CHAPTER ELEVEN
Janine's POV:
Kailangan ko si Daniel. Ililigtas ako ni Daniel.
Ito ang tumatak sa isip ko bago ko unti-unting ipinipikit ang mga mata ko. Ngunit bago pa man ako tuluyang makapikit ay may na-anino akong lalaki na pinagsusuntok ang mga lalaking balak akong babuyin.
Ilang saglit pa ay mabilis na kumaripas ng takbo ang tatlong lasing at ang tanging natira na lamang dito ay ako at ang lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Miss, Okay ka lang?" Tanong niya sa akin at bakas sa boses nito ang pag-aalala.
Hindi ko matingnan ng malinaw ang lalaki dahil sa sobrang hilo na nararamdaman ko.
"D-Daniel.." Mahina kong sambit at unti-unting dumilim ang aking paningin.
Nagising ako sa isang puting kwarto. Tiningnan ko ang paligid at doon ko lamang natiyak na nasa Hospital ako.
Agad sumakit ang ulo ko nang bumangon ako sa pagkakahiga. Laking gulat ko nang marinig ko na may nagsalita sa aking likuran.
"Mabuti naman at gising ka na." Banggit niya. "Kamusta ang pakiramdam mo?"
Mabilis akong lumingon sa aking likuran. Napakunot ang aking noo.
"Medyo ayos na." Sabi ko. "Teka, sino ka ba?"
Napatawa siya ng mahina. "Well, Ako lang naman ang nagdala sa'yo dito sa Hopsital." Sabi nya at nang marinig ko iyon ay agad akong napatingin sa kanya. Siya?
"I-Ikaw?" Tanong ko.
"P-pero paano nangyari yon? P-parang kasi, parang..hindi.." Sabi ko at kasabay noon ang pag buntong hininga ko.
Ngumisi siya. "So may ine-expect kang iba? Akala mo ililigtas ka ng lalaki mo?" Tanong niya habang humahagikgik ng tawa.
Napakagat na lamang ako sa ibabang parte ng labi ko dahil sa sobrang kahihiyan.
"Kayo talagang mga babae. Feeling nyo nasa fairytale kayo, akala nyo lagi kayo ililigtas ng Prince Charming nyo. Tandaan nyo, wala kayo sa mga pelikula. Kaya dapat alam nyo kung paano nyo proprotektahan ang sarili nyo lalo na pag wala kayong kasama." Sabi niya sa akin.
"Tsaka paano kung hindi ako nadaan sa lugar na yon? Ano na mangyayari sayo? Baka ngayon nakuha na nila yang katawan mo, o di kaya..." Sabi niya ba para bang nag-iisip pa.
"Lumulutang na yang bangkay mo sa Pasig river." Dagdag pa niya. Agad ko naman siyang nahampas dahil sa mga sinabi niya.
"Aray!"
"Ewan ko sa'yo!" Sabi ko sa kanya at unti-unti na akong bumangon sa kama. Agad siyang tumawa.
Natigilan siya sa pagtawa nang mapansin niya ako. "O teka, saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin.
"Uuwi na ako." Maikli kong sagot sa kanya.
Kumunot naman ang noo niya. "Hey," Sabi nya. "Di mo manlang ba ako papasalamatan?" Tanong niya sa akin.
Napapikit na lamang ako ng mariin at mabilis ko siyang tinitigan. "Thankyou ha." I said sarcastically then I rolled my eyes.
Napakahangin ng lalaking to!
Muli nanaman siyang tumawa. "Kayo talagang mga babae, parang bulbol. Hirap intindihin." Sabi nya sa akin habang umiling-iling pa.
Agad naman na namilog ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya.
"God! Watch your word, Mister!" Sigaw ko sa kanya.
Mabilis niyang itinaas ang magkabila niyang kamay na tila ba sumusuko. "Okay sorry, sorry!" Sabi niya sa akin habang patuloy parin siya sa pagtawa. What a moron.
NANG matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay dali dali na akong pumunta sa hallway ng hospital kung saan siya naka-pwesto.
Nang makarating ako doon ay mabilis akong lumapit sa kanya. Huminga ako ng malalim bago magsalita.
"Hoy, Aalis na ako." Sabi ko. "Even you're stupid, I want to say thankyou kasi niligtas mo buhay ko." Dugtong ko.
Agad naman siyang napangisi sa mga sinabi ko.
"Unang-una. Hindi hoy ang pangalan ko." Sabi niya.
"I'm Kaleb. Kaleb Montero. And you are?" Dugtong niya habang nakangiti.
"Janine." I said. "Janine Rodriguez."
Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Mabilis ko namang tinanggap iyon, Tutal ay malaki ang utang na loob ko sa kanya.
Dahil kung hindi niya ako niligtas, malamang ay nababoy na ako ngayon. And worst, baka patay na ako.
Laking gulat ko nang bigla niyang halikan ang kamay ko. Pakiramdam ko ay nanigas ako sa kinatatayuan ko ngayon.
"What a beautiful name.." Sabi niya sa akin nang alisin niya ang pagkakahalik sa kamay ko. "Well, I guess see you around?"
I did not respond. I'm too shocked para makapagsalita pa!
He chuckled. "I'll take it as a yes." He said while smiling at me.
"Goodbye, Janine." He said then he winked at me. At kasabay noon ang pagtalikod niya sa akin at dire-diretsong lumabas sa Hospital.
Ilang segundo pa at bumalik na ako sa wisyo. My jaw dropped. Wait, what did just happened? The heck!
Nagising ako sa nakakasilaw na araw. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Agad ako napa buntong-hininga nang maalala ko ang mga nangyari kagabi. Salamat sa Diyos at ligtas akong nakauwi.
Nang makabangon ako ay napagpasyahan ko na magbabad sa bathtub. Nang ipipikit ko na sana ang mga mata ko ay biglang sumagi sa isipan ko ang lalaking nakilala ko lang kagabi.
"Kaleb.." Sabi ko sa sarili at napailing-iling na lamang ako sa naisip.
"Thankyou." Sabi ko nang inilapag ng waitress ang order kong Mocha Frappe. Nginitian naman niya ako ng tipid.
Nandito ako ngayon sa isang coffee shop. Linggo ngayon at napagdesisyonan ko na pumunta dito dahil rest day ko ngayon.
Pinili kong huwag sabihin sa mga magulang ko ang mga nangyayari kagabi. Tutal naman ay nakauwi ako ng ligtas. At ayoko ng mag-alala pa sila sa akin.
Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil biglang nag-ring ang cellphone ko. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at agad namang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko kung sino ang tumatawag sa akin.
Agad ko namang sinagot ang tawag at itinapat sa tenga ko.
"Where are you?!" Matigas na sabi noya sa akin. Napapikit na lamang ako ng mariin.
"It's my rest day, Daniel. H'wag mong sabihin na gusto mo pa rin akong controllin kahit linggo ngayon." Sabi ko sa kanya.
I tried so hard just to make my voice sound intimidating and I think I succeed.
He smirked. "Go to my condo, Janine." He said using his authoritative voice. I gulped.
"W-what?!" I told him. "Are you serious?"
"Yeah." He said using his sexy voice. "My bed is cold, wanna warm it?"
Automatiko naman akong napa-irap nang marinig ko sa kanya iyon.
"In your dreams, Villaroman." I said and quickly ended the call.
Halos mag-iisang oras na rin akong nananatili dito sa coffee shop at wala akong ibang ginawa kundi ang mag-facebook at inumin ang Mocha Frappe ko.
Naistorbo lamang ang pag fe-facebook ko nang marinig kong may nagsalita sa gilid ko.
"Can I join you, Miss?" Sabi ng nasa gilid ko. Mukhang pamilyar ang boses na yon.
Agad naman akong lumingon nang marinig ko iyon at mabilis namang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino iyon.
"K-Kaleb?" Sabi ko. "Anong ginagawa mo dito?"
BINABASA MO ANG
His Pleasuremate
Romance"P-Pleasuremate?" Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. I can smell his perfume, It's very manly. Mas nadadagdagan tuloy ang ka-gwapuhan niya. I can feel his breath, too. Parang biglang uminit ang atmosphere sa paligid namin. "Yes, Pleasuremate...