Gerard POV..
Ang lahat ng saya. Ang lahat ng pananabik ko ay naglahong parang bula ng makita ko si Joy.
Naka simpleng bestida ito kaya di naitago ang umbok niyang tyan.
Fuck.
Tatlong taon akong naghintay, nanabik na makapiling sya tapos uuwi syang ganito?
Uuwi syang may pamilya na sya?
Mukhang hindi nya ako napansin dahil dire-diretso sya kung saan naka park ang kotse nya.
Ngunit sa paglapit nya sa kotse nya ay lalong gumuho ang mundo ko ng may lumabas na batang babae at lalaki na nasa edad dalawa o higit ang sumalubong sa kanya. Lumabas din ang sigurong ama ng mga ito ng salubungin sya ng halik sa pisnge.
"Mommy eat" rinig kong sabi ng batang babae.
"Sure Baby" ani Joy.
"Tapos na ba Babe?" Tanong nong lalaki.
Babe?
My Ass.
"Yes Babe. Tara na at gutom na mga baby pati na rin baby" sabay himas nya sa umbok niyang tyan.
Naka kubli lamang ako sa malaking puno malapit sa kanila.
Tanga ba?
Tanga ba na kahit na nasasaktan ako sa nakikita ko at naririnig ay heto pa rin ako nakikinig at nakatingin sa babaeng mahal ko.
Pero.
May mahal ng iba.
Pinanuod kong sumakay si Joy. Inaalalayan ng lalaking kasama nya hanggang sa pag-alis ng sasakyan ay naka-tingin pa rin ako.
***
Mainit ang ulo ko maghapon. Wala na akong pinili kung bata man o matanda ang nasisinghalan ko.
Galit at sakit ang nararamdaman ko.
At selos.
Ako.
Ako dapat ang nasa kalagayan ng lalaking yon. Hindi sya.
Wala syang karapatan hawakan ne dulo ng daliri ni Joy.
Pero yong mga bata.
May mga anak sila.
"Mukhang lahat nanaman ng empleyado nakatikim ng galit mo?" Sabi ng bagong pasok.
"Gov" walang buhay kong bati sa kanya.
Huminga sya ng malalim.
"Anak. Tatay mo pa rin ako kahit na ako ang Governador dito. Kaya pwede kang magkwento" aniya.
Tiningnan ko si Daddy. Ang mga matang nag-aarok na magkwento ako.
Mula ng pumasok sya sa pulitika ay naging malayo na ang loob ko sa kanya. Ne kahit anong laki at bigat ng problema ko ay di nya nalalaman.
"Common Son. Tatay mo pa rin ako at anak pa rin kita kahit na may Edad ka na"
Hindi ko alam kung pinapatawa nya ako. Pero napangiti ako dahil doon.
"So? Tell me. Anong nangyayari sa anak ko?"
Kinuwento ko sa kanya ang lahat. Lahat-lahat sa plano. Sa anak ni Stacey at yong nangyari kanina.
Katahimikan ang nangyari sa amin matapos kong magkwento.
Huminga ng malalim si Dad.
"Nang araw na sabihin ko sa pamilya na tatakbo akong alkalde noon ay napansin ko ng tutol ka. Lalo kong napatunayan yon ng manalo ako at tuluyan kang lumayo sa akin. Naging malungkutin ka, masungit. Hanggang isang araw umuwi kang naka-ngiti. Umuwi kang masaya. Kung di ako nagkakamali yon yung nagsimula ka ng pumasok. Ang akala ko dahil sa mga bagong kilala mo sa school pero habang tumatagal parang hindi lang dahil sa kaibigan mo"
Nakikinig lang ako kay Dad habang nagkekwento sya. Inaalala ang mga panahon na una kaming nagkita ni Joy.
"Lalo akong naghinala ng sumali ka sa boyscout. Alam kong ayaw mo ng ganon. Dahil minsan mo ng nasabi sa akin noong hindi pa ako alkalde. Pero ginawa mo kaya nagtanong ako sa inupahan kong tagabantay nyo ni ate mo"
Napataas ang kilay ko.
Taga bantay?
"Oo. Nag upa ako ng magbabantay sa inyo. Yong hindi nyo malalamang dalawa. Gusto kong lagi kayong ligtas dalawa. So ayon. Nalaman ko na ang lahat ng yon ay dahil kay Joy. Hanggang sa lumaki ka at nagbinata. Si Joy at si Joy pa rin. Alam ko rin na binabantaan mo ang lahat ng umaaligid sa kanya. Kahit na masyado kang indenial. Nang malaman ko noon na ang papalit sa pwesto ng ama nya ay si Joy. Inutusan kitang tumakbo. Ayaw mo non. Kasi kamo ayaw mo sa pulitika. Pero isang araw gusto mo na"
Ayaw ko talagang tumakbo. Pero nalaman ko kasing tatakbo si Joy non. Nagkunwari pa nga ako sa kanya at kay Ate na wala akong alam noon. Maging kay Stacey ay nagkunwari akong walang alam sa paglalaban namin.
"Yon ay dahil nanaman kay Joy. Di ba? Hanggang sa nawala kayo ni Joy at sa pagbabalik mo nagsabi kang di ka na tatakbo. Ang sabi mo hahayaan mo nalang si Joy. Natuwa ako kasi ang anak ko. Totoo na sa sarili nya. Pero pag dating din ng gabing yon. Umuwi kang lasing at umiiyak" umiling iling pa sya.
"Nalaman ko kasing iniwan na ako ni Joy non. Kaya kahit na sinabi kong hindi na ako tatakbo ay itinuloy ko pa rin. Nangako ako sa sarili ko na aalagaan ko ang bayan. Para sa pagbalik nya ay maganda pa rin ang datnan nya."
"Pero sa pagbalik nya ikaw ang nabigla di ba?"
Natahimik ako. Naalala yong kanina.
"Ano ang plano mo ngayon?"
"Hindi ko alam Dad"
"Alam kong may nakita mong may pamilya na sya pero mas maganda pa rin na mag-usap kayo."
Ngumiti ako ng mapait.
"Masaya na sya. Guguluhin ko pa ba?"
Tahimik na pumunta si Dad sa akin. Pinatong ang kamay sa balikat ko.
"Kaya mo yan Anak. Kung hindi man si Joy ang nakalaan sayo. Maaring may babae pang naghihintay na mapansin mo"
"Okey lang ako Dad. Kung hindi man si Joy ang nakatadhana sa akin. Mas gugustuhin ko pang tumanda mag isa kasama ng ala-ala naming dalawa"
Mahal na mahal kita Joy.
Ikaw lang ang nag-iisa.
Ang una at huling mag mamay-ari ng puso ko.
A/N
Uyyy
Gusto nila ng POV ni Joy..
Ayaw ko nga....
Hahahhahaha😈😈😈😈😈😈😈
BINABASA MO ANG
Stranded
Short StoryMula pagkabata ay may kompetisyon ng nagaganap sa dalawa. Sa klase, Sa Sports o kahit saan. Likas na rin sa kanilang dalawa ang bangayan na nadala nila hanggang sa magdalaga at magbinata na sila. Ngayong malalaki na sila ay hindi pa rin nawawala ang...