Chapter 4

58.6K 852 25
                                    

CHAPTER FOUR

Janine's POV:

Simula noon ay naging kami na ni Daniel. Kinalimutan na namin ang kasunduan at sinunod namin ang nararamdaman namin para sa isa't-isa. Nag-iba rin siya sa akin Mas naging protective ito, mapag-alaga at malambing ito sa akin. At lubos kong ipinapasalamat sa Diyos na ipinagkaloob niya ang isang tulad ni Daniel sa akin.

Binuo niya ako, At wala na akong mahihiling pa.

Nandito ako ngayon sa condo ni Daniel. Pumunta ako sa kusina upang ipagtimpla siya ng kape. Nang ihahatid ko na sana ang kape na itinimpla ko, Ay tumigil ako sa paglalakad nang marinig kong may kausap si Daniel sa telepono.

"HINDI AKO PAPAYAG!" Sigaw nito at bakas sa boses nito ang pagkagalit.

"Sa lahat ng bagay ay pinagbigyan ko na kayo, Dad! At hindi ako papayag na pati ang kaligayahan ko ay kokontrolin niyo!"

"Daniel, may problema ba?" Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang makita niya ako sa loob ng kanyang silid. Mabilis niyang tinapos ang tawag at humarap ito sa akin.

He smiled. Pero alam ko sa likod ng mga ngiti na iyon ay mayroon siyang tinatago. "Y-yeah."

Lumapit siya sa akin mabilis niya akong ibinalot sa kanyang bisig.

"D-Daniel." halos pabulong kong sabi.

"Janine, Promise me. Kahit anong mangyari, hindi mo ako iiwan." Sabi nito at siniksik pa niya lalo ang kanyang mukha sa aking leeg.

"Daniel naman eh, Kinakabahan ako sa'yo."

"Shh.." Sabi niya habang hinahawi nito ang ilang takas ng buhok sa aking mukha. "Just promise me."

Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pagod. Marami mang tanong na naglalaro sa aking isipan ay mas pinili ko na lamang ang manahimik. Maybe this is not the right time upang kausapin siya.

"Hindi kita iiwan." Sabi ko rito. "Hindi tayo maghihiwalay."

Pagod itong ngumiti sa akin at ginawaran ako ng isang halik sa noo.

"I love you Janine." At muli akong ibinalot nito sa kanya.

"Let's go?" Sabi niya then I nodded. Hinawakan niya ang kamay ko habang sabay kaming naglalakad papunta ng parking lot.

Pasakay na sana kami ng kotse niya nang biglang..

"You bitch!" Sigaw ni Eva sa akin sabay hatak sa buhok ko. "Malandi ka!"

"Eva, Stop it!" Sigaw ni Daniel habang hinatak niya palayo si eva sa akin.

She smirked. "Ngayon siya pa ang pinagtatanggol mo Daniel?!"

Sabi niya at bakas sa boses nito ang galit. "I'm you're fiancée! Gumising ka Daniel!"

"F-fiancee?" Litong tanong ko kay Daniel habang inilipat-lipat ko ang tingin sa kanila ni Eva.

"Eva!" Sigaw ni Daniel.

She laughed. Yung tipong para bang nanalo siya sa isang kompetisyon. "Bakit hindi mo sabihin ang totoo sa kanya, Daniel?"

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. "T-teka, N-naguguluhan ako.."

"Totoo ba, Daniel?"

He released a deep sighed. "Yes. Bu-" Hindi ko na siya pinatapos dahil mabilis akong umalis sa lugar na iyon.

Hindi ko na alam kung saan ako napunta. Halos apat na oras na ata akong naglalakad-lakad. Pagod na pagod na ako. Hindi lang physically, Pati yung nararamdaman ko pagod na.

Calling..

Mommy

I was about to answer the phone when suddenly..

*BEEEEEEEEEEEEEP*

And everything went all black.

Nagising nalang ako isang puting kwarto. Nasaan ako? Nang inilibot ang paningin ko ay napagtanto ko na nasa ospital ako. Maraming tanong ang naglalaro sa aking isipan, Hindi ko alam kung bakit ako narito. Sinubukan kong bumangon nang maramdaman ko ang sakit sa aking tagiliran. Dahil doon ay unti-unting bumalik sa akin ang ala-ala ko.

He cheated..

Daniel cheated on me.

A tear escaped from my eyes.

"Anak!" Sigaw ni mommy. "Thank God you're okay!" Sabi niya habang niyayakap niya ako.

Hindi ko alam kung ano ba ang dahilan kung bakit ako umiiyak. Is it because of the accident? Or is it because something else?

"Janine." Sabi ni daddy at lumapit ito sa akin. Laking gulat ko nang makatanggap ako ng isang malakas na sampal galing sa kanya.

"Crisostomo!" Sigaw ni Mommy. Sinubukan siyang pigilan ni mommy ngunit nabigo lang ito.

"Hindi kita pinalaki para maging disgrasyada Janine!" Sigaw nito sa akin. "Kailan mo balak sabihin na buntis ka?!"

"B-buntis?" Maluha-luhang tanong ko rito. "B-buntis ako D-dad?"

No, this can't be..

"Oo buntis ka, at pinatay mo ang bata! You're such a irresponsible woman! A disgrace to our family!"

"Crisostomo, Hindi kasalanan ni Janine yon! Aksidente ang lahat!" Sigaw ni mommy.

Though I want to defend myself, I don't know how to. Maybe my dad is right, I'm such a irresponsible woman. Dahil pati ang sarili kong dugo, anak ay hindi ko iningatan.

A loud sobs is all I can do.

"Oh my god.." Tanging nasabi ni mommy sabay takip sa kanyang bibig.

"H-hindi mo alam?" Tanong ni dad.

"Ibalik nyo ang baby ko! Buhay pa ang baby ko!" Sigaw ko. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa sakit. I can't handle it. Sinubukan akong pakalmahin ng mga magulang ko ngunit nabigo sila.

Ilang saglit pa ay naramdaman kong may itinusok sa aking braso dahilan upang magdilim ang aking paningin. Ilang saglit pa ang bumigat ang mga talukap ng mga mata ko at hanggang doon na lamang ang naalala ko.

Simula nang insidente na iyon ay napagpasyahan ko na huwag ko nang ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Hanggang ngayon ay hindi parin nila alam kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ko noon. Ayokong sabihin, Dahil gusto kong magsimula ulit. Mabuti nalang at hindi na nila akong pinilit na ungkatin pa iyon. Ilang beses din akong pilit na tinatawagan ni Daniel ngunit hindi ko iyon sinasagot. Hindi ko siya mapapatawad.

He's the reason why my baby died. Why my life became miserable.

I smiled bitterly. I can't believe I fell inlove with a murderer.

Kaya naman nandito kami ngayon sa Airport dahil napagdesisyonan ko na pumunta ng Australia para doon ko ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Para makalimutan ko na rin ang poot at sakit na naranasan ko dito. Ang sakit na idinulot ni Daniel sa akin.

"Are you sure anak?" Tanong sa akin ni mommy na halos maluha-luha na.

"Yes, ma." Sabi ko sa kanya. I gave her my forced smile.

She sighed. She gave me a hug. "Basta don't forget to call us, okay?" I nodded.

Agad ko namang nilingon ang nasa likod ni Mommy, Si Dad.

"D-dad. I'm sorry." Sabi ko habang pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko. I want to hug him but I know this is not the right time. Alam kong galit parin sa akin si Dad.

"I promise Dad, Babawi ako. I'll make you proud." I told him then he just nodded.

I sighed. "Bye Mom, Dad." Sabi ko at kasabay noon ang pagpasok ko sa loob ng Airport.

His Pleasuremate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon