"TRISTAN MATTEO FERELL"
S'ya ay kilalang antuking bata,
Batang may pinakamagandang mata,
Sa magpipinsan bibihira kung magsalita,
Hanggang sa s'ya'y naging binata.Binata na may tinging nakakahalina,
Kaya nahulog ang dalagang nagngangalang Lina,
Tuwing kasama n'ya ito, mga nasa paligid ay 'di alintana,
Sa kanilang magpipinsan s'ya na ang nangunguna sa pagmimina.Ngalan n'ya ay Tristan Matteo,
Lalaking antukin pero matalino,
Lalaking medyo bastos pero maginoo
Lalaki na si Lina ang tinitibok ng puso.Dugong Ferell ang nananalaytay sa kanyang dugo,
Kahit ilang beses pa sila mabigo,
Hindi sila basta basta sumusuko,
Mga lalaking tinutupad ang pangako.Made by: Cherubin Sagun
BINABASA MO ANG
VentreCanard Only
RandomJust an ordinary girl passing by. 💛 Let the sky cross our paths. Highest Ranked #1 Cover not mine. Credits to the rightful owner.