Chapter 3: Si Kisses Ang Reyna👑

1K 35 0
                                    


7PM nag simula na ang program. Hindi din naman mapakali ang mga manonood na may kanya-kanyang pang bato.  Isa-isa ng naglabasan ang mga kandidata na naka long gown. Pagkatapos ng parade of beauty wearing their long gown ay nagbigay din ng ilang awards kabilang na dito ang mga sumusunod:

Best in No Makeup-Makeup (isipin nyo na lang Miss Ponds yun😛) na nakuha ni candidate number 36.

Best in Pageant Beshies (Miss Congeniality Award) - Candidate No. 7

Best #iwokeuplikethis post (Ms. Photogenic) again candidate #7.

After nito ay isa-isa ng nagbalikan sa backstage ang mga kandidata.

"Congrats Kisses" bati ni Bens at Vane sabay abot ng flowers at trophy na dala dala ni Kisses. "Grabee nakaka-kaba pa din" yun lang ang nasabi ni Kisses.

"Cge na bilisan mo ng magbihis ng swimsuit mo at iaayos ko na din ang evening gown para mabilis na lang mamaya" si Vane. "Salamat Vane ah, super na-aapreciate ko yung support nyo ni Bens, komo konti yung kaba ko hehhehe" sagot naman ni Kisses.

Sya na ang susunod na rarampa, at kahit nakaka-ilang beses na din syang sumasali sa beauty contest ay hindi pa din maalis ang sobra-sobrang kaba especially sa part na eto. "Kisses, Kisses you can do it, mabilis lang yan... ok, inner self kalma". Sabi na lang nya sa isip nya. At hindi nya namalayan, nakabalik na sya backstage.

Last na pinaghandaan nya ay ang evening gown which is her fav part.
Isa-isa na ulit rumampa ang mga kandidata habang hinaharana nina Inigo at Markus.

Natapat si Markus kay Kisses at oo, naalala ni Markus ang mukha ni Kisses kaya abot ang smile😆😆 nya sa dalaga. Di naman ma-gets ni Kisses, anyway nag smile na lang din sya. At eto na, sabi nga the moment of truth, kasi i-a-announce na ang top 5. Pero bago yun ay nagbigay pa ulit ng ilan pang special awards like;

Best in Rampa
Best in Swimwear
Best in long gown and evening gown na parehong nakuha ni Kisses (candidate no. 7, syempre si Kisses ang bida sa chapter na eto).

Fast forward: Si Kisses nga ang nag uwi ng 👑 Miss Kaogma 2016.

Hindi matapos-tapos ang picture dito, picture doon kasama ang ibang kandidata, mga judges, organizer at iba pa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi matapos-tapos ang picture dito, picture doon kasama ang ibang kandidata, mga judges, organizer at iba pa. At ng makabalik na sya sa backstage ay sinalubong naman sya ng kanyang mga magulang kasama sina Vane at Bens.

"Congrats anak, we are so proud of you. We love you".   "Thank you mom and dad. Makita ko lang kayo na pinapanood ako ay masayang masaya ako at lumalakas ang loob ko, you are my inspiration and source of strength". Yan ang nasabi nya habang naka-akap sya sa kanyang mga magulang. They broke the hug at nag-umpisa ng mag-ayos para makauwi.

Ng biglang nag ring ang phone ng daddy nya.

Daddy G: Hello, oh kumpadre napatawag ka?
Daddy A: Si Donato kasi medyo nahilo at sumama ang pakiramdam, eh kung may time ka, paki tingnan mo, please pare.
Daddy G: ah ganun ba, cge at dadaan ako sa hotel nya. Wag ka mag-alala at titingnan ko.
Daddy A: pinapauwi ko na nga, eh sabi nya magpapahinga lang lang daw sya, ok lang naman daw sya. Pero paki check na lang pare. Hayy, alam mo na nagbibinata na. Hahahaa. Salamat pare.
Daddy G: Wala yun, cge pupuntahan namin at babalitaan kita.

End of telephone convo------

Hindi nga nagtagal ay naka-alis na din sina Kisses at ang kanyang mga kasama mula sa venue kung saan ginanap ang Miss Kaogma. Sumabay na sya sa mom and dad nya while si Vane at Bens sa isang sasakyan kasama si Kuya Jaime at si yaya Sabel. 😁😁

"Anak, ok lang ba kung may daanan tayo sandali. Ang Tito Anto mo kasi, pinakisuyo na tingnan ko yung anak nya, sumama daw kasi ang pakiramdam". "Ok lang po dad, sasama na din po ako para makilala ko yung anak ni Tito Anton", sagot nya sa daddy nya. Nakatulog na si Kisses bago pa sila makadating sa hotel kung saan naka check-in si Donato. Hindi na rin sya ginising ni Mommy C at si daddy G na lang ang pumasok ng hotel.

"Hello Tito sabay Mano, naabala pa po kayo, pero ok na po ako" saad ni Donny.
"Ano ba ang nangyari sa yo, anak?" Nakita ko nga yung mga kaibigan mo at yung pinsan mo sa plaza kaya nagtaka ako bakit wala ka", tanong sa kanya ni Daddy G.
"Eh kasi po kanina pagbalik namin sa hotel, nahilo po ako at nag suka sabi po ng Doktor pagod at puyat daw po kaya advise po ng Doktor na mag pahinga na lang ako nag-agree naman po yung organizer ng event kaya hindi na po ako naka- attend kanina".
"Ah ganun ba, nag-aalala ang daddy mo. Sa bahay ka na lang muna para mabantayan ka namin, ok lang ba sa yo?"
"Naku Tito, nakakahiya naman po, wag na po......ok naman na po ako, atsaka padating na din po yung mga kaibigan at pinsan ko may makakasama na po ako maya-maya lang".
"Oh cge, magpahinga ka. Para bukas may lakas ka. Meron kasi kaming konting celebration eh gusto ko kayong imbitahan ng mga kaibigan at pinsan mo. Para magka kilala din kayo nung anak ko. Kasi baka mamaya nagkaka salubong na kayo sa Manila eh mainan na yung magka kilala kayo at ng magkaroon din sya ng kaibigan kapag nag umpisa na syang mag-aral" sabi ni Daddy G.
"CGE po" excited naman na sagot ni Donny, naisip nya kasi na lalaki din ang anak ni Daddy G. (Yun ang akala mo Donny😛)
At nagpaalam na din si Daddy G na mauna na. Umakap naman dito si Donato at nagpasalamat.

Kaagad naman tinawagan ni Daddy G ang kaibigan at ipinaalm na ayos lang ang anak at wag ng mag-alala.  Sinabi din nya na inimbitahan nya eto at mga kaibigan sa munting salo-salo sa kanilang tahanan.

Makalipas ang 15min ay nagdatingan naman na ang kanyang mga kaibigan, si Markus, Inigo at Gelo. Naiwan pa sina RJ at Timo sa plaza.

"Wazz-up bro, kamusta? Ok na ba pakiramdam mo?" Tanong sa kanya ni Markus.
"Bro mukhang nakapag pahinga ka na, makakagala na tayo bukas. Dapat sulitin nating yung 1 week na R&R natin dito ha" pagsagot naman ni Inigo.
"Ano boss, kung gusto mo naman pwede na tayong umuwi, para dun ka na lang mag pahinga" sabat naman ni Kuya Gelo.
"Ano ba, magtigil na nga kayo OK na OK na ako. Atsaka may lakad tayo bukas. Pupunta tayo kina Tito Gil, yung friend ni Daddy, may celebration daw kaya inimbita tayo. Dun na nga muna kayo sa room nyo, bukas na tayo ulit mag-usap... gulo nyo" sabi ni Donny.
"Wait bro may sasabihin pa ko sa yo, exciting to", mapang asar na sabi ni Markus. "Bukas na nga pre, kulit" sagot naman ni Donny. "Cge, na mga bossing bukas na lang yan, hayaan na nating magpahinga yung alaga ko" habang naka😀 na sabi ni Kuya Gelo.

"Cge na nga, goodnight na bro bukas na lang" sina Markus at Inigo.

"Gelo sina RJ at Timo bakit di nyo kasama pauwi tanung ni Donny"
"Ah nag stay pa kasi sila boss, alam mo naman yun mga friendly, hahaha..." sabay tawa ni kuya Gelo. "Muuna na talaga dapat akong umuwi eh sumama na yung dalawa. Alam mo boss ang dami nga pala talagang magaganda dito. Pero yung pinaka maganda, yung nanalo kanina... Ano nga ba pangalan nun, Kittenn ah basta parang ganun. Ang ingay kasi ng mga tao pag sya na yung rumarampa at pag tinatawag ang pangalan nya kaya di ko masyadong narinig" kwento pa ni Kuya Gelo. "Ah talaga, mas maganda pa kay sleeping beauty" ay napalakas ang sabi nya na ikina kunot-noo ni Gelo sabay bawi sya ng "ahh wala wala, cge na pahinga na tayo para pogi tayo bukas sabay 🤣🤣🤣..

--------- end of chapter 3

Note: Kathang isip lang to as in gawa-gawa lang kaya wag na kayong magtaka at malayo sa reality.
Ayaw ko lang lagpasan ang part/portion na may beauty contest. Ok? Ok na? 🤭🤭

This is our love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon