Joy POV.
Lalong naging malapit ang landas namin ni Gerard. Nag aattend kasi ako sa mga okasyon kung saan mas maraming tao.
Kailangan ko ito para sa aking pagtakbo.
"Ohh tingnan mo nga naman. Ang liit ng mundo. Kahapon lang nagkita tayo. Ngayon ulit?" Rinig kong sabi ng impaktita.
Palihim akong umirap.
Bat nandito nanaman to?
Oo nga pala. Sila ni Gerard.
May kirot sa puso ko ng maalalang sila ni Gerard.
Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis ng harapin ko sya.
"Oo nga noh. Ang liit ng mundong ito para sa ating dalawa." Ngisi ko sa kanya.
"Nakalimutan mo na bang Nanay ako ng Anak ng MAYOR? Malamang nandito ako para supportahan sya."
"Oww NANAY ka ng Anak DAW ng Mayor! Una di naman nya kamukha. Pangalawa. Nanay ka lang ng anak nya kuno. Kung anak nga nya"pang iinis ko dito.
Biglang naging mabagsik ang mukha nya.
Alam ko anumang oras ay sasaktan nya ako ng pisikal at yon ay hindi pwedeng mangyari.
"Ano bang pinaglalaban mo ha?" Pasigaw na bulong nya.
Tumingin ako sa paligid. Wala ne sino nakakapansin sa tensyong namamagitan dito.
Ngumisi ako.
Kung mayron man akong natutunan sa mga pasakit ko noon ay yong maging palaban at maging Bitch ng kaunti.
Ayaw mo ng iskandalo huh. Tingnan natin.
"Tsk.. poor Stacey. Ang hina mo. Stupid" simula ko.
Nakita kong lalo syang nag ala tigre at hinawakan nya ako ng mahigpit sa braso.
Its showtime..
"Ahh aray. Ano ba. Nasasaktan ako"nilakasan ko ang boses ko para makuha ang atensyon ng iba.
At di ako nagkamali. Lahat nga ay nakatutok na sa akin. Maging si Gerard.
"What the hell is happening here?" Agad nyang lapit.
At dahil sa pagka shock ng bruha ay hindi nya pa nabibitawan ang braso ko.
"Sinasaktan nya ako. Wala naman akong ginagawa sa kanya"mahinahon kong sabi. May kasama pang hikbi para mas kapani-paniwala.
Dumilim ang anyo ni Gerard at inalis ang kamay ni Stacey.
"Ge-Gerard-
"Anong katangahan ang pumasok sa kukoti mo para saktan sya?" Tila kulog na sabi ni Gerard.
"Hiindi ma-mali ka" namumutla na si Stacey sa harap namin.
Dala na rin ng kahihiyan. Nasa amin kasi ang atensyon ng tao.
"Mali? Kitang-kita na nga nagdidinay ka pa? At bakit ka ba nandito? Di ba at sinabi ko na sayo na ayaw na kitang makita pa?"
"Ge-
"Out"
"Ge-
"I SAID OUT" sigaw nya kay Stacey.
Nagmamadaling tumakbo ang babae pero tiningnan nya muna ako ng masama.
Ano ka ngayon?
"Okey ka lang ba? May masakit ba sayo" nag aalalang tanong ni Gerard sa akin.
Parang napapasong kinuha ko ang kamay nya na di ko alam kung paano nya nahawakan.
"O-okey lang ako. Uuwi nalang ako para makapagpahinga" paalam ko.
Pinigil nya ang braso ko.
"Ihahatid na kita"
"Huwag na. Kailangan ka pa dito" at ayaw ko. Ayaw kong matagal kang kasama. Dahil natatakot akong bumigay ulit sa kasinungalingan mo.
"No. Okey lang tapos naman na ako"
"Hindi na talaga"
Tinitigan nya ako saglit. Bago ngumiti ng mapait.
"Oo nga pala baka magselos yong lalaking kasama mo"biglang nandilim ulit ang mukha nya nsa huli nyang sinabi.
Si Dave?
At teka. Tama ba nababasa ko sa mga mata nya?
Galit.
Selos
At panghihinayang?
"Sige. Mauna ka na"sabi nya sabay talikod.
Mali Joy. Mali ang nabasa mo.
Huwag kang maniwala. Masasaktan ka lang.
💖💖 💖💖💖💖💖💖💖
Mamatay-matay sa katatawa si Dave ng ikinuwento ko sa kanya ang katangahang ginawa ko kay Stacey kanina.
"I can't believe na magagawa mo yon. Pero pinabilib mo ako ng sobra. Tama lang yon sa bruhang yon noh"
Napailing ako.
Ngayon ko naisip na parang nasobrahan naman ata ako kanina sa ginawa ko sa kanya.
"Hep hep. Huwag mong pagsisihan yong ginawa mo sa babaeng yon. Tama lang yon sa kanya. Mababaw pa yon kumpara sa lalim ng sugat na ginawa nya sayo. Hayaan mo sya"
"Ewan para akong nagu-guilty"
"Nako Joy. Masyado kang malambot. Hayaan mo sya. Ang saya kaya ng ginawa mo" tapos tumawa ulit sya.
"Baliw."
Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano. Tinuruan rin nya ako kung ano ang susunod kong gagawin pag nagkita ulit kami ni Stacey o no Gerard.
Gabi na ng mapagpasyahan nyang umalis.
"Ohh paano yan. Si Nana Berna lang kasama mo wala pa yong Mommy at kiddos mo. Okey ka lang ba dito?" Aniya.
Ginala kasi ni Mommy ang kambal sa Mall.
"Oo naman. Mauna ka na at hinahanap ka na ng jowa mo" sabi ko.
"Oo na. Kung di lang kaylangan ako ni Kurt di ako aalis. Pero sige na. Bye" humalik sya sa pisngi ko bago umalis.
Nang di ko na matanaw ang kotse nya ay akmang papasok na ako ngunit may biglang nagtakip sa bibig ko at may pina-amoy sa akin hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Stranded
Short StoryMula pagkabata ay may kompetisyon ng nagaganap sa dalawa. Sa klase, Sa Sports o kahit saan. Likas na rin sa kanilang dalawa ang bangayan na nadala nila hanggang sa magdalaga at magbinata na sila. Ngayong malalaki na sila ay hindi pa rin nawawala ang...