Three years.Tatlong taon na pala ang lumipas simula nung iniwan niya ako.Hindi ko alam kung bakit niya ako iniwan.Ni wala man lang pasabi na aalis siya.Basta isang araw hindi ko na siya nakita pa.Wala akong naging balita sa kaniya for the past three years.Inaamin kong nasaktan ako nung iniwan niya ako.Ni walang explanation.Hindi ko alam kung may kulang o mali ba sakin.Kasi naibigay ko naman sa kaniya ang lahat e.Masaya naman kami nung una e kaya ewan ko kung bakit bigla nalang siyang naglaho.Para akong tanga kakaisip kung saan ako nagkulang.
Nagkulang nga ba ako o sadiyang hindi lang siya nakontento?
Then after three years na wala siya.Na walang communication bigla siyang magpapakita.Bigla siyang babalik.Tapos ang nakakatawa nakikipag-balikan.Anu to gaguhan!?Umalis-alis siya tapos mag-eexpect siya sakin na basta ko nalang siya tatanggapin.
Nasaktan ako.Masakit yung ginawa niyang pag-iwan sakin.Pano naman yung sakit na naramdaman ko nung iniwan niya ako?Ang sakit-sakit e.
"Xenon Im sorry.Im sorry kung nasaktan kita.Hindi ko ginustong iwan ka-"
"Hindi mo ginusto?E ginawa mo na nga Sash e.Sinaktan mo na ako.Iniwan mo ako!Your sorry won't do anything." galit na sabi ko sa kaniya.Galit ako kasi nasaktan ako.Dahil iniwan niya ako sa ere.
"Please Xenon.Give me another chance.Babawi ako."she pleaded.Umiiyak na siya.Gusto kong maawa sa kaniya pero mas nanaig ang galit ko sa kaniya.
"Chance?Second chance are only given to those who deserves it.And you don't deserve it.Leave me alone Sash.Tutal dun ka naman magaling.Ang mang-iwan."
Kinulit ako ng kinulit ni Sash.Asking for forgiveness.Pero nagmatigas ako.Pinatigas ng puso kong galit at nasasaktan.Sinasabihan ko siya ng masasakit na salita para lumayo siya sakin.Alam kong nasasaktan ko siya sa mga sinasabi ko dahil nakikita ko iyon sa mata niya.Gusto ko man bawiin ang mga masasakit na salitang sinabi ko mas nanaig ang pride ko.Iniisip ko nalang na patas na kami dahil sinaktan niya rin ako.Kulang pa nga sa hirap ng pinagdaanan ko.
Hanggang sa hindi ako nakapag-timpi sa kakulitan niya at nasigawan ko siya.
"Ano ba hindi ka pa ba titigil?!Ang kulit-kulit mo Sash!Nakakainis na ang kakulitan mo!"
"Im sorry."
"Alam mo sana hindi ka nalang bumalik.Maganda na ang buhay ko.Okay na ako.Sana huwag ka nang manggulo pa."
"Bumalik ako para sayo Xenon.Para humingi ng tawad sa nagawa ko.Alam kong nasaktan kita pero sana maisip mong hindi lang ikaw ang nagdusa.Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko.Hindi lang ikaw ang may pakiramdam.Kasi Xenon nakakaramdam din ako ng sakit."
"Tama na!Ayoko na ulit makita ka!Sana mawala ka nalang.Sana mawala ka na din sa buhay ko!"
"Would you be happy kung mawawala na ako?"she asked at hindi agad ako nakasagot."Xenon would you?"
"Yes."
"Well then hindi mo na ulit ako makikita.Mahal kita at kung ang pagkawala ko ang pakapagpapasaya sayo sana maging masaya ka.Be happy Xenon.Goodbye."
Tumakbo na ito paalis.Nakita ko pa ang luha sa mga mata niya at bigla akong nakaramdam ng guiltiness.Gusto ko siyang habulin at yakapin pero pinigilan ko lang.I asked for it then so be it.
Three months.Tatlong buwan na siyang hindi nagpapakita sakin.Walang Sash na nangungulit sakin.Talaga yatang sinunod ang gusto ko.
At first okay lang.Pero habang tumatagal nakakaramdam ako ng kalungkutan.Parang may kulang na ewan.Kahit gusto ko siyang hanapin naglalaban ang utak at puso ko.At laging nananalo ang utak ko.
I missed her.Parang nagsisisi tuloy akong pinagtabuyan ko siya.Bumalik lang siya ulit patatawarin ko siya at sasabihin kong mahal ko pa rin siya.
Hanggang isang araw nakatanggap ako ng tawag mula sa hindi inaasahang tao.Ang Mama ni Sash.Pinapapunta niya ako sa bahay nila Sash.
Excited akong pumunta sa bahay nila.Kasi makikita ko na ulit siya.
Pero bakit ang daming tao sa bahay nila.Ang daming naka-itim at nag-iiyakan.Binundol ng kaba sa dibdib ko.Ang lakas ng tibok ng puso ko at hibdi ko maintindihan kung bakit.
Sinalubong ako ng Mama ni Sash habang umiiyak sabay sabi...
"Wala na siya.Wala na si Sash."
Parang tumigil ang ikot ng mundo ko.Hindi ako makagalaw at pati paghinga ko tumigil din.Parang nabingi ako sa narinig ko.Unti-unting pumatak ang luha ko.Bakit Sash?
Akala ko ang nakangiting mukha ni Sash ang sasalubong sakin.Hindi yung ganito.Hindi yung malamig na bangkay ng babaeng mahal ko.
Hindi ko na ulit makikita yung ngiti niya.Hindi ko na ulit maririnig ang mga tawa niya.Hindi ko na ulit siya mayayakap.Hindi ko na kahit kailan siya makakasama pa.
Bakit hindi mo sinabi sakin?Na kaya ka umalis dahil sa sakit mo?Bakit hindi mo sinabi na kaya ka bumalik para makasama ako kahit sa huling hininga mo?Bakit wala kang sinabi?
Nag-explain siya pero hindi ka nakinig.Naging sarado ang utak mo dahil sa galit mo sa kaniya.Wala akong dapat sisihin kundi sarili ko.Nandun na ang chance na makasama ko siya pero pinakawalan ko pa.Ngayon wala na siya.
Mahal na mahal kita Sash.Mula noon hanggang ngayon.Ang tanga ko.Ang selfish ko.Yung sakit na nararamdaman ko lang ang iniisip ko.Sarili ko lang ang iniintindi ko.Ni hindi ko man lang iniisip ang mga pinagdaanan mo.Yung sakit mong pilit mong nilabanan para sakin.Para makabalik ka sakin.Pero ako tong gagu pinagtabuyan kita.Sinaktan lang kita.
Wala ka man dito sa tabi ko.Alam kong nandito ka naman sa isip at puso ko.I love you Sash.Thank you for coming back.Hintayin mo ako at ako naman ang pupunta sayo.
Lesson:
Learn to appreciate the people na nagmamahal sayo.Because one day you might lose them.Marerealize mo nalang na huli na pala ang lahat.Not all will stay some will walk away.And remember na walang aalis sa tabi mo kung matuto kang pahalagahan ito.