1

1.5K 89 24
                                    

Joy POV.

Naghahanda kami para pumunta sa comelec upang mag file ng COC.

Tatakbo kasi ako bilang alkalde ng aming bayan.

Matanda na kasi si Daddy pero ayaw nya pang iwanan ang pamamahala sa bayan.

Ang gusto nya kasi ay magtuloy-tuloy ang maganda nyang nasimulan. Kaya bilang nag iisang anak nila ay ako na ang hahalili dito.

"Anak. Salamat at pinagbigyan mo ang hiling kong ikaw ang sumunod sa yapak ko. Ayaw kong ibang pamilya ang humawak ng bayan natin. Baka mapariwara lamang ito" kausap sa akin ni Daddy habang lulan kami ng sasakyan papuntang comelec.

"Huwag kayong mag alala Dad. Hindi ko papabayaan ang mga tao. Pamilya ko na rin sila. Tulad mo ayaw ko rin silang mapabayaan. Lalo na ang mga iskular natin"

"Salamat anak."











Naiwan sila Daddy sa labas. Tanging ako nalang ang papasok. Pero bago ko pa mabuksan ang pinto ay sya namang bukas nito at nilabas ang isang nilalang na kinasusuklaman ko.

"Oh. Long time no see butiking pasay!" Naka ngising sabi sa akin ni Gerard.

Anak sya ng Governor dito sa distrito namin.

Inirapan ko sya at nagbalak na dumiretso sa loob ngunit muli nyang hinarang ang katawan nya sa dadaanan ko.

"Hey hey. Hindi mo ba ako namiss butiking pasay? Kasi ako--

"Pwede ba Gerard tigilan mo ako? Hanggang ngayon ba para ka pa ring manok na talak ng talak. Animoy mangingitlog ngunit di magawa?"

Bwesit na to.

Oo butiking pasay ang tawag nya sa akin. Dahil na rin sa katawan ko.

Pero kasalanan ko bang di aki tabain?

Hindi rin naman ako mahilig sa gulay.

"Akala ko naging pipi ka na? Nagsasalita ka pa pala?" Ngisi nya pa.

Tinulak ko ngunit di sya natinag.

"Anong ginawa mo dito Butiking pasay?"

"Tanong mo sa langaw. Tumabi ka nga dyan"

"Psst. Anong ginagawa ni butiki dito" sabi nya habang nakatingin sa likod ko.

Nang tignan ko ito.

Wala naman tao.

Kaya nabaling muli ang tingin ko sa kanya.

"Pareho kayo nung langaw. Di namamansin"

Can i say

Tang-ina?

Putang ina naman kasi nitong kaharap ko.

Hayop.

"Ow Ms. Joy kumusta po kayo?" Sabi ng isang empleyado sa comelec.

Ngumiti ako sa kanya at pasimpleng tinulak si Gerard. Buti nalang at tumabi ang loko.

"Okey naman ako ate.  Tapos na po ba ang pagpa file ng COC?

"Magpa file ka Butiking pasay?"

"La kang paki."

"Ahh malapit na po Ms. Joy kaya po fill up na kayo"

Kinuha ko yong form at nagsimulang magulat. Pero kung mamalasin ka nga naman.

Nilapitan pa talaga ako ng kumag at binasa ang sinusulat ko.

"What? Tatakbo ka ring alkade?"

Ano daw?

Rin?

"Tatakbo ka?" Wala sa loob na tanong ko.

"Oo. Kinakalaban mo talaga ako noh?"

Pucha naman ohh.

Ano ba namang biro to.

Mula Elementarya hanggang Koleheyo kakompetensya ko na sya.

Hanggang dito ba naman.

"FYI. Mayor ngayon ang ama ko. Natural lang na sumunod ako sa yapak nya. Eh ikaw.?"

"Gusto kong maging tulad ng ama ko. Pero uumpisahan ko muna sa mababa"

"Akala ko matalino ka. Kung mababa muna sana di nag Tanod ka nalang. Kasunod na noon ang kagawad at kap--

"Pinagloloko mo ba ako ha Joy?" Seryusong tanong nya.

"Ay hindi ata. Tanong ko si buwan mamaya ha?" Irap ko sa kanya bago ko pinasa ang form.

"Tandaan mo to Joy mula noon hanggang ngayon. Hinding-hindi ako papatalo sayo"

"May paki alam ang araw?" Pang bubweset ko sa kanya.

"Tingnan natin kung sasabihin mo pa yan pag nanalo na akong alkalde ng bayan"

"Yan ay kung mananalo ka!"

"Let see"

Sabi nya sabay alis.

Huminga ako ng malalim.

"Mukhang matinding labanan ito Ms. Joy. Alam mo bang sya lang din ang makakalaban mo?"

"Dalawa kami?"

"Opo. Akala nga po namin wala ng kakalaban sa kanya. Hanggang sa dumating kayo"

Ohh naman.

Life bat ganon ka magbiro?

"Good luck Ms. Joy"

Ngiti ang isinagot ko sa kanya bago ako umalis.

Good luck talaga.

Malaking-malaking good luck.

StrandedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon