V

72 2 0
                                    

Chapter five : The Marriage

One year has passed. After Hanna and Christian's wedding, bumukod na sila sa kani-kanilang pamilya. Kami naman ay nagpatuloy sa pag-aaral dahil last year na rin naman namin. Minsan ay binibisita namin si Hanna sa kanila para kamustahin. Wala  araw na hindi ko namimiss ang kaibigan ko sa school. Mabuti nalang mayroon pang Rosie sa tabi ko.

November 24 naman nanganak si Hanna kay Kristien Faye Pangilinan-Galvez. Syempre ninang kaming dalawa ni Rosie. Maging si Peter ay ninong din.

Kaya lang, nagkaroon na naman ng kaunting gulo sa barkadahan namin. Ito kasing si Simon, matagal na palang may lihim na pagtingin kay Rosie. Kaya lang, ayaw ni Rosie kay Simon dahil mahihirapan daw siya kung jojowain niya ang pinsan ng ex niya. At dahil brokenhearted, lumipat ng ibang school si Simon. Minsan nalang tuloy namin siya makasama at makausap.

As for me and Eivrell, maganda naman ang naging takbo ng relasyon namin. Wala na kaming naging malaking problema. Kung may tampuhan man, maliit na bagay nalang at napagkakasunduan kaagad.

"Hoy, anong feeling mo? Nasa music video ka!?" Napatingin ako kay Rosie na papalapit sa akin. We're both wearing our black toga. Tinawanan ko nalang siya. Eh kasi naman, kanina pa ako nakangiti sa kawalan dito.

Naisip ko kasi after Peter's birthday, ang daming nangyari. Nagkalabuan kami ni Eivrell, pero nagkabati rin naman at mas tumibay pa ang relasyon namin. Si Hanna naman, nakita ulit si Christian at nauwi pa sila sa biglaang kasalan! Si Peter, biglang nagseryoso kay Bianca. Si Rosie at Simon, nagkaroon ng tampuhan. Na sana ay maayos na nila.

"Nagrereminisce lang kasi ako ng mga memories natin sa loob ng apat na taon. Lalo na yung mga nangyari after Peter's birthday last year." sabi ko sa kanya. Natahimik naman siya sa sinabi ko. Alam ko naman na nagi-guilty rin siya sa pangrereject niya kay Simon.

Nagsalita nalang ulit ako. "Mamimiss ko kayong lahat."

"Oy, walang iyakan! Sayang ang make up! Picture nalang tayo." Itinaas niya ang phone niya para makapagselfie kami. Nakakapanghinayang pa rin. Dapat kasama namin dito si Hanna eh.

"Pwedeng makisali sa picture kahit di ako nakatoga?"

Napatingin kami ni Rosie sa likuran namin at halos mapalundag kami nang makita namin si Hanna. Niyakap namin siya kaagad. Medyo malaman pa rin siya dala ng pagbubuntis niya noon. Sa malayo ay natanaw ko sila Peter, Eivrell at si Christian na dala-dala si baby Kristien.

"Buti nakapunta kayo!" sabi ko kay Hanna.

"Mapapalampas ko ba naman 'to?"

"Hoy mga tarantado!" agaw-pansing sigaw ni Rosie kaya napatingin sa amin ang ilang estudyante sa amin. Tsaka lamang narealize ni Rosie ang pagkapahiya niya.

"Ay, sorry kung akala niyo kayo. Wag kayo tamaan." sabi niya sa mga nakatingin. Nagkatinginan kami ni Hanna at kapwa napailing.

"Hoy kayo! Picturan niyo nga kami! Peter, 'yung DSLR mo naman dyan!" sabi ni Rosie sa tatlong lalaki noong makalapit kami sa kanila. Kaagad naman silang sumunod dito kaya naghanda na kami para sa picture.

"Isama natin si baby sa picture!" mungkahi ni Rosie.

"Sige!" pagsang-ayon ko naman.

"Sweetheart, akin na si Kristien." Kinuha naman ni Hanna ang baby nila kay Christian pagkatapos ay bumalik sa gitna namin.

"Ang cute naman ng baby na 'yan." sabi ko habang hinahawak-hawakan pa ang maliit na kamay ni baby Kristien.

"Manang-mana kay Ninang Rosie niya." sabi ni Rosie sa bata. Nagulat naman kami sa biglaang pagflash.

✔️ Love's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon