Kabanata 12
More than
Mariin ang aking pagkakapikit habang dumadalangin. Sunday ngayon at nakagawian na naming pamilya ang pumunta ng simbahan at makinig ng misa.
I roamed my eyes when the mass ended. Si Mom ay nakipagbatian muna sa mga kakilala kaya naiwan kami ni kuya.
"Hanes, h'wag mong isipin iyong sinabi ni Mom," tumingin ako kay kuya at ngumiti.
"I don't think she can really do that besides..." I trailed off not finding any right words.
"Besides what?" he asked. I just shook my head and link my arms to him.
"Besides I'm hungry. Treat me please? Kahit iyon lang!" turo ko sa street foods. Ngumisi siya at umiling.
Inilibre ako ni kuya at kumain din kami sa isang restaurant bago umuwi. Si Mom ay panay ang reklamo dahil doon sa babaeng kinakainisan niya na tumitingin daw kay Dad.
"Kung hindi lang talaga ako nasa loob ng simbahan ay baka nasabunutan ko na iyon!" she heatedly lament. I chuckled. My Mom, kahit na may pagka-spoiled at asal bata ay mahal na mahal ko. Isa pa ay nakuha ko din ang kaniyang katauhan. Literal. Ako daw ang carbon copy niya, pati ugali ay nakuha.
"Dad loves you naman eh," saad ko at ipinatong ang mga kamay sa pool. Si Mom naman ay nakaupo doon sa may sun lounger at nag-eemote.
"Hmp!" napangisi na lang ako kay Mom bago umahon sa pool. "Oh, where are you going?"
"Magkikita po kami ni Xander," she nodded and smiled. Matapos ang usapan tungkol sa pagkakaugnay sa Zallejos ay hindi na ulit iyon nabanggit. At hindi na rin nagtext si Orsovius magmula noong huling text niya na papunta daw siya sa office or whatsoever.
I'm not that dumb. Sinabi man niya na gusto niya ako, it still is very unclear for me. I need a direct one. Iyong sigurado at walang pagdududang mangyayari.
I sighed and looked at the mirror. I'm wearing a yellow floral dress at nakalugay ang mahaba at wavy kong buhok.
Nang mag alas-dose ay nagpaalam na ako kay Mom na aayain ko na lang si Xander na maglunch. Usually kapag sunday ay may kaniya-kaniyang buhay ang iba kong pinsan. Si Kuya naman ay hindi ko makita sa bahay.
"Beautiful as always, Hanes." napailing ako sa pambobola ni Xander. Buti na lamang at naisipan niya din munang kumain bago kami maghanap ng damit na susuotin.
"Dapat ay magmukhang seductive ang suot dahil... you know," kumindat siya sa akin. Pabiro akong umirap bago uminom ng juice. I almost choked nang makita ang pagpasok ng isang lalaki sa pinto ng restaurant.
Mula kase sa kinauupuan ko ay tanaw mo ang mga papasok. Tatayo na sana ako at lalapit kay Orsovius nang makita ko kung sino ang nakasunod sa kaniya... Jewel.
Hindi ko alam ngunit nabalot ng pait ang sistema ko. Instead of being filled by food, I was filled with bitterness. Kaya pala hindi nagtetext. Umiling na lang ako kay Xander nang abutan niya ako ng tissue at pabiro pang sinabi.
"May nakaalala sa'yo," he chuckled. I fixed my eyes on him dahil hindi ko kaya ang nakikita silang dalawa. I felt betrayed. And it sucks dahil maging iyon ay pilit akong hinihila para hindi maging maayos ang lagay.
"Let's go?" ngumiti ako kay Xander. Out of the blue, I linked my arms on his. Nagulat pa siya ngunit agad ding ngumiti. "You're damn skittish, Frontalio."
I sweetly smiled on him nang magsimula na kaming maglakad. "I am?" nilakasan ko ang aking halakhak while we're striving towards the exit.
And just like what I've expected. Nilingon kami nila Orsovius. Jewel... nakataas ang kilay niya at may mapaglarong ngisi.
"Oh! What are you two doing here?" tanong niya na pilit na ngumingiti. As if, the almost cat fight didn't happen. Tiningnan niya ako at si Xander bago muli akong tingnan at taasan ng kilay. "Wait, are you two dating kaya kayo nandito?"
Xander shyly chuckled. Mas hinigpitan ko ang kapit sa kaniyang braso. "You think so? Bagay ba kami?" I felt Xander stiffened kaya tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Nang ilipat ko ang tingin kay Jewel ay mukha siyang gulat at tila hindi inaasahan ang aking tanong. Bitch.
"O-of course! Bagay," hilaw siyang ngumiti. I smirked too and directed my eyes to Orsovius na ngayon ay madilim ang tingin habang nakatitig sa kamay kong nakapulupot sa braso ni Xander.
"Kayo den! Sobrang bagay..." I looked at Orsovius at ipinakita ang sarkasmo. He intently looked at me before biting his lower lip while his jaw moved. Si Jewel naman ay mukhang uto-uto na naniwala sa sinabi ko. "Alis na kami, may gagawin pa kase kame eh, bye!" I gave my best to not straddle those two.
Fuck! Ngayon ay nakumpirma ko na kung anong klaseng like ang gusto niyang iparating. It's just a brotherly like! I gasped for air and tried not to cry. Fuck you Zallejos!
"Hey, ayos ka lang?" tumango ako kay Xander at pilit na ngumiti.
Napagpasiyahan naming ang susuotin ay kulay puti. Ang sa kaniya ay iyong pang interpretive talaga na suot, nga lang ay bukas ang harapan nito kaya kita ang kaniyang maskuladong katawan. Ang sa akin naman ay kulay puting tube at isang cycling na puti din na napapalibutan ng tela ring puti na hati-hati at kapag gumalaw ako ay nakikita ang aking hita. But of course, it's fine. Nagpaalam na ako kay Xander at sinabihan siyang wag na akong ihatid ngunit nagmatigas siya at sinabing ihahatid na ako. In the end, siya ang nasunod. Pagod kaya nakatulog ako ng di namamalayan.
"I'm sorry..." I said as I saw Xander's driver maneuvering the car to our village.
"It's alright. Mukha kang pagod." nahihiya akong tumango. Nagbilin lang siya na alagaan ko ang sarili.
Nang matanaw ko ang aming bahay ay napakunot ang noo ko dahil sa isang pamilyar na sasakyan na nakatigil sa harapan nito.
"Thank you! And Good luck sa aten,"
"Ikaw den. Hangga't maari ay magpahinga ka na," nagthumbs up ako sa kaniya bago humarurot paalis ang kaniyang kotse. I sighed and headed towards our big gate pero bago iyon ay sinulyapan muna ang kotse sa harapan. I shrugged and was about to knock nang magvibrate ang cellphone.
Nanginig ako nang makita ang isang text mula sa pinakahuling tao na inaasahan kong itetext ako.
Orsovius:
Can we talk?
I tried my hard not to reply and just put my cellphone inside my clutch. Napalunok ako at magdodoor bell na sana nang pabagsak na tumunog ang kung anong nasa likuran ko. I turned to look at the material and was shocked when I saw how fuming Orsovous is while striding towards me. Nanginig ako sa galit niyang mga hakbang.
Nang marating ang harapan ko ay agad niya akong hinigit at ipinasok sa kaniyang Aston Martin. I almost screamed and punched him sa inis na sumabog.
How dare him! I sniffed and almost forgot how mad I am to him. Pabalibag na sumarado ang pinto ng kaniyang sasakyan at mariin niya akong tiningan bago tiim bagang na pinaandar ang sasakyan.
I panicked and shouted. "Saan mo ako dadalhin?!" he ignored me and continue driving. Nanlulumo akong sumandal sa upuan at tumingin na lang sa mga nadadaanan namin. Suminghap ako at pinigilan ang pagkawala ng isang hikbi habang patuloy at masaganang bumabagsak ang mga luha.
Padabog niyang inihinto ang sasakyan at pinaharap ako sa kaniya. Guilt registered on his face and he slowly caress my cheek. Pinapahidan ang basang mga pisngi. Sa ginawa niya ay tila napukaw ang damdamin ko at kumawala ang malalakas na hikbi.
Pinakiramdaman ko ang pagkabasag ng puso ko. My breathing hitched at agad niya akong niyakap papunta sa kaniyang dibdib habang marahan akong inaalo.
"Hush... I'm sorry, Hanes." humikbi ako.
Is this real? Wala na ba talagang mangyayaring maganda sa akin bukod sa pagkagustong ipinapakita sa akin ni Orsovius? Right. I'm inside his car, his arms and he's making me feel so damn comfortable and for a moment, I felt the passion in his warm calloused hands as it brushes my hair. As he whispers soothing words, pakiramdam ko ay hindi niya lang ako gusto bilang isang kapatid. It felt more than... that.
BINABASA MO ANG
Ceaseless Heartbeats (Damsel Series #1)
RomanceTo free herself, Seraphina Hanes Frontalio, the damsel who opt to forget and run from her mortifying past, flew thousands of miles carrying bags of hope of success in unlearning her erstwhile. Ngunit sino ba ang niloko niya? Ang paglipad sa kalahat...