Joy POV.
Gabi na at nandito pa rin kami ni Gerard.
Gumuhit na rin kami ng malalaking letra ng HELP sa buhangin at lagi kaming may siga. Upang makakuha ng atensyon sa mga bangkerong dadaan.
Sana may makakita sa amin agad. Sana hindi na kami magtagal pa dito. Dahik hindi ko na alam kung hanggang saan ko kayang tiisin si Gerard.
Bwesit na lalaki. Ganito na nga ang kalagayan namin ngunit nakukuha nya pang mang asar.
Gaya nalang ngayon.
"Joy may tanong ako" naka ngiting sabi pa nya sa akin.
Hindi ko sya pinansin. Pero makulit pa rin sya.
"Sige na. Bago to."
"Ano nanaman yan Gerard?" Walang gana kong tanong.
"Ito may tanong ako. Sinong daga ang naglalakad ng dalawang paa lang?"
Dalawa?
May daga bang dadalawa lang ang paa?
"Uyy nag-iisip sya. Ano serit na?"
Punyeta na yan. Kahit anong isip ko. Wala talaga.
"Serit ka na" tudyo nya sa akin.
"Okey fine. Sino?"
"Sino pa edi si Mickey Mouse" sabi nya sabay hagalpak na tawa.
Bwesit.
Nabwesit lang ako kesa natawa sa kanya.
"Oh ito pa sino naman pusa ang naglalakad na dalawa lang din na paa ang gamit?" Muling tanong nya.
Sa pagkakataonh ito alam ko na ang sagot.
"Tom Cat" sagot ko.
"Nice."
"Ako naman ang may tanong"
"Uyy bago yan ahh. Sige nga"
"Sinong bebe o pato ang naglalakad gamit ang dalawang paa?"
"Sus yan lang? Ang dali naman. Edi si Donald Duck" tatawa tawa pa nyang sabi.
"Minsan iniisip ko kung matalino ka bang talaga o ano eh?"
"Huh? Bakit mo naman nasabi yan? Dahil ba nasagot ko ang joke mo?"
"Mag isip ka nga Gerard. May nakita ka na bang bebe na di lang dadalawa ang paa? Kasi ako lahat ng patong nakita ko tig dadalawa pang ang paa nila" aniko sabay tayo at iniwan syang naka-nganga.
Nice one Joy.
Ano ka ngayon Gerard. Akala mo huh?
BINABASA MO ANG
Stranded
Short StoryMula pagkabata ay may kompetisyon ng nagaganap sa dalawa. Sa klase, Sa Sports o kahit saan. Likas na rin sa kanilang dalawa ang bangayan na nadala nila hanggang sa magdalaga at magbinata na sila. Ngayong malalaki na sila ay hindi pa rin nawawala ang...