"DASTAN LANCELOT GAZELLIAN"
S'ya'y kanilang tinitingala,
Simpleng salita n'ya'y ika'y madadala,
Sa likod ng kanyang tikas at tindig,
May bulong sa puso na nais n'yang marinig.Lalaking tinatawag nilang kamahalan,
Babaeng iniibig ang dating ay kelan,
Hari na sobrang raming iniisip,
Babaeng iniibig hanggang lamang ba sa panaginip?Gazellian ang nananalatay sa dugo,
Hari na magbubukas ng pagbabago,
Babaeng itinakda sa kanya,
Habang nabubuhay ay hinihintay n'ya.Nangingibabaw ang pagiging kuya,
Una sa puso at isip ang kanyang pamilya,
Simbolo n'ya ay nagbibigay liwanag,
Sa paghihintay sa minamahal ay 'di patitinag,Ang ngalan n'ya Dastan,
Lalaking lihim na nasasaktan,
Lalaking handang maghintay,
At magmahal na walang papantay.Made by: Cherubin Sagun
BINABASA MO ANG
VentreCanard Only
RandomJust an ordinary girl passing by. 💛 Let the sky cross our paths. Highest Ranked #1 Cover not mine. Credits to the rightful owner.