VENTRE LOVE

329 14 0
                                    

Ventre's Family Bonding

Since nasa gitna yung bahay namin sa compound ng buong family, laging host yung terrace namin (ML ng mga pinsan, kwentuhan ng mga tito at tita, boodle fight at kung anong family bonding)

That was another kwentuhan, ang dami naming magpipinsan, medyo marami rin yung mga tito at tita nung araw na 'yon, tapos nandun din ang Lolo at Lola.

Kung anu-anong pinag-uusapan nila, nakikinig lang ako. Then, biglang nagtanong si Tatay kay lolo.

"Tatay, paano ka napaibig kay Inay?"

Edi natigil yung tawanan namin, hinintay namin sumagot si lolo. 😂

Lagi kasi namin silang niloloko na magpa-annul na kapag nag-aaway sila. Lol

Then my grandfather answered, kita ko talaga sumulyap siya kay lola. HAHA.

"Napakagandang babae."

Sigawan kaming magpipinsan.

Sa sobrang gandang babae ni lola, well... sampung magkakapatid lang naman ang resulta. lol

That's why I've been blessed... mga tito na itinatawid pa rin ako sa kalsada, a great loving father, and supportive titas.


Posted on Twitter: VentreCanard's Account
Date: September 28, 2019

VentreCanard OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon