Chapter 37: So Technically💖

444 17 0
                                    

His side of story

Almost one-year na kaming walang communication, although updated naman ako kasi lagi akong nakiki-balita kay Sophie.  Well, we're friends now🤷‍♂️.

Hindi ko nga alam na magiging close kami nung babaeng yun, eh dati-dati naman kung siraan nya ako kay Kisses…… wagas.   Kung laitin ako ang sakit sa dibdib🤦‍♂️.

Sa kanya kasi ako lumapit nung nakipag cool-off si Kisses. Yung na lang ang itawag natin sa ginawa nyang decision kasi di naman ako pumayag na makipag-break, so technically para sa akin, she is still my girlfriend. 💝💝

I opened up to her- poured out my heart; sinabi ko sa kanya lahat lahat. At doon ko din nalaman na somehow my point si Kisses. Maybe, somehow along the way, I unintentionally neglected her. So, I guess I just have to respect kung ano yung naging decision nya muna noon at sa ngayon.

Time will come at maiinitidihan nya rin lahat. Anyway, I didn’t stop loving her…………………. from afar.

So back to Sophie, naging super close na kami, sya yung lagi kong tinatanung pag kinakamusta ko si Kisses.

Simula nung humingi sya ng space, di ko na din sya kinulit… Literal na binigyan ko sya ng space. Ang balita ko work-bahay-work na lang sya. Kung lalabas man, para mag church and to run some errands. At kung may time she'll visits her family in Masbate.

Ako, I focused in improving my craft / myself at kahit paano nakap-start na din akong magtayo ng sarili kong business of course with the help of my dad. As they always say, hindi pang habang buhay ang showbiz, you have to venture in something more stable.

I go out with friends, hanggan dun lang.   Kasi nga, technically para sa akin hindi ako single and I don't want to mingle with anyone.   I am forever taken... Nuxx, loyal to no. 

Andito lang ako sa condo, wala akong work today.  Ayaw ko din naman umuwi ng Laguna, gusto kong lang mag chill, relax ng walang istorbo.

Teka ma-txt nga tong si Sophia-pangit.

Ako: Pssttt phia-gandang kong friend, kamusta kayo?

Ako: Yohooooo, Phia na maganda… kasing ganda ng friend nya…. Reply naman dyan, hoyyy!!

After 20 mins, wala pa ding reply..
Grabeee tong babaeng to, don’t tell me tulog pa sila.

Hay nakuuuuu.

Ng biglang tumunog ang phone nya.

I.N.I.W.A.N: ANO? BAKIT? Anong kailangan mo?

Ako: wow galit na galit…. Di pa pwedeng greetings muna…

I.N.I.W.A.N: ✌

Ako: kakamustahin ko lang kayo. Kumain na ba kayo?

I.N.I.W.A.N: wow ang sweet mo naman friend, di pa nga eh.. orderan mo kami ng food. Para naman maging happy tong isa dito. Lungkot nya, ✋ promise.

Ako: bakit, anong nangyari.

I.N.I.W.A.N: ay naku, maang-maangan... alam mo naman na eh... bakit di kasi kayo mag-usap.

Ako: dadating tayo dyan... For now let her be. Para sa kanya din yan.

I.N.I.W.A.N: Ah ewan, bahala ka. Pag eto naka move on, baka who you ka na talaga🙄. Asan na yung food namin?

Ako: on the way na ma'am / boss

I.N.I.W.A.N: thank you sa free brunch... the best ka talaga.😛

(Sa phone ni Sophie I.N.I.W.A.N yung code name ni Donny)

Everything will fall into place - in His time

This is our love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon