VC Encounter 2

729 14 5
                                    

#VCEncounter

**

"May pa-game dun sa booth nila Nisa! Punta tayo!", masiglang sambit ni Yanny.

"Ano naman ang meron dun?", tanong ni Yanna.

"Game. Magbablindfold ka tapos may tao kang makakausap na hindi mo kilala. And pwede mo siyang maging kaibigan or boyfriend. Dali! Try lang naman.", pagpapaliwanag ni Yanny.

"Jyl, sama ka? Kanina ka pa wattpad ng wattpad diyan.", sambit ni Yanna.

"Kayong kambal nalang magsama. Tutal, kayo may gusto. Mag date kayo dun.", sabi ko at muling tinuon ang atensyon sa binabasa ko.

"Ano ba yan? Kambal ko na naman kasama ko? Nakakasawa na kaya kasama yan.", nakasimangot na sabi Yanna.

"Sige na. Sasama na ako. Pagkatapos nito, ihatid nyo ako pabalik dito ha.", huling sinabi ko at tumayo na.

"Yes!", masiglang sigaw nilang dalawa.

Pagkadating namin sa booth nila Nisa ay nauna na silang pumasok. Pagkatapos nila ay ako na daw.

Naghintay lang ako at patuloy lang na nagbasa.

Ngunit isang babae ang nakakuha ng atensyon ko. Naka yellow siya at black na pantalon ngunit nakatalikod. Ang kanyang mahabang buhok. Sa likod palang ay masasabi kong angganda niyang titigan. Nasisigurado kong hindi siya studyante dito. Foundation Day ngayon ng aming paaralan kaya't open ito sa lahat ng tao.

Patuloy lang ako sa pagtitig sa kanya nang muli kong marinig ang aking mga kaibigan.

"Oh jyl! Ikaw na sunod. Ang saya promise!", sabi ni Yanna sabay ngisi.

Muli kong tinuon ang pansin ko sa babae ngunit bigla itong nawala. Kibit balikat nalang akong naglakad papasok.

"Jyl! Mabuti naman at napilit ka ng kambal na sumama sa kanila?", natatawang sambit ni Nisa.

"Ang ingay kaya nila.", iritado kong sambit. 

Natawa siya at muling nagsalita.

"Eto na ang blindfold mo. May 10 minutes kang makakausap siya. At swerte ka, ikaw ang unang makakausap niya kasi kakarating niya lang din. Halos magkasabay kayong pumasok.", huling sabi ni Nisa at pinaupo niya na ako at binigay sa akin ang blindfold.

Sinuot ko na ito at biglang tumahimik ang paligid.

"Hi? Ikaw ba ang una at huli kong makakausap?", pormal na sambit niya at mahinang natatawa.

"Bakit? Wala ka na bang kakausapin pagkatapos nito?", tanong ko.

"Pinaunlakan ko lamang ang pag imbita nila at sinubukan ko lamang. Iniisa isa ko kasi ang mga booths at napadpad ako dito.", puno ng lambing ang kanyang boses. Isa itong babae.

"Ahh. Matanong kita, ano ang hobbies mo?", ako na ang nagkusa na magtanong.

"Magsulat.", tipid niyang sagot.

"Anong klaseng mga storya ang isinusulat mo?", muli kong tanong.

"Mga storyang makakapagbigay aral at pag asa sa lahat.", muli niyang sagot.

"Ako kasi, mahilig akong magbasa ng mga gawa ng aming Kapitana. Siya ang iniidolo ko kasi sa lahat ng ginagawa niyang storya ay nagbibigay sa akin ng pag asa at mga aral na parati kong nagagamit sa pang araw araw ko. At ang pinakagusto ko sa kanyang mga gawa ay may kanya kanya itong simbolo."

Nagulat ako sa aking mga sinabi. Di naman ako ganito kadaldal.

"Isa ka ba sa kanyang magaganda at mabubuting anghel?", tanong niya na nagbigay sa akin ng kaba.

"Paano mo nalaman na mayroon siyang mga anghel?", puno ng kaba kong tanong.

"Simple. Kasi ang tulad niyang manunulat na nagbibigay pag asa ayon sayo ay maaaring may mga mabubuting mambabasa.", sagot niya.

"Kap? Is that you?", nag aalinlangan kong tanong.

Narinig ko siyang natawa saglit.

"Paano mo naman ako nakilala agad?", tanong niya at mahinang tumawa muli.

"I-ikaw ba talaga iyan?", nauutal kong tanong.

"Nakita kasi kitang pumasok kaya't pumasok din ako. Ikaw ang isa sa mga anghel ko na nakikita kong sinusuportahan ako lagi kaya't tumatak ka sa aking puso. Salamat sa pagsuporta, aking anghel. Salamat sa pagrespeto.", sambit niya.

Nagsimula nang tumulo ang aking mga luha. Hindi ko ito inexpect! Ang aming Kapitana ay kausap ko ngayon!

"Hindi ikaw ang dapat na magpasalamat. Ako dapat, aking Kapitana. Kaming mga anghel mo  dapat ang magpasalamat sa iyo. Sa mga akda mo, nabigyan ako ng pag asa. At marami akong napulot na aral. Maraming salamat, Kapitana.", sabi ko habang patuloy na umiiyak.

"Lahat ng aking paghihirap na magsulat, lahat ng iyon ay nakikita kong malaki ang naging epekto  sa inyo. Nagawa ko ang aking trabaho ng maayos. Maraming salamat sa inyo. Sa inyong aking mga anghel.", sambit niya at hinaplos ang aking pisngi. 

"Pwede ba kitang mayakap, aking K-Kapitana?", sambit ko na nauutal.

Niyakap niya ako ng napakahigpit.

"Maraming salamat."

Huling sambit niya at narinig kong may sumigaw na,

"Time is up!"

Bumitaw na ako.

"Hanggang sa muli nating pagkikita, Aking Kapitana. Mag ingat ka lagi at huwag kang titigil sa pagbigay ng pag asa sa lahat.", huli kong sinabi at nagpaalalay na kay Nisa na maglakad.

Ang yakap niya ay sapat na. 'Di niya kailangan na magpakita sa akin. Kung natatakot siyang mareveal ay rerespetuhin ko iyon.

May our paths cross it's ways again, Kapitana.




Made By: JYLIAN GAZELLIAN

VentreCanard OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon