Gerard POV.
Lahat ng okasyon na ginaganap ngayon sa bayan ay laging kasama si Joy. Marahil ay para ito sa kanyang pagtakbo.
Pero hindi lang sya ang laging nandoon. Lagi nyang kasama yong lalaking hilaw na tumawag sa kanya ng babe.
Tsk. Babe?
Baboy lang?
Kahit na ngi-ngit na ngit-ngit ako. Kahit na pinapatay ko na sa isip ko yong lalaking nakaakbay sa kanya ay nanahimik pa rin ako.
Buong durasyon ng okasyon ay nakatitig lang ako sa kanila. Parang mga nanadyang maging sweet sa isat-isa dahil alam nilang may nanood sa kanila.
"Bagay na bagay talaga si Ms. Joy at Sir Dave" rinig kong sabi ng isa sa konsehal. Na kung di ako nagkakamali ay dating kaalyado ito ng mga Santos.
"Sir Dave?" Di ko mapigilang tanong.
"Opo Mayor. Sya si Dave Marasigan ang pinakamayaman di lang dito sa pinas pati sa bansa Greece kung saan sya lumaki." May kinang sa matang sabi nya. Bakas sa kanyang mukha ang paghanga sa binata.
"Kung taga malayong lugar pala sya bakit sya naririto?" Paismid ko.
Di nalang sya nanatili sa bansa nya at pumunta pa dito.
Nagtatakang nagkatinginan ang mga katabi ko. Marahil dahil sa nahuli nila akong umismid.
"Ahmm kasi Mayor may kompanya silang nakatayo dito. Yong pinaka-malaking kompanya sa Makati sa kanila po yon. At yong building na katabi ng Condo nyo ay pag aari po nya"
Lalo akong napa-irap.
"Kaya pala ang yabang" bulong ko. Ngunit narinig pala ako ng mga katabi ko.
"Naku Mayor dyan po kayo nagkakamali. Napakabait po ng taong yan. Kaya nga balita ko ang lahat ng kamag-anak ni Ms. Joy ay boto sa kanya. Kasal na--
"STOP THAT. WALANG KASALAN MAMAGITAN SA DALAWANG YAN" di ko napigilan sumigaw.
Nag init ang ulo ko ng sabihin nyang ikakasal si Joy sa lalaking yon.
Kasal?
My ass
Dadaan muna sya sa bangkay ko.
Matapos akong sumigaw ay nagpasya na akong umalis. Di ko pinansin ang mga tingin ng mga tao sa akin.
********
"Hey brother. Lasing ka nanaman" sita sa akin ni Ate pagdating ko sa bahay.
Nang umalis kasi ako kanina ay dumiretso ako sa club na pag-aari ng pinsan ko.
Nagpakalasing at nagpakalunod ako sa alak . Baka sakaling makalimot kahit sandali. Pero parang nanadya naman na sa club na iyon din makikita ko yong dalawa.
Umupo ako at inabutan ni Ate ng kape.
"Here drink this"
"Salamat"
"So! Anong ganap?"
"Nakita ko sya"
"And?"
"May kasama syang iba at masaya na sya"
"Idiot. Ano sa tingin mo? Na hihintayin ka nya? Na sasabihin mong totoo lahat ng pinakita mo? Na nagsisi ka na? At tingi mo papatawarin ka nya at magiging kayo na? Happy ending na? In real life walang ganon Gerard. Tapos na ang panahon ng mga Fairytale. Sa panahon ngayon kailangan mong paghirapan, matutunan ang lahat. At tanggapin kung ano ang kakahinatnan ng gagawin mo. Dahil tao ang gumagawa ng kapalaran nila. Wala silang script na susundin at sila ang Author ng buhay nila"
"I know. Pero parang ang bigat naman ata ng kapalit sa nagawa ko?"
Huminga sya ng malalim.
"Hindi ko alam ag sagot Gerard. Isa lang ang makakasagot nyan. Kausapin mo sya. Para malaman mo. Sa ngayon ay pumasok ka na sa loob at magpahinga. Aalis na ako"
Tango lang ang isinagot ko.
Tama si ate kailangan ko syang kausapin.
"And Gerard. Kung anuman ang maging sagot sayo ni Joy tanggapin mo. Kasi kasalanan mo" huling sabi nya bago umalis.
I know Ate.
I know
BINABASA MO ANG
Stranded
Short StoryMula pagkabata ay may kompetisyon ng nagaganap sa dalawa. Sa klase, Sa Sports o kahit saan. Likas na rin sa kanilang dalawa ang bangayan na nadala nila hanggang sa magdalaga at magbinata na sila. Ngayong malalaki na sila ay hindi pa rin nawawala ang...