VC Encounter 1

1.2K 38 2
                                    

Sunflower

**

Aksidente kong narinig ang tawanan ng dalawang magkaibigan nang mapadaan ako sa kanilang likod. Hindi ko kita ang kanilang mga mukha pero masasabi kong masaya sila sa kanilang usapan dahil sa kanilang magagandang tawa.

Kahit hindi doon ang sakayan na destinasyon ko ay tumigil at pinakinggan ko ang kanilang pag-uusap. Eavesdropping kung matatawag ang aking ginawa. But I have this urge that i want to hear more aside from their tawanan.

Dahil sa pagtigil ko ay naging malinaw sa akin ang sentro ng kanilang usapan.

They were talking about this author. Kung paano sila pinakilig sa simpleng atensyon na binigay nito sa kanila. They even mentioned the name of the author. She's an author in wattpad. They also mentioned how great she is. How inspiring her works are specially that story entitled Taste of Sky.

May tumigil na Jeep sa aming harap at agad silang sumakay. Again, My feet just moved and nakita ko nalang ang sarili kong nasa loob na ng jeep kung saan lulan ang dalawang magkaibigan na nag-uusap.

"Sta. Rosa, Lagunaaaaa!!!!" Sigaw ng barker sa may entrance ng jeep na nagtatawag ng mga pasahero.

Hindi na rin pala naging masama ang pagsakay ko. Is it coincidence kung saan ang destinasyon ko ay doon din ang destinasyon ng jeep. Napangiti na lang ako.

"Oh! Isa na lang ang kulang at tatakbo na ang driver, este ang jeep pala!" Napatawa kami sa nasabing 'yon ng barker.

Sumakay na rin ang huling pasahero. Something caught my atensyon. Her smell. Her smell was like a smell of sort of a flower.

Hindi ko na siya tiningnan pa at baka mapasama ako. Tumakbo na rin ang sinakyan nami sabay ng pagsisimula ulit ng usapan ng dalawang magkaibigan.

"Girl, hindi talaga ako nagkamali ng minahal na author. Kinikilig talaga ako sa tuwing naiisip ko ang magpansin ni Kap sa akin." Kilig na sabi nung nagngangalang Alora.

Dahil doon ay nakarinig ako ng impit na tawa. Nilingon ko ang pinanggalingan at nakita ko isang batang babae na nakasuot ng straw hat ay nakangiti sa kawalan.

"Ang swerte mo nga at napansin ka na ni Kap. Ako nga naghihintay pa rin kung kailan ako mapapansin." Nagtatampong saad nung isa.

"Pero kahit hindi pa ko napapansin ni Kap. Hindi pa rin ako titigil. Kapitana is worth to wait. Maghihintay at maghihintay pa rin ako. Hindi rin ako titigil sa pag message sa kanya." Sinabayan niya pa ng tawa ang huling sinabi. Ulit ay narinig ko ang impit na tawa.

Pero hindi ko na tiningnan.... Napangiti na lang rin ako sa huling tinuran ng isa sa magkakaibigan. Base sa sinabi nila ang never nila nalaman kung sino ang nasa likod ng author na minahal nila pero yung suporta na kanilang binigay ay hindi ko yata masukat. Iniisa-isa pa nga nila ang kanilang ginawang pagpapapansin sa iniidolo nilang manunulat.

Their effort and time is priceless. Gusto ko pa sana makinig at baka may malaman pa ako tungkol sa author nila. Pero kailangan ko nang bumaba.

Maybe some other time. Susubukan kong kilalanin yung author na sobra silang nahuhumaling. The author who gave them hope and endless words of wisdom that they know they will treasure forever.

"Para po, kuya." sabay abot ko ng pamasahe at saka bumaba.

Nang makababa na ako ay nakaramdam ako ng kalabit. Isang kalabit na galing doon sa batang babae na kanina pa nakangiti sa kawalan.

May iniabot siya sa aking isang tangkay ng bulaklak. A sunflower sabay sabing, "Welcome Aboard."

Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at napapikit nang matanggap ko ang sunflower. Pero hindi ko na nakita ang batang babae sa pagmulat ko. I approached someone near me.

"Ate, nakita niyo po ba yung bata kanina? Yung batang kasabay ko lang pong bumaba ng jeep?"

The woman just mysteriously smiled at me and said, "Oh, Welcome aboard." While looking at the sunflower I'm holding.



Sapphire, VCAngel

VentreCanard OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon