17

928 90 37
                                    

Joy POV.

Nagising ako sa ingay ng paligid. Unti-unting minulat ko ang aking mga mata para lang makita na nakatali ang mga paa at kamay ko habang nakatayo ako.

Nasaan ako?

Hanggang naalala ko ang nangyari kagabi. May nagtakip sa bibig ko. Hanggang sa nawalan ako ng malay.

"Gising na pala ang uto-utong babae"

"Stacey?" Gulat ko.

Tumawa sya na parang nababaliw.

"Ako nga bitch. Wala ng iba. Kumusta ka ohh my bad. Hindi ka nga pala okey ngayon. Di bali ngayon lang yan kasi nakikita mo yon?" Sabay turo sa mga lalaking nakatingin sa akin.

Mapula ang mata. Mala demonyo ang ngisi habang nakatingin sa akin na puno ng pagnanasa.

"Yang mga yan ang magdadala sayo sa langit" muli syang tumawa.

"How dare you" galit na sabi ko sa kanya.

Biglang dumapo sa pisngi ko ang palad nya dahilan para pumutok ang labi ko.

Hinawakan nya ang panga ko ng mahigpit.

"Huwag na huwag mo kong pagtataasan ng boses. Alalahanin mo hawak ko ang buhay mo at ng nasa sinapupunan mo. Kaya kung ako sayo magpakabait ka. Ang bait ko na nga sayo. Akalain mo yon papatikim ko sayo yung gloria sa piling ng apat na lalaki. Kaya huwag mong initin ang ulo ko kung ayaw mong dagdagan ko yang mga ulol na yan na papasok dyan" sabay turo sa pagkababae ko.

Gusto ko pa syang labanan pero iniisip ko yong anak ko sa sinapupunan ko. Ayaw ko syang madamay. Hindi nya pa nakikita ang mundo. Hindi ko pa rin naamin sa tatay nya na paparating na sya. Sila ng kuya at ate  nya.

"Stacey" tawag ng isang bagong dating na lalaki na kapapasok lang.

Doon lang binitiwan ni Stacey ang mukha ko at malaking ngiting lumapit sa lalaki. Sinalubong nya iyo ng halik.

Kung nabigla ako sa laplapan nilang dalawa ay mas nabigla ako ng hawakan nya ang gitnang bahagi ng lalaki. Habang nilalamas naman ng lalaki ang dibdib nya.

Hiyawan naman ng mga lalaking nanunuod sa kanila.

Ang bababoy.

Alam ba ni Gerard na ganitong babae ang gusto nya? Ang gusto nyang makasama sa buhay.

Ngunit mas lalo akong nahindik nang sa harap namin sila mismo gumawa ng milagro. Tanging ungol nilang dalawa ang pumupuno sa kwartong yon.

Pumikit nalang ako.

Ayaw kong makita ang kababuyan nilang dalawa.

Dave help me please.

Gerard...





*****************************************

Gerard.

"Putang ina. Ang dami nyo pero mga wala kayong kwenta" galit na bulyaw ko sa mga tauhan ko.

Hanggang ngayon ay wala pa rin silang lead kung saan at kung sino ang nagpadukot kay Joy.

"Hijo huminahon ka" ani Daddy.

"Paano ko gagawin yon kong alam kong nasa peligro ang mag-ina ko. Ha paano?"

Paano ko gagawin yon?

Ang saya ko na malaman ang lahat. Na anak ko yong dalawang bata na nakita ko non. Walang relasyon si Dave at si Joy. Na ang pinagbubuntis ni Joy ay akin din. Na kahit di ko alam kung paanong nangyari.

Fuck.

Gulong-gulo ang utak ko pero ang saya ko. Pero yong saya na iyon ay nawala dahil sa nalaman kong kinidnap sya.

Hindi ko nga alam kung dapat ko bang magpasalamat ako ako sa pagkidnap sa kanya o ano. Dahil kung hindi sya nakidnap ay hindi ko malalaman ang lahat. Kung hindi humingi ng tulong ang mga magulang nya sa akin.

"Daddy. Ang mommy namin" Iyak ni Thea sa akin. Habang si Theo ay tahimik lang.  ito ang isa sa pinagpapasalamat ko. Na madali akong tinanggap ni Thea. Pero hindi ni Theo.

Ramdam ko ang ilap nito sa kin.

Pero hindi ko naman sya masisi. May malaking kasalanan ako kay Joy.

"Sshh. Hahanapin ni Daddy si Mommy baby. Ibabalik ko si Mommy" alo ko sa anak ko.

Sinamaan ko ng tingin ang ibang tauhan ko. Sabay-sabay silang umalis sa harap ko.

Joy nasaan ka ba?

Pangako babawi ako pag uwi mo.

Hindi ako papayag na hindi mabigyan ng buong pamilya ang mga anak natin.

At kung sino man ang may gawa nito sayo sisiguraduhin kong magbabayad sya ng mahal...

StrandedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon