating ko sa company ay naging abala ako, pinilit kong maging busy ang sarili ko para mawala sa isip ko lahat ng sinabi ng doctor kanina sa'akin. Habang gumagawa ng mga papers work ay hindi ko maiwasang maiyak dahil sa mga kagaguhan kong nagawa.

Napatigil ako sa ginagawa ko ng biglang bumukas ang pintuan, pumasok si Colton kaya napatayo ako.

"Umupo kana lang. Wag kang masyadong mag gagagalaw." Turan neto. Tumingin ako dito at kitang kita ko kung gaano siyang naaawa sa'akin.

"Alam mo na?" Tanong ko.

"Kahit hindi kapa nag papacheck up. I have hints in my head, kaya nga okay lang na nalalate ka or hindi pumasok." Paliwanag neto.

Tiningnan ko ito sa mga mata niya, awang awa ito na nagpaiyak sa'akin. Nataranta ata ito kaya lumapit ito sa'akin at niyakap ako.

"Everything will be alright. Lahat kaming mga kaybigan mo ay nandito." Salita neto. Tumango ako ng tumango pero ang mga mata ko ay hindi tumitigil sa pag-luha. "Stop crying, Jenessa. Masama sayo ang mastress." Pinilit kong tumahan, pinilit kong patigilin ang mga luha ko kahit na ang totoo ay hindi ko magawa.

Hinawakan ni Colton ang magkabilang balikat ko, yumuko din ito upang magpantay kami. Ngumiti siya.

"Babantayan ka namin. Don't worry okay? Kung may gusto ka man. Tell me i'll do everything para maibigay sayo yun." tumango ako. "You better back to work." Tinapik pa neto ang balikat ko bago ako binitawan at lumabas ng office ko. Napabuntong hininga naman akong napahawak pa sa bandang puso ko dahil sa bilis ng tibok neto.

The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon