Joy pov.
Nagising ako sa di pamilyar na silid.
Nasaan ako?
Ang huling naalala ko ay hawak ako nila Stacey. Inaamin nya sa akin ang lahat. Ang kalaswaan nila at ang putukan.
Si Gerard.
Babangon na sana ako nang may mapansin akong kumikinang sa akin kamay.
Singsing?
Paano ako nagkaroon ng singsing?
Sa pagkakatanda ko ay hindi akin ito.
''Gising ka na pala'' bungad sa akin ni Gerarrd.
''Anong nangyari? Nasaan ako?'' ang mga anak ko?
Gusto ko pa sanang idagdag pero wala pa syang alam. Ayaw ko rin syang biglain.
Huminga sya ng malalim bago umupo sa tabi ko matapos ilapag ang tray na puno ng pagkain.
''Nahuli na Stacey. Alam na rin namin na sya ang may pakana ng pagdukot sayo at nandito tayo sa Isla kung saan tayo na-Stranded dati''
Huh? Sa pagkaka-alam ko walang bahay dito dati.
Mukhang nabasa naman nya ang nasa isip ko.
''Binili ko na ang Islang ito para patayuan ng bahay. Ito sana ang regalo ko sayo noon matapos nating ikasal. Kaya lang bigla kang nawala'' malungkot na sabi nya.
Kung di ko lang alam ang lahat, bubulyawan ko sya eh.
Magsasalita sana ako ng maunahan nya.
Hinawakan nya ang kamay ko.
"Joy alam ko malaki akong gago. Marami akong ginawang katangahan at kagaguhan sayo. Pero maniwala ka mahal kita. Mahal na mahal kita at handa kong ituwid ang lahat ng pagkakamali ko bumalik ka man sa akin. Kayo ng mga anak at magiging anak natin'' gulat na napatingin ako sa kanya.
''Paanong---
'Sinabi na lahat sa akin ng mga magulang mo at nong Dave'' bahagyang umirap sya ng pagkabanggit sa pangalan ni Dave.
Oo nga pala hindi nya alam na bading si Dave.
''May gusto lang akong malaman'' tanong nya sabay tingin ng matiim sa akin.
Napataas ang kilay ko sa kanya.
'Paano ko naging anak yang ipinagbubuntis mo?''
'Bakit? Ayaw mo?'' pataray na tanong ko sa kanya.
Ewan ba. Bigla akong nakaramdam ng inis.
Marahil ay nasa stage pa ako ng paglilihi kaya masyado pa akong moody.,
''Fuck. Syempre gusto ko. Gustong-gusto ko. Dahil baka makapatay ako pag iba tatay nyan. Kaya lang nagtataka lang ako. Wala akong maalala'' naguguluhang sabi nya sa akin.
''Kasi ganito yon. Teka wait ikuha mo muna ako ng mangga at condensed'' bigla akong naglaway dahil doon.
YUMMM
Tumaas ang kilay nya sa akin.
'Hindi kaya masira ang tyan mo doon?''
Masamang tingin ang binigay ko sa kanya.
''Eh kung hindi ako magkwento at iwan kita dito?''
''Relax ito naman di makapaghintay. Ito na kukuha na''
Inirapan ko sya habang sinusupil ang ngiti salabi ko.
'Bilisan mo na Gerard''
''Ito na kukuha na Basta ikaw, nanginginig pa'' sabay kindat nya sa akin.
''Uyy saglit lang'' tawag ko sa kanya ng akmang lalabas na ng kwarto.
''Bakit? May gusto ka pa ba?''
Tinaas ko ang kamay ko.
''Bakit ako meron ganito?'' tukoy ko sa singsing.
'Engagement Ring''
''Bakit pumayag ba ako?''
''Bakit tingin mo hahayaan kitang mag NO? Akin ka Joy ikaw at ang mga anak natin. Matagal mo ng dapat suot yan. Umalis ka lang. Huwag mo ring huhubarin yang singsing na yang kung ayaw mong maging kambal pa yang pinagbubuntis mo. ikukuha lang kita ng pinaglilihian mo. Huwag ka ring tumangakang tumakas dahil hindi ako papayag na iwan mo ulit ako''
Laglag ang pangang nakatingin ako sa palabas nyang bulto.
A|N
NEXT AY FLASHBACK..
Superrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr busyyyyyyyyyyyyyy po talaga
BINABASA MO ANG
Stranded
Short StoryMula pagkabata ay may kompetisyon ng nagaganap sa dalawa. Sa klase, Sa Sports o kahit saan. Likas na rin sa kanilang dalawa ang bangayan na nadala nila hanggang sa magdalaga at magbinata na sila. Ngayong malalaki na sila ay hindi pa rin nawawala ang...