CHAPTER FOURTEEN : BONDING

4.2K 86 13
                                    

JENESSA'POV

"Ano nga palang balita tungkol sainyo Vlad." Tanong bigla ni daddy. Napatingin naman sa'akin si mommy na siyang nag intay din ng sagot ko.

"Hindi ko na po siya kinakausap. Sinunod ko na po yung gusto niyo." Malungkot na salita ko.

"Sana ay mapanindigan mo yang desisyon mo. Isipin mo na lang na mas mabuti yan, marami pang lalaking pwedeng mag mahal sayo. Yung kaya kang ipaglaban at higit sa lahat, kaya kang pakasalan."

"Sorry po." Tinapik ako ni daddy na para bang sinasabi niyang okay na.

Sorry na kung iisipin ay iba ang meaning.

Gusto kong sabihin sa'kanila ang totoo pero natatakot ako na baka pag sinabi ko sakanila ang totoo ay tuluyan na silang magalit sa'akin.

Alam kong alam na ni Colton na ayos parin kami ni Vlad kaya mas natatakot ako dahil alam kong may pinag uusapan silang hindi nila sinasabi sa'amin ni mommy, baka nga alam na ni daddy dahil hindi naman siya nagtatago ng sekreto sa isa't isa.

Napag usapan din kasi namin ni Vlad na hindi ko na ipapaalam sa kahit kanino ang tungkol sa relasyon namin lalo na sa mga taong malalapit sa'akin.

"Anak, okay ka lang ba? Tara na dito." Napalingon ako kila mommy na tinawag ako. Nakaupo sila sa sofa na halatang bagong bili pa lang. Lumapit ako sa'kanila at umupo sa isang maliit na sofa.

"Gusto kong makita yung store. Dati kasi maliit na tindahan lang yun pero ngayon convinience store na. Pwede po ba?" Tanong ko.

"Oo naman. Mamayang after lunch, saglit lang tayo para makapag luto ako ng meryenda ni Finley pagbalik niya." Tumawa ako.

"Dapat na ata akong mag selos kay Colton huh" Salita ko. Gulat na tiningnan naman ako nila daddy at mommy bago sila sabay na tumawa ng malakas kaya naman ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko.

"Laki laki mo na nagseselos kapa kay Finley. Baka nga maging asa..." Hindi na natuloy ang sasabihin ni papa ng mapagtanto niya ang sinasabi niya pero kahit natigil niya ay naintindihan ko agad ang tinutukoy niya.

"Daddy, asawa ba ang sinabi mo? Bakit mo naman naisip yun dad?" Tanong ko.

"Anak, give him a chance.."

"Alam niyo kung sino po ang mahal ko. Mahirap pong turuan ang puso kasi kung madali lang, ginawa ko na pero hindi po...."

"Subukan mo si Finley nak. Habang nag momove-on ka sa tao na yun, i-date mo si Finley para naman baka sa ganung paraan ay mahalin mo siya. Sa'kanya ibigay yung atensyon mo, wag sa taong may pamilya na..."

"Wag niyo naman idamay si Vlad dito. Nakatahimik na nga yung tao, sinunod ko na nga yung gusto niyo please naman. Wag niyo naman ho sana idamay yung tao." Nalulungkot na turan ko. Tila natauhan naman si daddy.

"I'm sorry." Turan neto.

Tumango ako. "Matutulog na po muna ako dahil konti lang din tulog ko. Lalabas na lang po ako pag kakain na."

Tulad ng sabi ko kila mommy ay nagkulong at natulog lang ako sa kwarto lumabas na lang ako ng magising ako.

"Oh gising kana pala. Wala pang tanghalian. Gutom kana ba?" Tanong ni mommy.

Umiling ako. "Hindi pa po mommy. Si daddy po?" Tanong ko.

"Pumunta saglit sa store dahil dadating yung mga delivery." Tumango ako, umupo ako sa sofa, umupo naman sa tabi ko si mommy.

"Pagpasensyahan mo na si daddy mo." Turan ni mommy na ikinatingin ko sa'kanya.

"Naiintindihan ko naman siya mommy. Kaya nga sinunod ko siya kaso hindi ko lang mapigilang maines dahil nakatahimik na si Vlad, pinapahirapan niya lang akong mag move on." Turan ko. Lumapit ako kay mommy at niyakap ko ito. Sobrang sweet talaga namin dalawa, para talaga siyang totoong mother ko.

The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon