Kabanata 22
Covered
Napangiti ako nang matapos si Orsovius sa speech. He really looked so proud. Halatang kahit na may kaya sa pamumuhay, mas tatayog pa ang lipad at pag-angat.
Tumili ako ng umakyat sa stage sila Nikolai. Ngumisi sila sa akin habang ipinapakita ang medals nila. Nakakalungkot lang dahil mawawala na sila sa sunod na taon.
"Picture!" sigaw ni Ryza. Kinuha ko ang camera at pinagpipicturan sila. Panay ang tawa ko dahil sa mga pose na ginagawa ni Aldrey.
"Yabang mo!" sigaw ko. Matapos ay hinalikan ko sila at pinagyayakap. "Congratulations mga unggoy,"
"Tch. Hindi ka na namin mababantayan," ngumiwi ako sa sinabi ni Nikolai.
"Kasama naman namin iyong boyfriend mo!" ngingisi-ngisi ni Aldrey. Sinimangutan ko sila at nagpaalam na muna.
"Ija, susunod ka ba sa amin?" nagkibit balikat ako kay Tita Reagan. Yumakap sa kaniya si Ryza at nginisian ako.
"May iba yang lakad mommy,"
Inirapan ko siya at nagtungo na sa may dulong bahagi ng gymnasium. I stopped midway when I saw Orsovius with his family. Nakikipagbatian siya at marami din ang nagpapakuha ng litrato. Kumunot ang noo ko ng makita ang paglapit ng barkadahan ni Jewel kasama siya!
Something inside me heated. Iniwas ko ang tingin nang kantyawan sila. She's still not over him! Halos sumabog ang mukha ko sa pula at umirap habang papalapit. My eyes landed on the man beside Tita Leana. Porsovino Eros, the younger one. Nakatitig sa akin ang mata niyang katulad ng sa kaniyang Kuya.
Itim. Magkatulad ang features nila except that I find Orsovius' rougher. Iniwas ko ang tingin nang makita ang amusement sa titig nito. Kahit na iritado ay mabait akong lumapit sa kanila. Tita Leana kissed my cheeks, binabalewala ang tangkang pakikipag-usap ni Jewel.
"Glad you're here, ija." ngumiti ako sa magandang ginang. Binati naman ako ni Tito Sorton.
"Kaya nga," dagdag ng nakangising si Eros. Doon lamang nakawala si Orsovius mula sa mga dumadagsa sa kaniya.
My breathing became unstable on how he excused himself!
"I'm sorry ladies. My girl's here." he chuckled and looked at me bago naging marahas ang tingin sa kapatid niya.
"Ija, sasama ka ba saming mag lunch?" umawang ang bibig ko at akmang sasagot ng higitin na ako ni Orsovius.
"No, we have our own dinner, Ma." saad niya at nagpaalam na. Ako naman ay nahihiyang tumingin kay Tita na natatawa at kay Tito na umiiling.
Hinampas ko ang braso niya ng makalayo kami. "Ang bastos mo!"
"Anong bastos doon?" saad niyang natatawa. Sumimangot ako ng maabot namin ang Aston Martin niya. Tumigil ako at tiningnan ang suot niya. Long-sleeved polo and black fitted slacks. Tinanggal niya na ang toga pero nakasuot pa sa kaniya ang madaming medalya, pinigilan ko ang akmang pagtatanggal niya doon.
"Let's take a picture," saad ko at kinuha ang phone. Hinarang ko ang isang kakilala at inabot ang cellphone. "Take our picture please?"
Tumango sa akin ang babae. Narinig ko naman ang halakhak ni Orsovius.
"Ito din," saad niya at inabot ang phone niya sa babae. Lumingon siya sa akin at agad akong hinapit sa bewang. Tinanggal niya ang mga medals at isinuot sa akin. "This is for you,"
Ngumiti ako at namula ng yakapin niya ako mula sa likod at naramdaman ko ang mabango niyang hininga. His gentle scent attacked me and I could pass out right now inside his arms.
BINABASA MO ANG
Ceaseless Heartbeats (Damsel Series #1)
RomantizmTo free herself, Seraphina Hanes Frontalio, the damsel who opt to forget and run from her mortifying past, flew thousands of miles carrying bags of hope of success in unlearning her erstwhile. Ngunit sino ba ang niloko niya? Ang paglipad sa kalahat...