Kabanata 25

1.2K 28 0
                                    

Kabanata 25

Condo

Tinutulungan ng mga Zallejos ang mga Oane. Malapit ng matapos ang kaso. Nanguna si Orsovius sa pagpapa-embistiga.

Napapikit ako at parang latang nayupi ang puso. Isinandal ko ang ulo sa tinted na bintana ng umaandar na van.

"Ma'am uuwi na po ba?" napatingin ako sa driver na kanina pa ang pagpapatakbo ng sasakyan. Nakita ko naman na tila nagtataka siya at nag-aalala.

"Umikot ka na lang muna, Manong. Ayoko pa pong umuwi." tumango ito sa akin.

I frustratingly sighed and looked at the streets. Pagabi na at halos kanina pang tanghalian nang umalis ako sa campus pero heto at nasa kalsada pa din ako.

How come he didn't tell me? Dahil ba alam niyang magtatampo ako kapag nalamang ex niya ang tinutulungan at takot na ipapatigil ko ang ginagawa niya? Yes, I would get mad and pissed but... I can't stop nor dictate him. Napapikit ako sa naramdamang pagkirot ng puso.

Bakit hindi niya sinabi? Is he hiding something from me? At kaya ba madalang na siyang tumawag at kung minsan ay naiistorbo pa dahil sa kaso?

Napalunok ako ng ilang ulit. Tatanungin ko na lang siya. Pero ano nga ba ang sasabihin ko. Hey! Nalaman ko na tinulungan mo daw ex mo. Bakit di mo sinabi sa'ken?

Uy! Kaya pala lagi kang busy dahil tinutulungan mo ang ex mo.

Jerk! Nawawalan ka na ng time sa akin dahil sa ex mo.

Ipinilig ko ang ulo at mariing pumikit. Binuklat ko ang cellphone at pinagkatitigan ang pangalan niya sa aking contacts. The call last night was interrupted with an incoming call. And to think na hating gabi na. I can't help but doubt him kahit hindi naman dapat.

Orsovius is an honorable man. He can't cheat. Matagal niya na noong nilinaw na wala siyang gusto kay Jewel at talagang sinunod niya lang ang Ina. But Jewel, sa kaniya ako walang tiwala lalo na ng makita ko ang mga text niya kay Nikolas.

"Manong padiretso sa mansion." mukhang nabunutan ng tinik ang driver namin at pinihit na ang van papunta sa village.

Pumasok ako sa mansion at nagulantang nang makita si Kuya na nakahalukipkip at nakatayo sa may sala. Madilim ang titig na ipinupukol niya sa akin. I swallowed hard and cutely flashed a smile.

"Hi Kuya! Ang aga mo ngayon ah?" tanong ko at lumingon kay Manang na nasa tabihan niya. Nag-aalala ako nitong pinuntahan at hinawakan ang magkabila kong balikat bago sipatin ang kabuuan.

"Naku ija! Saan ka ba galing? Kumain ka na ba? Bakit ginabi ka na?" hilaw akong ngumiti sa kaniya.

"Naggala po kami nila R-ryza..." tumango-tango siya at hinila ako sa dining room.

Sumulyap ako kay Kuya nang makita ang galit nitong titig habang gumagalaw ang panga. He gave me an 'I'll talk to you later' look before going upstairs.

Nakahinga naman ako ng maluwag at naramdaman ang matinding pagkulo ng tiyan dahil sa naamoy na pagkain.

After eating ay tinungo ko na ang taas at nagpalit na ng damit. Akala ko ay ligtas na ako sa pang-iintriga ni Kuya pero nang may kumatok ay agad iyong bumukas at walang sabing pumasok bago umupo sa dulo ng kama.

Ngumuso ako at tiningnan ang seryoso niyang mukha.

"Ano?" I asked at pekeng humikab. Nakita ko ang dismayado niyang mukha bago ako lapitan at akbayan.

"Half day kayo at dumaan dito sila Ryza kanina. Yayayain ka sana kila Nikolai." I guiltily bowed my head and bit my lips. "Tell me what's bothering you, Hanes."

Ceaseless Heartbeats (Damsel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon