8

976 89 33
                                    

Joy POV.

Kinaumagahan nagising ako na wala na si Gerard sa tabi ko. Mula kasi ng aminan na iyon ay gumawa na lang kami ng kubo na kakasya kaming dalawa.

Ang cute nga eh. Feeling ko mabubuhay ako sa ganito lang. Walang kahit na anong gadget. Walang wifi. Yong tipong ang bahay mo pinagtagpi-tagpi dahon ng nyog at saging. Tapos kunti lang ang gamit o damit. Basta kasama mo yong taong mahal mo. Kahit ano lang ay makukuntinto ka na.

At speaking of "damit"

Hindi ko maiwasang mamula. Paano ba naman kasi. Ang nakita lang naming bag ay ang bag ni Gerard. Kaya no choice ako kundi yon na rin ang suotin. Mas gugustuhin ko naman na iyon. Kesa hindi magpalit.

"Gising ka na pala. Halika ka na. Kakain na tayo"

Heto nanaman ang mabilis na tibok ng puso ko. Nasanay na ata na sa tuwing malapit sya ay parang signal na ng "go". Parang may nag uunahan na daga na di ko maintindihan.

"Joy" muling pukaw nya sa akin.

"Huh? Ah oo. Anong kakainin natin?"

"May nahuli akong isda kanina gamit ang kahoy na pinatulis ko ang dulo. Mababa kasi ang tubig. Tapos may napulot akong shells na malalaki. May talaba din" sabi nya.

"Naka-huli ka ng isda gamit lang ang kahoy?"

"Oo naman ako pa."

"Sabagay nag boyscout ka rin noong nag aaral tayo"

"Oo. Nag girlscout ka eh" aniyang nagpahinto sa akin sa paglalakad.

"Ano kamo?"

Namumulang umiwas sya ng tingin.

"Gerard"

Huminga sya ng malalim bago nagsalita.

"Sumali ako sa boyscout dahil sumali ka. Alam ko kasing may mga camping yon. Pagkakataon na rin para humaba ang oras na makasama kita. Isa pa nalaman ko rin na maraming sumaling kalalakihan noon nang sumali ka. Maraming aaligid sayo. Kaya sumali ako ng mabakuran ka" namumulang pag aamin nya.

Ngumiti ako.

Nitong huling araw ay nagiging vocal na si Gerard sa nararamdaman nya sa akin at ganon din ako sa kanya.

Hindi ko lang siguro napapansin noon. Pero ng mga panahon na iyon. Kahit na naiinis ako sa kanya dahil sa lagi nya akong kinakalaban ay hinahanap ko pa rin ang prsensya nya. Ngayon ko lang naisip at naramdaman.

"Tara na nga. Kain na tayo"

Magana kaming kumain. May kasama pang buko bilang tubig namin. Matapos kaminh kumain ay napagpasyahan naming maligo o mas tamang sabihin ay naghabulan sa tubig.

Ang saya ko lang. Parang tangang nag iisip na sana hindi na kami makita pa. Na sana ganito nalang kami habang buhay ni Gerard. Yong masaya lang at walang ibang iniisip.

***

Malakas na hangin at ulan sa labas. Kahit na matibay ang tinayo naming kubo ay hindi ko maiwasang kabahan. Sobrang lakas ng hangin na parang anumang oras ay matitibag ang tibay nito.

Nilalamig na rin ako kahit na patung-patung na ang damit ni Gerard sa katawan ko.

"Nilalamig ka pa rin ba?" Tanong nya.

"Oo"

"Hindi kasi tayo makakisiga para mainitan ka pero may alam ako. Kahit paano makakatulong para maibsan ang lamig na nararamdaman mo. Kung papayag ka"

"Ano yon?" Naginginig na tanong ko.

Grabing ginaw kasi.

"Body heat. Payag ka bang yakapin kita?"

Bigla akong napatingin sa kanya.

Yakapin?

Biglang humampas ang malakas na hangin na lalong nagpa ginaw sa akin.

Kaya napatango ako agad.

Unti-unti syang lumapit sa akin at yumakap.

Sa pagkakalapit ng aming mga katawan. Ay hindi lang basta kaginhawaan ang aking nararamdaman. May init na parang unti-unting sinisilaban.

Init na kaylangan ng katugon.

Lumingon ako kay Gerard. Ngunit sa paglingon kong iyon ay sumalubong sa akin ang labi nya.

Halik na mapusok. Naghahanap ng katugon.

Hindi ko alam kung paano nangyari basta naramdaman ko nalang na pareho na kaming walang saplot at ginagawa ang hindi pa dapat mangyari.

StrandedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon