44. Build

6.3K 169 11
                                    

PARANG baliw na nakatulala lang si Albert sa photo frame na ilang oras na yata niyang hawak-hawak. Nang bumalik siya sa sarili niyang bahay para sana tignan lang iyon at ang mag-ina niya ay iyon na lang ang nakita niya. His heart was broken. Tinotoo nga ni Jackie ang gusto niya. Umalis nga ito ng bahay kasama si Jileen. Wala rin si Simba kaya sa tingin niya ay isinama na rin nito ang aso.

It was for the better. Ginusto rin nga niya iyon 'di ba? Masyadong maganda at mapagmahal ang asawa at anak niya para manatili lang sa isang kagaya niya. Marami pang lalaki ang karapat-dapat kay Jackie. At hindi siya iyon. Sinasaktan lang niya ito. Pinapahiya.

Naging eye-opener kay Albert ang narinig mula sa ina ni Jackie. Masama nga naman siyang lalaki. Demonyo siya. Sa una pa lang, hindi niya nirespeto si Jackie. He claimed her innocence without marriage. He spoiled her youth. At nang maging mag-asawa sila ay hindi niya pa ito naggawang mahalin. Hindi rin naging maganda ang pakikitungo niya sa anak niya. Sinisira lang ni Albert ang buhay ng dalawa.

Deserved ni Albert ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon. At titiisin niya iyon. Pagkatapos ng lahat, sanay na naman siyang masaktan. Gusto niyang isipin na baka kaya siya nasasaktan ng ganoon dahil bago pa lang ang lahat. Isang araw pa lang pero miss na miss na niya si Jileen. Gusto rin niyang maramdaman ang pagmamahal nito at ni Jackie. He wants his family back...

Nabuhay ang pag-asa sa puso ni Albert nang maya-maya ay bumukas ang pinto ng bahay. Nakalimutan niya pala iyong i-lock. Napatayo siya, umasa na baka si Jackie iyon. Pero napakunot noo siya nang makita ang Ate Ara niya.

"Anong ginagawa mo rito?" wika niya at ibinaba ang photo frame. Pinahid niya ang mga luha niya.

Umiling-iling ang kapatid niya. Humalukipkip ito. "Bawal na ba kitang dalawin?"

"Hindi mo naman ako dinadalaw. Wala kang pakialam sa akin," Albert bitterly said. Medyo namutla ang mukha ng Ate niya.

"I'm sorry for that," Huminga ito nang malalim. "I'm sorry for everything..."

Hindi nagsalita si Albert. Aanhin pa ba niya ang sorry? The damage has been done. Isa pa, naiintindihan naman niya kung bakit ganoon siya trinato ng kapatid niya. Nasaktan ito sa pagdating niya.

Umupo ang kapatid niya sa tabi niya. "Nang una kaming nagkita ni Jackie ko pa sana sinabi ang mga salitang ito. I went to your office. I just had my realizations..."

"Hmmm..."

"Wala na si Mommy. She died weeks ago. Mag-isa na lang ako," Biglang sabi nito.

Napatingin siya sa kapatid. Malungkot ang mukha nito. "I'm sorry. Hindi ko alam. Hindi man lang ako nakapunta..."

"Gusto mo bang pumunta talaga?"

"May respeto pa rin naman ako sa kanya sa kabila ng lahat,"

Tinitigan siya nito. "Paano?"

"Kinupkop niya pa rin naman ako kahit hindi niya ako tunay na anak..."

"Pero hindi ka niya trinato ng tama. There were times that you were cage and not fed. Ang payat-payat mo noon..."

"May nauuwian pa naman ako. At pinatapos niyo naman ako ng high school,"

"High school lang," Namatay ang Daddy nila ilang buwan pagkatapos niyang makatapos ng high school. Umalis na siya sa bahay ng mga ito. Inisip niyang kaya na rin naman niya. Isa pa, nakakahiya kung mananatili pa siya, lalo na at ayaw naman ng mga ito sa kanya.

"Yeah. Pero dahil high school graduate ako, nakakuha ako nang matinong part time na trabaho. Sa pamamagitan noon, napag-aral ko ang sarili ko sa college. Nakabuo ako ng magandang buhay,"

"I can see. Ang ganda na nga ng buhay mo. Mukhang maayos rin ang business mo. Kuwentuhan mo naman ako tungkol doon, o."

Nagkibit-balikat si Albert. "Nakapagtapos ako ng Business Administration pagkatapos ay nakapasok sa isang malaking steel company. Nagtrabaho ako ng ilang taon roon pagkatapos ay nakapag-ipon. So I try to make my own business at so far, maayos naman ang lahat. Hindi man multi-million company pero sapat na para magkaroon ako ng magandang pamumuhay,"

"Yes, maganda rin itong bahay mo,"

"Mas maganda pa rin ang bahay niyo,"

"Bahay natin," Mapait na wika ng babae. "Ang selfish ko 'no? Ni hindi ko man lang pinaramdam iyon sa 'yo dati,"

"Hindi naman talaga iyon sa akin. Hindi naman talaga tayo magkadugo sa lahat. Saka mas mayaman naman talaga ang Mommy mo. Sa Mommy mo at sa 'yo ang bahay na iyon,"

"Kapatid pa rin kita. I just wish I made you feel that before..."

"Hmmm..."

"Will you forgive me?"

"'Wag mo ng isipin iyon,"

Kumibot ang labi ng Ate niya. "Paano ko hindi iisipin eh nagkasira kayo ni Jackie ng dahil sa akin?"

"Kasalanan ko iyon. Ginawa kong big deal ang lahat. Ang tanga ko kasi,"

"Patuloy ka pa rin ba na magpapakatanga?"

"Ha?"

"Kasi hanggang ngayon, ginagawa mo pa rin na big deal ang lahat. Pinaalis mo ang pamilya mo,"

"I'm just going to hurt them. Dyina-judge si Jackie ng nasa paligid niya dahil sa akin..."

"Sinaktan mo sila dahil sa nakaraan mo. Pero kung palalayain mo ang sarili mo mula sa nakaraan, hindi mo na ulit sila masasaktan..."

Natigilan si Albert. Dahil sa nakaraan niya kaya nasasaktan niya ang mag-ina niya. Nawalan siya ng kumpiyansa sa kanyang sarili dahil sa pamilyang nagkaroon siya. Paano siya magkakaroon ng maayos na pamilya kung hindi siya nagkaroon ng isa? Kung mayroon man, hindi nito pinaramdam ang mga iyon sa kanya. Para siyang hayop kung ituring ng mga ito. Paano siya magiging isang mabuting ama kung hindi naging mabuti sa kanya ang totoong ama niya? Natakot siya. At hinayaan siyang kainin noon.

Pero kung papalayain ni Albert ang sarili sa nakaraan, puwede siyang magbago. For real. Hindi na dapat siya matakot. Kailangan niyang maniwala sa kanyang sarili.

Huminga nang malalim si Albert. "Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. I have already said my decision. Dapat bang bawiin ko iyon? Mapapatawad pa ba ako ni Jackie?"

"You will not know if you won't try,"

"Natatakot ako,"

"Walang mangyayari kung palagi ka na lang matatakot,"

"Hindi ko alam kung nasaan sila,"

Ngumiti ang kapatid niya. "Hindi kita tinulungan noong mga panahon na kailangan mo ako. Pero na-realize ko na ang pagkakamali ko. Nang mamatay si Mommy, I felt so alone. Wala na akong pamilya. Then I thought about you. May pamilya pa naman sana ako kung tinuring kitang parang tunay ko ng kapatid. Kaya pinuntahan kita. Nag-take chances ako na mapapatawad mo rin ako at makakapagsimula ulit tayo. And I'm glad that I did."

"Sana ganoon rin ang kapalaran ko. Pero mas pabebe ako sa 'yo, eh. Naka-dalawang chances na ako, eh."

Natawa ang kapatid. "Yeah. Maybe. But let's try and try until we succeed naman 'di ba? At babawi na nga ako sa 'yo. Kaya na kitang tulungan this time. 'Wag ka ng mag-alala. Alam ko kung saan sila nakatira," wika nito at kinindatan siya.

The Estranged Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon