Joy POV.
Hindi ko alam kung ilang araw na kami ni Gerard dito. Dahil bukod sa paglubog at paglitaw lang ng araw ang palatandaan namin ay parang hindi ko iniinda.
Parang baliw nga na iniisip ko na sana dito nalang kaming dalawa ni Gerard,
Nangyari ang lahat ng ito matapos ang halik naming dalawa. Walang pag-uusap ang namagitan sa amin. Para bang may nagising sa aming pareho matapos ang halik.
Parang may damdaming nabuhay at kailangan lang ng tugon.
"Anong iniisip mo?" Tanong ni Gerard sa akin.
Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na sya sa akin.
Naramdaman ko rin ang kamay nya sa balikat ko. Hindi ako tumutol. Sa halip ay inihilig ko pa ang ulo ko sa dibdib nya.
"Ito. Tayo."
"Bakit?"
Ramdam kong hinalikan nya ang buhok ko.
"Iniisip ko na. Paano kaya kung hindi nangyari sa atin ito? Malamang nagbabangayan pa tayo at naglalaban para sa pagka alkalde"
"Sshh. Huwag mo ng intindihin yon. Ag importate ay ngayon. Tayong dalawa. Alam mo bang nagpapasalamat pa ako at nangyari sa atin ito? Kasi kung hind tayo na stranded dito. Hindi tayo ganit ngayon"
"Ahmmp"tanging nasabi ko.
Hinarap nya ang mukha ko sa kanya.
Nakatitig sya sa akin.
"Alam mo Joy. Mula ng makita kita noon ay nagka-gusto na ako sayo" pag-amin nya.
Bigla nagkarambulan ang puso ko.
"Nong grade 5 tayo?"
Mula grade 5 kasi kami naging mag kaklase.
"Hindi. Mula kinder"
"Huh? Paanong--
Ngumiti sya.
"Kinder tayo noon. Hindi mo ako napapansin. Dahil bukod sa mailap ka sa mga bata noon ay lagi pang nakabantay ang yaya mo sayo. Hindi ka lumalayo sa kanya kahit pa oras na ng laro. Tinitingnan lang kita sa malayo. Hindi mo ako mapapansin kasi nasa likod mo lang ako lagi. Hindi ko rin sinubukan na lumapit sayo. Kasi nasa isip ko bakit ako ang unang papansin? Hindi kasi sanay noon na ako ang unang makikipag usap. Dapat sila o kayo. Pero matigas ka. Kahit na elementary tayo ay hindi mo ko pinansin."
"Gerard!"
"Hanggang sa mag grade 5 tayo. Sa wakas naging mag classmate na tayo. Sinubukan kitang lapitan noon pero sinungitan mo ako"
Oo naalala ko yon. Hindi kasi mag kaklase mula grade 1 to 4. Hindi naman kasi uso ang section 1 sa amin. Lahat pantay-pantay.
"Nang sungitan mo ako noon at hindi namansin ay natamaan ang ego ko. Pinagtatawanan pa ako ng mga kaibigan ko. Mula noon pinangako ko sa sarili ko na maghahabol ka sa akin. Ikaw na kukuha ng atensyon ko. Pero hindi nangyari yon. Sa halip ay lalo kang naging mailap. Kaya lahat ginawa ko mapansin mo lang ako. Lahat ng salihan mo. Sinasalihan ko rin. Kinakalaban kita kahit saan. Maging sa balagtasan. Alam mo kung bakit? Doon ko kasi nakukuha ang atensyon mo."
Lalong naging mabilis ang tibok ng puso ko.
"Sinubukan ko namang palitan ka dito. Pero kahit ilang babae ang dumaan ay di ka man lang napalitan. Ne kahit kunting katangian mo. Wala sa kanila. Kasi nag-iisa ka. Ikaw at ikaw lang. Ikaw lang din ang nagmamay ari ng puso ko"
"Gerard" may luha sa mata kong tawag sa kanya.
Agad nyang pinusan ito.
"Huwag kang umiyak Joy. Nasasaktan ako pag ganyan ka. Alam mo bang mas nasasaktan ako pag nakikita kang nasasaktan. Mahal kita Joy. Ayaw kong aminin sa sarili ko pero dahil sa mga sinabi ni ate lalo ko lang itong napatunayan. Mahal kita at handa kong i give-up ang pagiging mayor ko para lang sayo. Para lang makasama kita"
"Sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko. Pero masaya ako Gerard. Sana lang pag nakauwi na tayo ay ganito parin. Sana hindi na matatapos ito".
"Hindi ito matatapos Joy kahit na maka uwi tayo. At pag nandon na tayo magiging official na tayo. Papakilala kita sa pamilya ko. Liligawan ko rin ang mga magulang mo. At pag naging okey na ang lahat. Magpapasal tayo"
Kasal?
"Ka-kasal? Ang bilis naman ata"
"Oo kasal. Tingin mo ba papayag pa akong mawala ka? Ang tagal kong tinago sa sarili ko ang pagmamahal ko sayo. Napapagod na rin akong bugbugin at bantaan ang mga nagpapalipad hangin sayo. Tapos---
"Wait! What did you say? Pinagbabantaan?"
Umiwas sya ng tingin.
"Gerard"
"Uhmm"
"Humarap ka sa akin. Anong pinagbabantaan ang sinabi mo?"
"Wala" aniya ngunit di pa rin makatingin sa akin.
"Isa"
"Wala"
"Dalawa"
"Wala nga"
"Hindi ko itutuloy kung ano man meron tayo"
"Oo na nga eh. Pinagbabantaan ko sila na wag kang liligawan. Na tigilan ka. Kasi akin ka. Akin ka lang eh. Ayaw kong may kahati. Ayaw kong may lalapit. Nagseselos ako. Kasi mahal kita noon pa man"
Dahil sa bugso ng damdamin ay bigla kong hinila ang batok nya at hinalikan.
A/N
Alam ko na.
Alam ko na..
Bitin nananaman..hahahahahah
Nga pala. Plzzzzzzzzzzz
Support my new story. Hindi sya mayward. Joritz naman po sya. Pero sana. Sana basahin nyo rin..
Lamats
BINABASA MO ANG
Stranded
Short StoryMula pagkabata ay may kompetisyon ng nagaganap sa dalawa. Sa klase, Sa Sports o kahit saan. Likas na rin sa kanilang dalawa ang bangayan na nadala nila hanggang sa magdalaga at magbinata na sila. Ngayong malalaki na sila ay hindi pa rin nawawala ang...