CHAPTER SIX
Janine's POV:
Napatingin ako sa gilid ng table ko. Argh, ang dami ko pang hindi nagagawa. I spent almost 6 hours here yet hindi pa rin iyon sapat para matapos ko lahat.
Napasapo nalang ako sa ulo ko at napapikit ng mariin. You need to finish this all, Janine.
It's been a month since ako na ang pumalit sa pwesto ni daddy. Actually, hindi ko talaga pinangarap to but wala naman akong magagawa dahil nag-iisang anak lang ako. Ayoko naman na sayangin lang ang pinaghirapan ng mga magulang ko.
Nagising ang diwa ko nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko.
From: Mr. Villaroman
Dinner later at 7pm. I don't accept no for an answer.
Napa-irap nalang ako sa message na nabasa ko. As if naman may choice pa ko. Malaki ang utang na loob ng mga magulang ko sa kanya, expecially my dad. Kaya naman wala akong magagawa. Malaki kasi talaga ang naitulong niya sa hotel namin.
To: Mr. Villaroman
Okay.
From: Mr. Villaroman
At Pacific Restaurant. Do you want me to pick you up?
To: Mr. Villaroman
No need. I can go there on my own.
From: Mr. Villaroman
Okay. See you there.
I sighed.
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Nakatulog pala ako. Agad kong tiningnan ang relo ko at laking gulat ko nang makita ko na 6:24pm na. Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at tumakbo paalis ng opisina ko.
Nang makarating ako sa bahay ay mabilis akong nag-ayos. 7:28pm na. Damn traffic! Mabilis akong nag-shower at sinuot ang red fitted dress na regalo sa akin ni dad last year at itinerno ko iyon sa black pumps ko.
Naglagay lang ako ng konting blush on at red lipstick para naman mas presentable ang itsura ko ngayon. Nang tingnan ko ang oras ay 7:43pm na pala. Mabilis kong kinuha ang black pouch ko at mabilis na sumakay sa kotse ko.
Agad akong bumaba sa kotse nang makarating ako sa restaurant. Shit. Bakit ba kasi napaka-traffic?! 8:26pm na. Nang makapasok ako sa restaurant ay mainit akong sinalubong ng isa sa mga staffs doon.
"Welcome to Pacific Restaurant, Ma'am! Table for?" Sabi nito sa akin.
"No. Actually i'm looking for Mr. Daniel Villaroman. Is he there?" I asked her.
"Mr. Villaroman.." She said, habang chinecheck ang folder na hawak nito.
"Oh! Yung naka gray na tux? I'm sorry ma'am pero umalis na po siya fifteen minutes ago. Kanina pa po kasi siya naghihintay."
"Did you know kung saan siya pumunta?" I asked her. Shit!
"Sorry ma'am pero hindi po eh." Sabi niya. Mabilis akong tumalikod sa kanya para umalis na, ngunit nakaka-ilang hakbang palang ako ay bigla siyang nagsalita.
"Ma'am!" Sigaw niya. Mabilis kong ibinalik ang tingin ko sa kanya.
"Wag kayong mag-alala, maaayos nyo rin po yan ng boyfriend nyo. Bagay na bagay po kayo."
My jaw dropped. "H-he's not my b-boyfriend." Shit. bakit ganito yung boses ko?
She froze. "S-sorry ma'am."
I just smiled at nagpatuloy na akong umalis sa lugar na iyon.
Nang makasakay ako sa kotse ay mabilis kong kinuha ang cellphone ko. Laking gulat ko nang makita ko na maraming missed calls at unread messages galing kay Daniel.
BINABASA MO ANG
His Pleasuremate
Storie d'amore"P-Pleasuremate?" Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. I can smell his perfume, It's very manly. Mas nadadagdagan tuloy ang ka-gwapuhan niya. I can feel his breath, too. Parang biglang uminit ang atmosphere sa paligid namin. "Yes, Pleasuremate...