Kabanata 13

1.2K 41 0
                                    


Kabanata 13

Baby

Malamig ang simoy ng hanging dumadampi sa aking balat. Iginala ko ang tingin sa ibaba at natanaw ang malilit na ilaw na kumikislap. Pumikit ako at dinama ang katahimikan.

After calming my system, dinala ako ni Orsovius sa isang restaurant na may over-looking view malapit sa Tagaytay. I felt him shifted on his seat kaya naman ay tumingin na ako rito. His dark eyes welcomed mine.

Kumalabog ang puso ko at bumuntong hininga. "I'm sorry for... being a brat earlier,"

He sighed and clenched his jaw. Tila pagod ang mga mata ngunit patuloy na nagsusumamo.

"You're not."

"I am."

Napapikit siya at biglang dumaan ang iritasyon sa mukha. Nanigas ako. Galit na siya!

"Alis na tayo," saad ko at iniwas ang tingin. Mag-eeigth na kase at baka hinahanap na ako nila Mom.

Umiling siya at itinuon ang dalawang kamay sa lamesa. He looked so authorative. Pakiramdam mo ay dapat lahat ng iutos niya ay kailangan mong sundin. No buts. Just go.

"Are... you really dating that boy?" nahila ko ang hininga sa tanong niya.

"Kind of. Just a friendly date."

"I told you to not date, you're just sixteen." nakita ko ang iritasyon niya kaya naman naging iritado din ako.

"What are you? My kuya?"

There I said it. Mukha yatang may natamaan ako sa kaniya dahil natahimik siya at tila tumigas ang ekspresyon. Sandali siyang hindi umimik and I was thankful for that. But when he opened his mouth. I froze.

"Iyon ba ang tingin mo sa akin?" I saw his dark brooding eyes filled with annoyance.

"Why not? You act like my brother tapos matanda ka pa sa akin ng a-apat na t-taon!" I tried so hard not to sound sarcastic ngunit lumabas iyon at nagmukha pang reklamo.

His lips twitched and he chuckled ngunit walang mababakas na tuwa doon.

"Porket matanda kuya na agad?" iritado niyang tanong. "Nakalimutan mo na yata Hanes. I like you."

Pagak akong tumawa kahit tumatambol na ang puso dahil sa paraan ng pagkakasabi niya. Direkta at tila walang pag-aalinlangan.

"Weh? I like you din naman ah! Pero hindi kita pinipigilan kay... Jewel." huminga ako ng malalim. Saan ba tutungo itong argumento namin? Nakakatakot na kapag nagtuloy ito ay may masakit akong salitang marinig.

"Really? You should've heard how you sounded earlier. Like a jealous girlfriend that caught her boyfriend cheating." mapaglarong tinig niya habang nakangiti sa akin. My eyes widened at umapoy ang iritasyon. God, he's so mayabang! Nakakairita.

"Wasn't it?" galit kong saad na mas nagpangiti sa kaniya. He licked his lower lip and bit it. Like he found this conversation really funny.

"It's not what you think. Jewel called wanting for closure. I also want her to stop but you..." itinuro niya ako. "Happen to saw us and there...so sinong mas bagay?"

Iritado akong umismid at iniwas ang titig sa mukha niyang may naglalarong multo ng ngiti.

"C'mmon Hanes, I'm sorry."

"Eh bakit hindi mo man lang ako tinext?" I accused him with a hurtful look.

"I forgot to text you dahil tinambakan ako ng trabaho ni Papa." naawa naman ako. I can see how tired he is. Oh Gosh Hanes! What are you doing, you spoiled brat!

Ceaseless Heartbeats (Damsel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon