Our love story - Chapter 2
Pagdating ko sa bahay buzy ang lahat. Sinabi na din ni manang na lumabas nga si mommy at daddy kasi may aasikasuhin.
Umakyat na ako sa kwarto ko at nagpahinga kasi mamaya lang ay aalis na din kami papunta sa plaza para sa Miss Kaogma.Hayy salamat natapos na ang entrance exam at buti na lang at pinayagan din ako ng mga organizer na lumawas sandali ng Manila para sa entrance exam ko sa college. Nag final rehearsal na din namin kami kaya nag agree sila. Nakahiga ako ngayon sa kama ko di na ako nagpalit kasi mamaya lang ay aalis na din naman kami, sasamantalahin ko na makatulog na lang muna.
Pinikit ko ang mga mata ko pero bakit yung mukha nya yung nakikita ko sabay parang kinikiliti yung part ng heart ko. Ayyy, crush lang naman eto kaya wala naman masama atsaka ako lang naman ang nakaka alam na may crush ako sa lalaking eto. Inner self kalma ka lang ha, sabay tili eeehhhhhhhhhh at boggggsshhhh. Arayyy nahulog lang naman ako sa kama.
Kisses, kisses... anak ano bang nangyari sa yo sabay pagbukas ng pinto ni Manang Fe.
Napaano kang bata ka? Ah ehh kinikilig po este nahulog po kasi ako, pero ok lang ako Manang wag na po kayo mag-alala. Sina mommy po ba naka balik na? Ah eh hindi pa pero babalik na din yun inaasikaso lang yung anak ng kaibigan nils na andito din daw sa ngayon at nagbabakasyon. Cge magpahinga ka na at gigisingin na lang kita ng mga alas-tres at ng makapag handa ka para mamayang gabi. Sabay labas at sarado ni Manang Fe ng pinto.Bumalik ako sa aking kama at nahiga. Nagising ako ng may kumatok sa pinto ko. Mom, pasok po. Oh gising na mag meryenda ka na at pagkatapos ay mag prepare na tayo. Kailangan nasa plaza na lahat ng kandidata bago mag alas-5 ng hapon. Nasa baba na yung mga gown mo at si Benny. Cge po mom mag aayos lang po ako at baba na din.
Ay mom, san po si daddy? Ay hinatid lang yung anak ng kaibigan namin ng daddy mo sa hotel nila. Dito sila nag lunch kasama yung pinsan at mga kaibigan. Magbabakasyun daw sila, alam mo naman ang mga kabataan ngayon. Ay sayang di ko sila nakilala, pwede ko sana silang ipasyal after ng pageant para naman makita nila ang ganda ng lugar natin. Hayaan mo babalik naman sila bukas, hindi ka na din nila pinagising kasi nahihiya sila baka maistorbo ka. Sabi kasi ni Manang Fe eh kakatulog mo lang. Ah ganun po ba, cge po bukas ko na lang sila kikilalanin.
Oh sya mag ayos ka na at sumunod ka na sa baba. Cge po mom sabay yakap ko sa Mommy ko.
Makalipas ang 35mins, habang bumababa ng hagdan nakita ko na si Benny, ang kaibigan kong make-up artist. Sya kasi at si Vane ang nag aasikaso sa akin sa tuwing may sinasalihan akong ganitong event.
Heyyy Benny, Vane sigaw ko palapit sa kanila. Ano ba naman Kiss kung makasigaw ka walang poise parang di beauty contest ang sasalihan ha sabi ni Benny sabay roll ng kanyang eyes. Kami naman ni Vane ay nag apir at sabay tawanan.
Syempre Bens pangtanggal lang ng kaba. Naku ikaw ba naman kakabahan pa, kaya mo yan. Sa ganda at talino mong yan, pak na pak sa yo na ang korona sabay nag action na parang nilipat ang korona mula sa ulo nya papapunta sa akin. Napatawa na lang ako sabay hampas kay Benny.
Oh ano ready na ba ang baby ko?
Daddy, i missed you sabi ko. San po ba kayo nagpunta? Ah hinatid ko sa hotel yung bisita natin at mga kaibigan nya. Hindi ko na sila naipakilala sa yo kasi nagpapahinga ka kanina, sagot naman ng Daddy ko. Ah ganun po ba, ok lang po may next time pa naman sabay😆😆 ngiti.Mag ayos na kayo sabay sabi naman ng mommy ko. Halina kayo at kumain bago tayo umalis. Sabay sabay namin kaming pumunta sa mesa para kumain. Masaya kaming nagku kwentuhan, parang kahit paano eh di ko ramdam ang kaba. Sabi ko na lang sa sarili ko na gagawin ko yung best ko and the rest i will leave it up to Him🙏.
------ end of chapter 2-----
Note: imagination ko lang po eto ha at 1st time ko magsulat. Gusto ko lang ng happy #DonKiss story kaya ako naglakas ng loob na gawin eto.Inuulit ko, di ako pro writer kaya wag masyadong harsh. Kung gusto nyo ng kilig, you are on the right page.
Love lots,
Ako
BINABASA MO ANG
This is our love story
RomanceDi ko mapigil ang mga luha ko ng makita ko sya. All the memories are slowly coming back, from the first time I saw her, hanggang sa naging friends kami and now this..... I'm here in front of the altar, waiting for her. In my mind, i keep on thankin...