"ZEN LANCELOT GAZELLIAN"
Lalaking mabilis mag-init ang ulo,
Huwag galitin kung ayaw mo magyelo,
Prinsipe ng Nyebe ang tawag sa kanya,
Napiling unang itinakda ng propesiya.Lalaking itinakda sa babaeng mula sa salamin,
Claret ang ngalan ng pumukaw sa kanyang damdamin,
Matagal naghintay sa tamang panahon ng kanyang pagdating,
Lalaking na mula nang masilayan s'ya ay nahumaling.Pangalawang prinsipe ng Parsua Sartorias,
Kapag galit mga kapatid n'ya ay wala ring takas,
Lalaking kapag kay Claret napakadaling mag selos,
Kaya lumayo ka kung ayaw mo magkagalos.Lalaking inaakala nilang makasarili,
Subalit mga hinaing kanya lamang sinasarili,
Lalaking na malaking tiwala sa kanyang kuya,
Ito nararapat maging hari pa sa kanya.Lalaking na may tinatagong kalungkutan,
Lalaking na ilang beses na rin nasaktan,
Lalaking laging pumapangalawa sa kanila,
Lalaking hinayaan ang iba sa maling akala.Lalaking ginawa ang lahat para makabalik,
Para muling maradaman ang yakap at halik,
Zen Lancelot Gazellian ang kanyang pangalan,
Lalaban para sa kanilang pagmamahalan.Made by: Cherubin Sagun
BINABASA MO ANG
VentreCanard Only
RandomJust an ordinary girl passing by. 💛 Let the sky cross our paths. Highest Ranked #1 Cover not mine. Credits to the rightful owner.