The Birth of VentreCanard

7.9K 118 18
                                    

Sa mga nagtatanong, Who push/inspired VentreCanard to be a writer? Here's the answer.

**

“Huwag muna ngayon,” the title of my poem that pushed me to become a writer.

Maraming nagtanong sa akin kung sino ‘yong nagtulak sa akin para magsulat. Madalas ang isinasagot ko ‘yong mga favorite author ko, yes they are actually part of it. 

But this someone made me realize that I can actually write. 

Let me share this story, VentreCanard is a simple girl studying in a catholic school. Karamihan sa mga teacher namin mga brother (opposite of Nuns).

Actually my latin translator in EL Series is one of brothers in my school. (Mahilig ako sa French, Mandarin, Latin kung napapansin nyo, patunay na ang username ko. Kaya humingi na ako ng tulong sa mga batikan sa ibang lengguwahe.)

The brother gave us a seatwork. Sinabi niya na gumawa kami ng tula, anything that will express our self. And then I came with the poem, entitled “Huwag muna ngayon.”

I forgot the whole content, pero alam kong nakatago pa rin siya sa mga taguan ko (Kapag nahanap ko, ipopost ko sa group page. Lol)

Pero ang hindi ko makakalimutan, ‘yong unti-unting pagtahimik ng klase habang binabasa ni brother ang tula ko. 

I got goosebumps, really. Iba ang feeling kapag mismong sa sarili mong mga mata nakita ang reaksyon ng mga tao sa isinulat mo. They were all eyes with brother, habang naninindig at bumibilis ang tibok ng puso.

Nang matapos si brother, tahimik pa din silang lahat. ( I don’t know if they can still remember this scene, pero ako, hinding-hindi ko makakalimutan.)

He asked. “S-Sino ang nagsulat nito?”

Kinakabahan pa akong itaas ang kamay ko pero pinilit ko ang sarili kong itaas ang kamay ko.

And when I raised my right hand, ang daming mga matang tumitig sa akin.

“Are you writing in our school paper?”

“Hindi po,”

“Bakit? Itong tula mo, tula ‘to na hindi basta-basta.”

Hindi ako makasagot.

My own Camilla and Aira (Florence’s friends) smiled at me during that time. Silang dalawa ang unang nakasaksi nang unang papuri sa pagsusulat ko.

“Hija, I think you should write. You should write.”

And because of those words, VentreCanard was born.


Posted on FB: September 16, 2018
Where: Ventre's FB Account

VentreCanard OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon