"UWI na tayo," Parang maiihi sa hiya na wika ni Jackie sa highschool best friend niyang si Maricel. Ngayong gabi ay naisama na rin siya nito sa paborito nitong tambayan---sa bar. Ilang taon na rin siyang niyayaya ng kaibigan na samahan ito para naman magkaroon ng spice ang buhay niya.
Nang makatapos sila ng kolehiyo ay saka lang pinagbigyan ni Jackie si Maricel. Pagkatapos ng lahat, nasa legal age na siya. Maganda rin na ma-experience ang mga ganitong bagay. Kasalukuyan rin siyang nasa Maynila. Nakatira siya sa condominium unit ng kaibigan. Hindi niya kasama ang mga magulang niya para pagbawalan siya. Isa pa, sigurado siyang hindi naman siya ilalaglag ni Maricel. Ito nga ang may gusto na mag-walwal siya 'di ba?
Nag-aral si Maricel sa Maynila kaya naman panatag ang magulang niya na walang mangyayaring masama sa kanya kung titira siya sa babae. Isa pa, kilala ng magulang niya ang pamilya nito. Konsehal ng bayan ang ama ni Maricel at may magandang reputasyon. Kilalang konserbatibo rin ang mga ito at ganoon rin ang pagkakilala ng magulang niya sa kaibigan. Hindi nito alam at ng pamilya nito na iba ang pamumuhay ni Maricel sa Maynila.
Napa-barkada si Maricel nang mag-aral ito ng kolehiyo sa Maynila. Hindi naman masasabing nasira ang buhay nito dahil nanatiling maganda ang grades nito sa eskuwelahan at nakatapos rin naman on time na kagaya niya. Pero buhay nito tuwing Biyernes ang bar. Nakikipag-inuman ito kahit hindi nito kakilala. Recently, nalaman rin niyang natuto na rin itong manigarilyo.
Ayaw i-judge ni Jackie ang high school best friend. After all, mukhang masaya naman si Maricel sa buhay nito. Actually, mukhang masayang-masaya. Ang lapad ng ngiti nito nang makapasok sila ng bar. Tinawanan lang rin siya nito sa sinabi niya. Kakapasok pa lang nila.
"Come on. Pagbigyan mo naman ang sarili mo na mag-party. Graduate na tayo. Kung makakahanap ka man ng jowa sa bar na ito, hindi na naman magagalit sina Tita 'di ba?"
Namula si Jackie. "Hindi pa ako ready sa pakikipagrelasyon,"
Inikutan siya ng mata ng kaibigan. "At kailan ka pa magiging ready? Kapag Lola na ako?" Pinamaywangan siya nito.
"Gusto ko munang makapasa sa board exam," Ang board exam ang dahilan kaya baka nakatira siya ngayon sa condo ni Maricel. Nag-rereview siya para makapasa sa board exam niya para maging teacher. "At siyempre, ang makatulong na rin kayna Nanay. Alam mo naman na tumatanda na rin sila..."
"Napaka-promdi mo talaga. Ganyan ang pag-iisip ng mga promdi," Inikutan na naman siya ng mata ng kaibigan. "But anyway, ano pa ba ang magagawa ko? Ganyan ka talaga. Magpapakasaya na lang ako ngayon na sa wakas, sumama ka rin na gumimik,"
Hinila na ni Maricel si Jackie. Hindi na nga siya nakapalag pa. Nakayuko na lang siyang nagpahila sa kaibigan.
Hindi man nililibot ni Jackie ang tingin ay ramdam na niyang ibang iba talaga ang paligid sa mundong kinalakihan niya. Lumaki siya sa lugar na karamihan ay mga puno at hayop lang ang makikita. Tama si Maricel. Promdi talaga siya. Idagdag pa roon na konserbatibo rin ang mga magulang niya. Taong simbahan ang mga ito. At dahil nag-iisang anak siya, expected rin na maging kagaya siya ng mga ito. Madalas ay mahahabang palda at bestida ang suot niya. Ibang-iba ang buhay niya sa probinsya sa lugar kung nasaan siya ngayon. Kung sariwang hangin ang mayroon sa bahay nila, ngayon ay puro amoy usok ng sigarilyo. Kung mahahaba na tela na kasuotan sa probinsya, ngayon naman ay parang nakulangan. Spaghetti straps, tube at mini skirt and shorts ang suot ng mga babae.
Pero ang pinaka na-culture shock si Jackie ay ang ugali ng kaibigan. Nagulat siya nang bigla na lang itong kumaway sa lalaking nag-iisa lang sa table nito. He is drinking.
"Hi, Handsome! Puwede ba kaming maki-share ng table?"
Napasinghap si Jackie. Siniko niya ang kaibigan. "Why?" Natatawang sita naman nito.
BINABASA MO ANG
The Estranged Wife (COMPLETED)
RomanceEstrange couple sina Jackie at Albert sa loob ng dalawang taon. Pero isang araw ay bigla na lang nagpakita si Albert sa asawa, humihingi ng pangalawang pagkakataon. "I need to make things right again. I am your inspiration for your poems," sagot nit...