Joy POV.
Nakahinga ako ng maluwag ng hindi tinuloy ng mga lalaki ang pinapagawa ni Stacey sa kanila. Siguro ay dahil na rin sa si Stacey ang hinarap nila.
Ang apat na kalalakihan ay sumali sa live porn na ginawa ni Stacey at nung lalaking malaki ang katawan na puro tatto. Ang masaklap lang ay sa harap ko nila ginawa.
Mga ungol nila ang pumupuno sa kwartong ito. Hindi ko alam kung paano naatim ni Stacey ang gawin yon. Samantalang may Gerard sya. Hindi pa ba sya kuntinto? Paano nalang ang anak nya? Hindi ba sya nahihiya sa pinag gagawa?
Natigil ang pag iisip ko ng makarinig aki ng putukan sa labas.
"Fuck. Mga tanga tingnan nyo kung ano yon" baling ni Stacey sa apat na magpahanggang ngayon nasa kandungan nya pa rin.
Nagmamadaling umalis ang apat habang nagbibihis naman si Stacey. Matapos non ay kinuha nya ang baril sa drawer.
"Mukhang magagamit ko na ito ngayon" sabay tutok sa akin ng baril.
"Huwag. Maawa ka" pagmamakaawa ko.
Tumawa sya ng mapang uyam.
''Maawa? At bakit ako maawa sayo? Alam mo bang matagal ko nang hinintay ang pagkakataong ito? Matagal na kitang gustong patayin kasi kahit nasa akin si Gerard. Kahit na ako ang kasama nya sayo at sayo pa rin ang atensyon nya." Tumawa sya pero ramdam ang pait.
"Alam mo ba! Mahal na mahal ko sya. Lahat ng bagay tungkol sa kanya inalam ko. Lahat ng paraan ginawa ko para mapansin nya ako. At sa wakas nakamit ko yon. Alam ko at ramdam kong pampalipas oras nya lang ako pero tiniis ko yon. Kasi sabi ko sa sarili ko lahat gagawin ko mahalin nya lang ako. Pero alam mo bang hindi nangyari yon dahil sayo. Lahat ng tungkol sayo inaalam nya. Sasali sya sa mga sinasalihan mo. Kalalabanin ka nya para mapansin mo. Lahat ginagawa nya makuha lang ang atensyon mo. Ang tanga diba? Ako lahat ginagawa ko para mapansin at mahalin ako pero sya? Lahat ginagawa nya para mapansin mo"
Gulat akong napatingin sa kanya.
Imposible. Plano lang ako diba?
"Alam mo bang ako ang nagsabi tungkol sa planong paibigin ka nya at paglaruan? Walang pagdadalawang isip na pumayag sya non. Syempre alam nyang madali lang sa kanya dahil totoo naman ang pinapakita nya sayo. Nang gabing papunta kayo sa isla ay nagtangka akong bawiin ang plano. Sinabi ko sa kanyang iba nalang. Ibang paraan nalang gagawin pero sabi nya itutuloy nya ang naunang plano" ngumiti sya ng mapait.
Yun yong gabing nahuli sya ng dating. Nag usap pala sila.
"Naki ayon sa kanya ang kapalaran dahil sa nangyari sa inyo. Pero alam mo bang kinabukasan din non ay natagpuan nya ang bag nya kung saan naroon ang mga Cellphone nya? Nakontak ko sya pero higpit nyang pinagbawal na huwag ipapalam kahit kanino. Binlock nya ang mga numero maliban sa akin. Hindi ka ba nagtaka nang pagka gising nyo noon ay wala na ang bangkero nyo? Dahil pinasundo nya noon sa amin at binayaran ng malaki para huwag magsalita. Ilang beses ko syang niyayang umuwi at iwanan ka sa Isla. Malaking parusa ang mangyayari sayo doon. Pwedeng gumawang kwento kung bakiy nakaligtas sya at ikaw hindi. Pero sa ikalawang pagkakataon ay tinanggihan nya. Doon daw kami sa unang plano. Labag man sa loob ko pero sinunod ko sya eh. Mahal ko kasi sya. Pero noong umuwi kayo maraming nagbago. Nagsabi syang hindi na nya itutuloy ang pagtakbo. Nakipag hiwalay din sya sa akin. Alam mo ba kung bakit? Kasi alam kong yayain ka na nyang magpakasal" tumulo ang luha nya.
"Stacey"
"Nang malaman kong hindi na sya tatakbo noon ay pinuntahan ko sya sa kanila pero bago ako makarating sa Condo nya ay nakita ko syang lumabas. Sinundan ko sya hanggang sa Mall. Bumili sya ng singsing. Sabi nya magpopropose na sya. Akala ko sa akin. Akala ko ako. Pero hindi. Putang inang hindi ako dahil sayo. Ikaw yong babaeng aalayan nya yon. Kaya nang bumalik sya sa Condo ay hinabol ko sya. Kinausap at dahil alam kong nandon ka pinarinig ko sayo ang mga sinabi ko. Pati ang pagbubuntis ko." Doon sya umiyak.
"Hindi si Gerard ang tatay ni Geraldine. Bunga sya ng isang gabing pagkakamali. Habang nasa Isla kayo pumunta ako ng Bar at nangyari ang di dapat mangyari. Noong una palang nakaramdam akong buntis ako alam ko ng hindi si Gerard ang ama. Dahil ne minsan hindi nya ako nilagyan. Pero dahil naging despirada ako pinaako ko sa kanya"
Naawa ako sa kanya at the same time ay natuwa ako sa mga sinabi nya.
Mahal ko ni Gerard.
"Stacey. Mali ang ginawa mo" malumanay kong sabi pero naging mabagsik ulit ang mukha nya. Tinutok nyang muli ang baril sa akin.
"Mali? Mali bang magmahal? Putang ina ikaw. Ikaw ang mali. Sana noon pa lang pinapatay na kita. Sana hindi ko sinabi kay Gerard ang plano. Di sana hindi nya inamin sa sarili nyang mahal ka nya at hindi nya ako iiwan. Kaya ang dapat sayo mamatay.
Isang nakabibinging putok ang umalingawngaw sa kwartong yon.
At bago ako lamunin ng dilim nakita ko si Gerard na papalapit sa akin.
"Joy gising. Nandito na ako ligtas ka na"
Gerard mahal din kita. Mahal na mahal pa rin kita.....
A/N
May mga bagay na kailangan nating tanggapin kahit na masakit na masakit na.
At may mga istoryang nagtatapos ng hindi masaya.
Thats life.
Masyadong madaya si Destiny. Kung kailan nasayo na saka babawiin nang walang pasabi. 😢😢😢😢
BINABASA MO ANG
Stranded
Short StoryMula pagkabata ay may kompetisyon ng nagaganap sa dalawa. Sa klase, Sa Sports o kahit saan. Likas na rin sa kanilang dalawa ang bangayan na nadala nila hanggang sa magdalaga at magbinata na sila. Ngayong malalaki na sila ay hindi pa rin nawawala ang...