Chapter 2

79.3K 1K 17
                                    

CHAPTER TWO

Janine's POV:

3 years ago..

"Old-fashioned nerd."

"Ano ba yan, Ang weird manamit!"

"Sigurado ba kayong mayaman yan? She looks like a maid."

Napayuko nalang ako habang naglalakad sa corridor ng unibersidad na aking pinapasukan. Sa t'wing papasok ako araw-araw, Puro panlalait nalang ang naririnig ko sa kanila. Pakiramdam ko nga hindi ako kabilang sa kanila. Kasi sila, magaganda, marunong mag-ayos. Ako? Old-fashioned, May sariling mundo at wala akong kaibigan.

4th year Business Administration student ako sa Prima Consolacion University. Gusto ko man umalis sa unibersidad na to ay hindi ko magawa. Ayoko kasing mag-alala pa ang parents ko sa akin. Kaya naman hagga't kaya kong magtiis, ay gagawin ko para sa kanila.

Oo, anak mayaman ako. Pero di tulad nila, hindi ko ito ginawang rason para sumira ng dignidad o mang-api ng tao.

I don't wanna be like them. Using power to bring people down.

Isa pa, ayokong mamroblema ang mga magulang ko sa akin. Masyado na silang maraming stress, at ayoko na dumagdag pa.

Mabilis kong pinunasan ang mga luhang kanina ko pa pilit na pinipigilan. Ano ba tong' luhang to, Ayaw tumigil! Agad akong tumakbo sa rooftop kung saan madalas akong magpunta tuwing nalulungkot o nasasaktan ako.

"AHHHHHHHH!" Sigaw ko nang makarating ako sa rooftop.

"B-Bakit ba kasi ang loser mo?! Bakit ba kasi ang hina-hina mo J-Janine?!..Bakit?" Sabi ko sa aking sarili habang patuloy parin ang pag-agos ng mga luha ko.

"Ayoko na ng ganito..Gusto ko na ng pagbabago." Sabi ko sa aking sarili habang yakap-yakap ko ang mga tuhod ko.

Natigil lamang ako sa pag-iyak nang maramdaman kong may humawak sa aking balikat. Agad ko namang inangat ang ulo ko upang makita kung sino ang taong lumapit sa akin.

"Gusto mo ng pagbabago? I can help you." He said using his cold tone. Agad namang namilog ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko.

Si Daniel Villaroman ba talaga ang nasa harapan ko? Siya nga! Sino nga ba ang hindi makakakilala rito? Siya lang naman kasi ang pinakasikat na lalaki sa unibersidad. Kilala rin siyang "playboy" dito. At kung sabahin ito ng halos lahat ng babae sa unibersidad ay tila isang diyos ito sa kanila.

Agad naman akong tumayo at maagap na pinunasan ang luha ko. "N-nagbibiro k-ka ba? Paano mo naman ako matutulungan?"

Ngumisi ito. Laking gulat ko nang hawakan niya ang baywang ko at mabilis niya akong hinila palapit sa kanya. Gusto ko man mag-protesta, ay hindi ko na nagawa dahil mabilis niya akong sinunggaban ng halik.

Gusto kong itigil yon, Ngunit trinaydor ako ng sarili kong katawan. Tinugon ko ang mga maiinit niyang halik kahit na hindi ako sanay. This is my first kiss.. Sinundan ko nalang ang paggalaw ng labi niya sa akin.

Hindi ko namalayan na nakapulupot na pala ang mga braso ko sa kanyang leeg at makalipas ang ilang saglit ay itinigil na niya ang paghalik sa akin.

Nang kumalas siya ay hinawi niya ang ilang buhok na tumatakip sa aking mukha. "Be my Pleasuremate, Janine Lauren Rodriguez."

I stiffened. Tila isang bomba itong sumabog sa utak ko.

"P-Pleasuremate?" Nanginginig kong tanong rito.

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. I can smell his perfume, It's very manly. Mas nadadagdagan tuloy ang ka-gwapuhan niya. Also, I can smell feel his breath. Parang biglang uminit ang atmosphere sa paligid.

His Pleasuremate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon