"FINN LANCELOT GAZELLIAN"
Prinsipe na tamad mag-aral,
Kapag magbabasa ay naangal,
Pangatlong prinsipe ng Parsua Sartorias,
Sa pinapasukang unibersidad ay tumakas.Iniwan doon ang ikalimang kapatid n'ya,
May mga humhabol na lang sa kanya,
Prinsipe na 'di batid ang sariling kapangyarihan,
Hindi pa kayang kontrolin sariling kakayahan,Prinsipe na may pagkapilyo,
Piniling 'di bumalik sa kanilang palasyo,
May isang ibon na tumulong sa kanya,
Pakiramdam sa sarili, ito'y kilala n'ya.Mga sariling paa rito s'ya dinala,
Iniligtas s'ya ng dalagang si Kalla,
Sa una pa lang nagandahan na s'ya rito,
Tila matagal na n'yang kilala ito.Dalagang kabaliktaran ng ugali n'ya,
Na sadyang nagpahumaling sa kanya,
May mga nagsumpa rito,
Gagawin n'ya lahat para matulungan ito.Finn Lancelot Gazellian ang kanyang ngalan,
Isang prinsipe na maaari mong masandalan,
Susuungin ang lahat ng bagay para sa itinakda sa kanya,
Isang prinsipeng Gazellian na handang ialay maging buhay n'ya.Made by: Cherubin Sagun
BINABASA MO ANG
VentreCanard Only
RandomJust an ordinary girl passing by. 💛 Let the sky cross our paths. Highest Ranked #1 Cover not mine. Credits to the rightful owner.