Kabanata 5
Kuya
Naputol ko ang malalim na isipin nang magsigawan ang aking mga kaklase. Taka ko silang tiningnan. They're all looking at me like I'm some sort of queen kaya naman kinilabutan ako sa mga ngiti nila.
"Ms. Frontalio?" napatingin ako kay Ma'am Brinas at nagulantang dahil hindi ko alam na kanina pa siya nandyan!
"Yes Ma'am?" I asked. She smiled at me and shook her head. "Sorry po,"
"Ikaw ang napili ng buong grade ten teacher's para ire-present ang year level na'ten sa incoming Intramurals,"
My jaw literally dropped at her line. Napaturo pa ako sa sarili ko kaya mas lalong naghalakhakan ang mga kaklase.
"But Ma'am kakasali ko lang noong grade seven ako!" I protested. Really, I don't like their idea. Isa pa ay magiging dagdag gawain ito para sa'kin!
"Sus Hanes! Sisiw na iyan sa'yo,"
"Ija, that was three years ago at lagpas na iyon sa patakaran na two-year interval na pagsali ng contestants," I saw how she really wants me to join the contests and to think na siya ang coordinator ng grade ten? I'm really, really honored pero...
"Ay naku, Hanes! Kami na ang bahala sa ibang intindihin, just focus on Ms. Intramurals," napangiti ako sa sinabi nila Ethil. That was my cue to agree on Ma'am. She looked satisfied as she walked her way out of the room.
Dinumog naman ako nila Lara at dinaldal. Half of that morning ay wala kaming ginawa kundi tapusin ang mga pangdesign sa snack bar habang nagtsitsismisan.
Nang magrecess ay gaya ng nakasanayan, pumunta ako sa self-proclaimed place namin sa canteen. Nandoon na sila Ryza at ako na lang ang kulang.
I was waving at them nang may kung sino ang bumati sa akin.
"Congrats nga pala Hanes," I looked at Alen's face and nodded. Hindi ko naman siya ka-close, just a past acquaintance.
Nang marating ang table ay pinanggigilan ako nila Ryza at pinaulanan ng mga tanong.
"Totoo ba?"
"You'll represent your grade ulit?"
"God! Kailangan na nating maghanap ng sportswear mo!"
Humalakhak ako sa kanila. While the girls are rejoicing, nakasimangot naman ang mga lalake.
"Ma e-expose ka na naman!"
"I'll literally go to jail this time,"
"I'm already seeing a brawl coming," napairap ako sa sipol ni Nikaison.
Umirap din sila Franz. "What's wrong naman ba?"
"Oo nga! You boys should loosen up. Kaya siguro walang nagiging boyfriend itong si baby cous na'ten ay dahil sa sobrang higpit niyo!" Ryza Azalea the nagger, nagged at them.
Itinaas ni Cifran ang kamay niya at tumawa. "I'm out,"
"For Pete's fucking sake Ryza, boyfriend? Can you hear yourself, ni wala pa nga sa legal age si Hanes!" angal ni Nikolai. He looked mad at pinagbuntunan ng galit ang mga chips.
"Okay that's enough mga ate's and kuya's. Competition lang naman ito,"
They glared at me, ignoring my words. I bit my lower lip and prevent myself from laughing ngunit umalpas iyon at kalaunan ay natawa na din sila Franz.
"Look at Nikolai, Nikaison and Aldrey, they looked like the pained boyfriends," tumawa si Cifran.
Nag-usap lang kami ngunit wala pa din sa mood sila Aldrey. Hindi pa ako tapos kumain nang lumapit sa akin ang isa sa mga Student Council. The boy looked all flushed as he stuttered.
BINABASA MO ANG
Ceaseless Heartbeats (Damsel Series #1)
RomanceTo free herself, Seraphina Hanes Frontalio, the damsel who opt to forget and run from her mortifying past, flew thousands of miles carrying bags of hope of success in unlearning her erstwhile. Ngunit sino ba ang niloko niya? Ang paglipad sa kalahat...