Chapter ten : The Reconcilliation
Looking back at what happened from Kristien's accident to yesterday that we found out that I am pregnant... Parang ang dami bigla? Bakit sabay-sabay? Bakit isang bugso? Sana unti-unti man lang.
Bumukas ang pinto at ako ang nagulat dahil imbis na si Eivrell o mga kamag anak ko ay si Christian ang nakita ko. Hindi pa ako pinapauwi noong doktora. Sabi kasi, bukas pa daw ako makakauwi.
"C-Christian?" Bahagya akong napaupo sa hospital bed ko. Pinanood ko naman siyang ilapag ang basket na puno ng prutas sa may tabi ko.
"What brought you here?" tanong ko pa sa kanya.
"Sa isang araw pwede nang lumabas ng ospital si Kristien..." panimula niya.
"M-Magaling na siya?" tanong ko. Kahit sa lahat ng nangyari at sa katotohanang nalaman ko, hindi ko pa rin maiwasan ang matuwa para sa bata.
Tumango siya. "Pero 'yung kuya ko, medyo malala eh. But we're still hoping for his recovery." kuwento pa niya.
"I will pray for him." Nginitian ko siya.
"So I heard you're pregnant?" tanong niya.
"Yes. Ang ganda ng timing, diba? Kung kailan ganito ang sitwasyon." sarkastiko kong sabi.
"Maybe, that baby will be the one to bring us peace." Siya naman ang ngumiti sa akin. Ngumiti nalang ako ng tipid bilang sagot.
"Sayen, okay na kami ni Hanna." sabi niya kaya natigilan ako.
"G-Ganoon kabilis? Sana ako rin, kaya ko." sabi ko sa kanya sabay ngiti ng mapait.
"Sayen, kaya mo naman eh. Sa ngalan ng pagmamahal mo kay Eivrell, sa ngalan ng pinagsamahan niyo ni Hanna at higit sa lahat para sa mga bata, Sayen. Para sa mga bata. Kay Kristien, kay Charlyn, kay Yeshaya at lalo na dyan sa dinadala mo." sabi niya sa akin. Napayuko naman ako dahil doon. Tama naman siya doon. Para sa mga bata. Sa mga bata na wala pang kamuwang-muwang kung ano ang nangyayari.
"How did you handle the pain?" tanong ko pa sa kanya.
"Syempre masakit, Sayen. Mahal na mahal ko si Kristien. Syempre, unang prinsesa namin ng reyna ko 'yun eh. Kaya kong makipagpatayan para kay Kristien." panimula niya. Napatango naman ako. Iba talaga magmahal ang mga tatay. I mean, a love of a mother an a father is both unconditional. Pero magkaiba ang atake.
"Kaya napakasakit na malaman ko na hindi ko pala siya anak. Na 'yung kayamanang iniingatan ko, sa iba pala. At ang masakit, kumpare ko pa. Syempre nawala 'yung tiwala ko kay Hanna. Kahit kay Kristien, pakiramdam ko magagalit ako. Pero hindi eh." Napangiti ako sa sinabi niya. Ang swerte ni Kristien sa tatay niyang si Christian.
"Pero alam mo naisip ko? It's in the past naman na eh. Kumbaga, wala na. It shouldn't affect the present. Oo, magkadugtong ang nakaraan at ngayon. Pero sabi ko sa sarili ko, mahalaga pa ba 'yon? Alin ba ang mas mahalaga? 'Yung pait ng kahapon o 'yung tamis ng ngayon? Para sakin mas mahalaga 'yung kung ano kami ngayon." sabi pa niya. Napaiyak ako sa mga sinabi niya. Kasi habang sinasabi niyang mas mahalaga 'yung ngayon, bumabalik sa isipan ko kung gaano kami kasaya bago magkaalaman. Kung gaano kami parang isang buong pamilya. Sila ni Hanna, kami ni Eivrell. Everything was perfect back then.
"Sayen, if you look at it isang gabi lang 'yon eh. Isang gabing nagkamali sila na hindi nila alam na magkakaroon pala ng bunga. Binaon nila sa limot ang lahat. Bakit? Kasi mahal nila tayo. If they love each other, sana tinuloy-tuloy nila, diba? And look, isang gabi lang 'yon kumpara sa ilang taon na minahal nila tayo." Lalo pa akong napapaiyak dahil may sense lahat ng sinasabi niya. I hate how this guy thinks!

BINABASA MO ANG
✔️ Love's Karma
Short StoryEverything was going well in Sayen's life. She has reached her dreams and was living a happy life with her husband and son. But one tragedy changed everything as it revealed a buried secret from the past. Was it really just a tragedy or her own kar...