15. Humiliated

5.5K 168 12
                                    

Three Years Ago...

NAGKAROON lang ulit nang pagkakataon si Jackie na mapag-isa at makapunta ng Maynila nang araw ng board exam niya. Ginamit niya ang pagkakataon na iyon para makausap ulit si Albert. Simula kasi nang malaman ng magulang niya na nakikipagkita siya sa lalaki ay inuwi siya ng mga ito sa Pangasinan. Nag-self review na lang siya. Wala rin siyang cell phone para ma-contact man lang ang lalaki.

Masuwerte si Jackie dahil nagustuhan niya ang performance niya sa exam. Marami siyang nasagot na tanong at sigurado siyang karamihan sa mga iyon ay tama. Pero ang pinaka-gusto niya ay ang hindi raw siya masusundo ng Tatay niya pagkatapos ng exam. Nagkaroon kasi ng emergency sa trabaho nito kaya napauwi agad ng Pangasinan. Hindi na siya nito nahintay.

Kinuha ni Jackie ang pagkakataon para makausap si Albert. Tama naman at Linggo ang board exam. Walang trabaho si Albert. Nagbaka sakali siyang makita ito sa bahay nito. Masuwerte siya dahil naroroon ang lalaki. Kaagad na niyakap niya ito. Halos maiyak siya.

Pero parang maiiyak rin siya sa ibang dahilan nang hindi man lang siya yakapin ni Albert. Sa halip, tinanggal nito ang yakap niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Kunot na kunot ang noo ni Albert.

Nakagat ni Jackie ang ibabang labi. "Puwede bang papasukin mo muna ako sa loob?"

"Naglayas ka ba?"

Umiling si Jackie. "Tumakas ako pero hindi naglayas."

"Bakit nga?"

"Gusto kitang makita. At gusto rin kitang makausap..." Kinuha rin ng magulang ang cell phone ni Jackie kaya wala talaga siyang way para makausap si Albert. Hindi rin naman nag-effort si Albert.

"Nang araw na dumating ang parents mo, ang akala ko ay wala na tayong dapat na pag-usapan..."

"Wala na ba talaga ako sa 'yo? You make me feel that I am not worthy of your time..."

"Hindi naman sa ganoon," Mukhang na-caught off guard ang lalaki. Napabuntong-hininga rin ito. "Fine, come inside..."

Pumasok si Jackie sa bahay kahit pakiramdam niya ay hindi siya welcome. Pero kailangan. Marami siyang gustong sabihin kay Albert. May mga kailangan itong malaman. At wala na siyang iba pang oras na makukuha kundi ngayon na lang.

Inasikaso ni Albert si Jackie. Ikinuha siya nito ng juice at kaunting makakain. Hindi na siya tumanggi dahil gutom na talaga siya. Halos hindi siya nakakain habang nag-e-exam. Hindi na rin niya inisip na kumain pagkatapos dahil gustong-gusto na niyang makausap si Albert.

"You look hungry," puna nito.

"Yeah. I'm sorry," In-explain ni Jackie ang nangyari. "Pero 'wag kang mag-alala. Hindi pagkain ang talagang ipinunta ko rito,"

"Hmmm... is it really important?"

Tumango si Jackie.

"Mahal mo ako?"

"M-masyado ba akong obvious?" Namula ang mukha ni Jackie.

Pero kabaligtaran iyon nang naging mukha ni Albert. Namutla ito. "I-I should have known this will happen,"

"Ikaw ang unang lalaki na pinalapit ko sa buhay ko nang ganoon, Albert. At sa tingin ko ay ikaw rin ang magiging huli,"

"I'm sorry. I can't reciprocate the feeling,"

Si Jackie naman ngayon ang namutla. "May iba ka na ba?"

"No. And I don't think I will make the same mistake again,"

Natulala si Jackie. "I'm a mistake..."

"I can't commit on relationships, Jackie."

"Pero bakit?"

"Because I can't do love. Love is not for me. At deserved mo naman na magkaroon noon. Hindi ko maibibigay ang bagay na kailangan mo..."

Natahimik si Jackie. Pumatak rin ang mga luha niya. Nasasaktan siya. Sino ba naman ang hindi? Ibinigay niya ang lahat kay Albert. Pero balewala lang pala iyon rito.

Ang mas masakit nga lang ay mukhang mababalewala talaga ang totoong dahilan nang pagpunta niya rito.

"H-hindi mo ba talaga kayang magmahal? Kahit ang sarili mong pamilya?"

Tumigas ang mukha ni Albert. "No. Never..."

Lalong bumigat ang loob ni Jackie. "K-kahit ang sarili mong anak?"

Napailing-iling si Albert. "Saan ba pupunta ang usapan na ito, Jackie? You see, I'm busy. We are done. Wala na tayong dapat pag-usapan---"

"Meron pa. Dahil may nag-uugnay sa ating dalawa. Magkakaanak ka na, Albert. Magkakaroon ka na ng pamilya. Buntis ako,"

Matagal bago nakapagsalita si Albert. "You're joking,"

"Mukha ba akong nagbibiro?" Tuluyan ng umiyak si Jackie. "Sa tingin mo ba, pagkatapos mo akong tanggihan ng ganito ay magtatagal pa ako rito kung wala akong kailangang ipaglaban?" Tinuro niya ang tiyan niya. "Kailangan ko ng pamilya para sa anak ko. Kailangan niya ng ama. Kailangan ka niya,"

"T-this can't be happening..."

"It already happened. At ito ang patunay," wika ni Jackie at ibinigay kay Albert ang pregnancy kit na pinakatatago-tago niya simula nang subukan niyang gumamit noong isang linggo. Nang minsang magsimba ang magulang niya ay tumakas siya ng bahay at patagong bumili ng pregnancy kit. She was not feeling well for the past days. "Wala tayong ginamit na proteksyon. It's possible,"

"I didn't think the possibility. I used the pull-out method,"

"At effective ba iyon palagi?"

Umiling si Albert. Huminga ito nang malalim. "I'm sorry. It is my fault,"

"Sorry cannot do anything now. The baby is already done,"

"Yeah. And we don't know what to do,"

"Alam ko ang gagawin ko. I love this baby. I'll give birth to him or her. Bibigyan ko siya ng maganda at kompletong pamilya,"

"H-hindi ako handa sa pagkakaroon ng isang pamilya,"

"Well, you have to change your ideals now. Dahil kailangan mo akong panagutan. At kung kinakailangan ko na lumuhod sa harapan mo para mapa-oo ka lang ay gagawin ko. Ikamamatay ng mga magulang ko kung magbubuntis ako na walang kinikilalang ama..." Seryosong wika ni Jackie na nagpadilim ng mukha ni Albert.

The Estranged Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon