SABADO ng gabi ay tinawagan ni Albert si Jackie. Niyaya siya nitong lumabas kasama ang aso nitong si Simba bukas ng umaga. Pagkatapos noon ay mag-aalmusal daw sila. Wala pang alas sais ay nasa baba na ng condo unit ni Maricel si Albert. Pero mas nauna pa rin siya rito dahil maaga siyang nagising sa excitement. Ilang beses tuloy siyang niloloko ni Maricel. Pero ngiting-ngiti lang siya sa kaibigan.
Dinala ulit ni Albert si Jackie sa bahay nito. Maliit lang iyon pero maganda. Hindi rin exclusive subdivision ang lugar pero maganda rin ang facilities. Tahimik at hindi pa ganoon karami ang bahay at tao. Ang sabi ni Albert, bago pa lang raw kasi iyon. Ito raw ang isa sa mga unang nakabili ng property.
Magandang lugar ang subdivision kaya doon na rin nila iginala si Simba---ang chow chow nga na aso ni Albert. Bukod sa masaya rin si Jackie na makakasama niya ang lalaki, masaya rin siya sa activity. Mahilig kasi siya sa aso. Napaka-cute at sweet rin ni Simba. Sandali pa lang ay may bond na silang dalawa.
"Can I hold her chain?" tanong ni Jackie kay Albert nang makalabas sila ng bahay.
Tinitigan siya nito. "Kaya mo ba? Malaking aso si Simba. Baka masaktan ka kapag tumakbo siya,"
"Kaya ko naman siguro. Susunod rin naman siya sa akin siguro kapag pinatigil ko siya," Yumukod si Jackie sa aso. "'Di ba, Simba? You're a good boy," She also tapped the dog's head.
Giliw na dinilaan siya ng aso. She took that as a yes. Nagkibit-balikat si Albert at pumayag na. They are already walking for ten minutes when suddenly, a cat passed by. Nagwala si Simba. Tumakbo ito. Dahil nakahawak siya sa chain nito ay nahila rin siya. Mabilis ang takbo nito kaya hindi niya nasabayan. Kasabay nang pagbitaw niya sa tali ay ang pagdapa naman niya sa lupa. She hit her knee. Nagdugo kaagad iyon.
Nakawala si Simba pero parang hindi na iyon inisip ni Albert. Dinaluhan siya nito kaysa habulin ang aso. Napamura pa ito nang makita ang sugat niya.
"It looks so bad. Dadalhin kita sa ospital,"
Nakangiwing umiling si Jackie. "I think I can manage. Si Simba---"
"She can come back on her own. O kapag nakita siya ng guard ay ibabalik naman siya sa bahay. She will be fine,"
"I'll be fine, too."
"Not to me," wika ni Albert at binuhat siya.
Nanlaki ang mata ni Jackie. "You don't have to do this,"
"I want to do this. Mahihirapan kang maglakad. At ayaw ko ng nahihirapan ka..."
Napakurap si Jackie. Pagkatapos ay napalunok rin siya. For a while, nawala yata ang sakit ng sugat na nakuha niya. Mas inisip niya ang sinabi at naging actions sa kanya ni Albert. Kung ayaw nito ng nahihirapan at nasasaktan siya, ibig sabihin lang siguro noon ay importante siya para rito.
Nabuhay ang pag-asa sa puso ni Jackie. Could it really mean that she was important to him? Could it mean more? Gusto niyang isipin. Gusto niyang umasa.
Sana nga talaga.
BINABASA MO ANG
The Estranged Wife (COMPLETED)
RomanceEstrange couple sina Jackie at Albert sa loob ng dalawang taon. Pero isang araw ay bigla na lang nagpakita si Albert sa asawa, humihingi ng pangalawang pagkakataon. "I need to make things right again. I am your inspiration for your poems," sagot nit...