CHAPTER THIRTEEN
Janine's POV:
Agad na na-alimpungatan ang pagkaka-tulog ko nang maramdaman kong may yumuyugyog sa binti ko.
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko si mama na nakangiting tumingin sa akin.
Mabilis kong hinablot ang cellphone ko na nasa ilalim ng unan ko. I looked at it. 7 palang ng umaga.
Nakakunot-noo akong tumingin kay mama. "Ma, 9 pa po ang punta ko sa kompanya. Bakit niyo po ako ginigising ng ganitong kaaga?"
Mabilis namang tumawa si mama na para bang kinikilig.
"Anak, may naghihintay sa iyo sa baba." At nang marinig ko iyon kay mama ay mabilis na namilog ang mga mata ko.
"Sino daw, ma?" Mabilis kong tanong kay mama. Si Daniel?
But instead of answering my question, She giggled. "Secret muna anak. Ikaw nalang ang tumingin para malaman mo." Then she giggled again.
Anong nangyayari sa mommy ko?
"Ma."
"No, I won't tell you." She said at agad naman akong napasimangot.
"Kaya naman bumangon ka na dyan at gumayak ka na para malaman mo kung sino siya." Baka nga si Daniel. I told myself.
"Okay ma. Fifteen minutes." I told her.
"Mana ka talaga sa akin anak!" Sabi niya sa akin at piniga nya ang mag-kabila kong pisngi. Si mama talaga.
Mabilis kong sinuklian si mama ng matamis na ngiti at kasabay noon ang pag-alis niya sa kwarto ko.
Pumikit ako ng mariin at ilang saglit pa ay bumangon ako sa pagkakahiga. Ngayon ay naka-sandal ako sa headboard ng kama. Unang beses niya palang pumunta rito sa bahay.
Bakit nandito si Daniel? Anong meron? Huminga ako ng malalim at Gagayak na sana ako nang muling sumagi sa isip ko ang nangyari sa amin ni Daniel noong nakaraang linggo.
Lalong-lalo na ang sinabi niya sa akin.
"I'm Jealous, Janine. So fvcking Jealous."
"I'm Jealous, Janine. So fvcking Jealous."
"I'm Jealous, Janine. So fvcking Jealous."
Paulit-ulit na nagple-play ang sinabi niya sa utak ko. Ilang gabi na rin ako hindi pinapatulog ng maayos dahil sa sinabi niya na yon.
Totoo kaya yung sinabi ni Daniel sa akin? Nagseselos ba talaga siya? Ano ang dahilan kung bakit siya nagseselos? Maraming katanungan ang sumasagi sa isip ko ngunit mabilis na nakuha ang atensyon ko nang maramdaman ko nanaman ang isang pakiramdam na naramdaman ko noon.
Unti-unti kong inilagay ang kamay ko sa tapat ng puso ko. Naramdaman ko nanaman ang pag-bilis ng tibok ng puso ko.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Abnormal na ata ako. Sabi ko sa sarili.
Nawala lahat ng mga naiisip ko nang biglang may kumatok sa pinto. Halos mapatalon ako dahil sa gulat.
"Anak, bilisan mo." Sabi nito sa akin.
I sighed. "Yes, Ma." Sabi ko at agad akong napahilamos sa mukha ko.
Stop overthinking, Janine. Nandyan si Daniel, Umayos ka.
At kasabay noon ang pag bangon ko sa kama upang makapag-ayos na.
Pababa pa lamang ako sa hagdan ay rinig na rinig ko na ang pagtawa ng mommy at daddy ko sa sala. Mabuti na lamang at mabilis akong nakagayak.
BINABASA MO ANG
His Pleasuremate
Romance"P-Pleasuremate?" Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. I can smell his perfume, It's very manly. Mas nadadagdagan tuloy ang ka-gwapuhan niya. I can feel his breath, too. Parang biglang uminit ang atmosphere sa paligid namin. "Yes, Pleasuremate...