Thank you.
Ilang thank you na siguro ang nasabi ko simula nang naging si VentreCanard ako, at hindi ako mapapagod paulit-uliting sabihin ito sa inyo.
September is my month, unang pasok pa lang ng buwan na ‘to, sunod-sunod na iyong blessings na dumadating sa akin, minsan natutulala na ‘ko.
Seryoso ba ‘to? Totoo na ba ‘to?
Mas dumadami kayo araw-araw, mas maraming nagmamahal sa akin… mas maraming mga salita ang nagtutulak sa akin na magpatuloy rito.
Maraming-maraming salamat po! Sa lahat ng bumati, naghintay ng madaling araw at sa lahat ng surpresa! Huhu.
Hindi na mawala ang ngiti ko ngayong araw. huhu.Hindi ko maipapangako na mababasa o masasagot ko lahat, pero gusto ko pong ipaabot ang aking pasasalamat!
Hinding-hindi ko pagsisisihan na naging si VentreCanard ako, mahal na mahal ko kayong lahat!
You made my birthday supeeeer special! huhu. Salamat.
And to those who have been asking me about my book signing, I’m really sorry, it will take years…
Let me study more, let me learn more… ayokong kilalaning sikat at magaling na writer dahil lang sobrang dami n’yo. I want to prove myself first, I want to grow silently… para sa sandaling pumirma ako sa harapan n’yo… hindi sayang ang oras n’yo, ang oras ko, wala tayong maapakang mga tao.
Pipilitin kong dumating ang araw na ‘yon. I’ll write more, I’ll read more, and I’ll study.At sa sandaling nakaupo na ako sa harapan n’yo at pumipirma… allow me to look into your eyes and smile endlessly, gaya ng ngiting ibinibigay n’yo sa akin ngayon.
For now, just read my works. Allow me to smile alone behind my words, behind the sunflowers…
Darating ang araw na sabay-sabay rin tayong ngingiti sa iisang litrato... pangako.
Posted on FB: VentreCanard's Account
Date: September 16, 2019
BINABASA MO ANG
VentreCanard Only
RandomJust an ordinary girl passing by. 💛 Let the sky cross our paths. Highest Ranked #1 Cover not mine. Credits to the rightful owner.