40. Fight

5K 170 17
                                    

NAGISING si Albert nang may marinig na parang may away. Malakas rin ang iyak ni Jileen. Napabangon siya kahit sobrang sakit ng ulo niya. Pero hindi rin siya kaagad nakalabas ng kuwarto nang ma-recognize ang malakas at galit na boses.

It was Jackie's mother.

"Pinaalis ka na ng asawa mo pagkatapos bumalik ka pa rin? Kailan ka ba matututo? Puro kademonyohan lang naman ang ginagawa niya sa 'yo!

"Sa una pa lang, niloko ka na niya. Kung totoong mahal ka niya, nirespeto ka dapat niya. Sana ay hinintay ka man lang niyang makapasa sa board exam bago siya makipaglandian sa 'yo! Kung seryoso rin siya, dapat niligawan ka muna niya sa bahay. Hindi ka dapat niya pinakasalan nang basta-basta lang! Maraming karapat-dapat para sa 'yo, Jackie. At ayaw ko man magmura at ayaw ko man na sabihin sana sa 'yo ito, pero ang tanga mo. Ang tanga-tanga mo..."

"T-tanggap ko naman, Nay. Pero mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Albert..."

"Hindi ka na lang pala talaga tanga. Baliw ka na rin! Nagmamahal ka ng taong hindi marunong magmahal."

"I'm sorry, Nay. Pero buhay ko naman ito 'di ba? Alam ko ang tama para sa akin."

"Ayaw ko na! Pagod na akong intindihin ka. Pagod na pagod na!"

Hindi na sumagot si Jackie. Pero hindi pa rin tumigil ang ina nito. "Paisa nga at nangigigil ako sa 'yo!"

Nakarinig nang malutong na sampal si Albert. Doon na siya napalabas ng kuwarto. Nang tignan niya si Jackie ay pulang-pula ang pisngi nito.

"Lumabas na ang demonyo! Tigilan mo na ang panunukso sa anak ko!"

"Please, Nay. Tama na..." wika ni Jackie.

"Umuwi ka na nga sa atin sa Pangasinan. Doon ka na maghanap ng trabaho. Susuportahan kita, 'wag na 'wag ka na lang ulit bumalik sa lalaking 'yan..."

"No..."

Tumaas ang kilay ng matanda. "Pipiliin mo ang lalaking 'yan kaysa sa akin?"

"Ama si Albert ng anak ko. Asawa ko siya. Pamilya kami. At kahit anong mangyari, hindi ko siya iiwan..."

Napailing-iling ang babae. "Nababaliw ka na nga,"

Hindi na sumagot si Jackie. Galit naman na lumabas ng bahay ang ina nito. Pagkatapos noon ay kinuha ni Jackie si Jileen. Umiiyak pa rin ito pero mas inuna pa nitong patahanin ang anak.

Hindi naman makakilos si Albert. Para siyang tinamaan ng kidlat sa nasaksihan. Alam niyang hindi siya mabait na tao. Kaya naman kataka-taka na binigyan siya ng isang napakabait na asawa na kagaya ni Jackie.

"Daddy! Karga!" wika ni Jileen nang mapansin naman siya. Nilapit ito ni Jackie sa kanya. Kinawag-kawag ni Jileen ang kamay nito, pilit na inaabot siya. Pero nanatiling nakatingin lang siya sa dalawa.

"Wait lang, baby, ha. Need mo pa pala muna kumain. Mamaya na kayo laro ni Daddy," wika ni Jackie nang mapansin na wala siyang intensyon na kuhanin ang anak.

Nagligalig si Jileen pero sinunod pa rin ni Jackie ang sinabi. Nagpunta ang mga ito sa dining room. Pinilit ni Jackie na pakainin ang anak kahit na ba patuloy pa rin na umiiyak at hinahanap siya.

Matagal-tagal bago naka-recover si Albert. Hiyang-hiya siya sa kanyang sarili. May magagawa siya. Pero wala siyang ginagawa. Hinahayaan niya na lang na lamunin siya ng masamang nakaraan niya.

Nahilamos ni Albert ang mukha. Tama nga siya. Hindi niya talaga deserve na magkaroon ng pamilya. Bakit nga ba nangarap pa siya?

The Estranged Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon