Chapter 26: Future

623 26 0
                                    

Ikinulong ko sya sa aking mga braso habang nakatapat ang aking mga labi sa kanyang kaliwang tenga. Paunti unti ko syang hinahalikan.

"Sabi ko I love you" masuyo kong sabi sa kanya. Nag angat sya ng tingin sa akin at napapangite.

"Sure ka ba dyan? Is that your final answer?" may himig na pagbibiro sa kanyang tinig.

I chuckled with her reaction, "ang cute mo, sarap mong i-uwi".  At hindi ko na mapigilang matawa dahil sa naging reaction nya.

"Ouchhh"... tinapik nya ang braso ko at pagkatapos ay kinurot ng pino... pakiramdam ko nakagat ako ng langgam.

"Bastos" sabay naglakad papuntang receiving area. Mabilis ko naman syang nahawakan sa wrist nya hinila para yakapin. "Bakit, anong ginawa ko?"  Naguguluhan kong tanung habang nakapulupot ang aking braso sa kanyang beywang

"Bakit mo ko gustong i-uwi? Hindi mo pa ako asawa, kaya hindi pwede yang kung ano anong iniisip mo ha" seryoso nyang pagkakasabi.

"Wala akong iniisip na iba, except sa makasama ka. At yung papakasalan ka para ma i-uwi ka..... syempre nasa isip ko din yun. Pero di pa ngayon, kailangan ko munang magtapos at mag-ipon. Para pag ready ka, pwede na kitang pakasalan. Wala akong ibang bagay na iniisip na alam kung hindi pa pwede, ok. Hindi natin / ko gagawin yun"

Ini-angat ko ang kanyang mukha para magtama ang aming mga mata "may tamang oras at panahon para dun..... pero eto pwede" binigyan ko sya ng isang masuyong halik sa kanyang mapulang labi.

Napapikit sya, dahilan para sundan ko pa ng isa pang halik at hindi ako nabigo, gumanti din sya ng halik... ng pagmamahal at pang gi-gigil🥰

Sabay kaming bumitaw at masayang tinitigan ang bawat isa.

"I love you and I missed you" sabi nya sabay humilig sa aking dibdib.

Mga ilang sandali din kami sa ganung position ng "wehh talaga ba, eh bakit di ka nag message, nami-miss mo na pala ako.. tsss" balik ko dito.

Lumakad sya papunta sa sofa ng hindi ko sya binibitawan sa kanyang beywang.

"Eh syempre ayaw ko naman maistorbo ka sa mga iniisip at gagawin mo. Atsaka bakit ako mag t-txt eh di ba sabi ko ayaw ko muna na mag-usap tayo" malambing na sagot nito.

"Basta!! Next time, I want you to message me, kung miss mo ko or gusto mo akong makita, ok?" seryoso kong sabi sa kanya.

Sandaling katahimikan, habang nakayap ako sa kanya at nakahilig naman sya sa aking dibdib ko habang magkatabi kami - serenity.

"Uhhhm, Therese is my childhood girl bestfriend.  Nung high school, sinabi nya na gusto nya ako.  Pero i choose Janice over her.  Simula noon naging malayo na sya sa akin.  Medyo nagkatampuhan din sila ni Janice.   Janice is my high school sweetheart. High school pa lang kami, marami na kaming plano, we started building our dreams together. Pero may iba pala syang gusto at plano na hindi ko alam. Hindi din naman kasi nya sanasabi sa akin na may iba syang plano sa buhay. A day before she left to Australia dun ko lang nalaman na, na approve pala yung student visa nya and she plans to pursue her Degree in Meds sa Australia. Wala ako sa picture nung ginagawa nya lahat ng yun. Yung plano, mula sa processing and all... wala ako sa picture... pakiramdam ko that time hindi ako kasama sa plano. Hindi pala ako importante. The day she left, she promised she'll be back after 5 years but right there and then I've decided to end the relationship and move forward with my life alone.

"Sorry kung hindi ko kaagad nasabi sa yo. I just want you to know na bago pa kita nakilala years ago, I dont have any hung-ups from my past".

Hinawakan ni Kisses ang aking lips to signal quite 🤫

"Ok na, andito ka na. Sorry na lang sila, dahil ngayong bumalik ka sa akin di na kita ipapamigay... akin ka na" tumatawa-tawa syang sinasabi eto.

"Kinikilig naman ako sa mga hirit mo. Ganyan ba epekto ng pagka miss mo sa akin" ganti kong biro sa kanya.

"Seriously babe, ang importante sa akin alam ko na ako yung mahal mo ngayon at sa future?" patanung sa huli. "Kasi bumalik ka. Yung past mo, past na yun at wala na tayo magagawa dun, what's important is now and it's you and me, ok".

"Baby, di naman ako umalis at hindi ako aalis kahit pagtabuyan mo ako. Basta alam ko na ako yung mahal mo, magkatampuhan man tayo sa yo pa din ako uuwi. Ikaw at ikaw lang. Kinikilig ka?". Biro ko kay kisses sabay halik sa kanyang mapulang pisngi "Hahaha".

"Promise? Kahit na magtampo ako, ikaw lang din naman yung gusto kong umuwi sa akin. Hahahha... yuckkk. Ahahha".. nagbibiro din nyang hirit.

"Halika ka na nga, kumain ka na para makauwi ka na para at makapagpahinga ka din" sabay hila nya sa aking papuntang dining.

"Baby, pwede dito na lang muna ako? Wala kang kasama oh" paglalambing ko dito.

"Huh, hindi pwede. Yun na nga mag-isa lang ako dito. Baka mapagalitan tayo ng parents ko".

"Eh di mag papa-alam ako. Atsaka wala naman akong gagawin sa yo. Mag iipon pa ako di ba?".

"Bahala ka, ikaw magsabi kay Daddy".

Nagpa alam ako kay Tito at pumayag naman sila. Pina alalahanan nya lang kami and they trust us and I assure him na wala kaming hindi magandang gagawin and we value their trust. Sinabi ko na din na may mutual understanding na kami ni Kisses. At pinag paalam ko na din sya na lalabas kami bukas para mag shopping ng mga gamit para sa school opening.

Since wala naman kaming maagang lakad, nag movie marathon muna kami habang nagku-kwentuhan ng kung ano-ano. Meron din tungkol sa future.

"Babe, magiging busy ako ha, aside sa last year ko na sa school, may mga offers na dumarating at gusto ko tanggapin. May clothing company kumukuha sa akin na maging endorser at tinatanung din si Dad ng star magic kung gusto mag try sa showbiz pero sabi ko kay Dad pag-aaralan muna namin. Pero kung medyo ok, ayos yung kikitain ko, ok din. Kasi pag ganun mabilis ako makakapag-ipon para sa atin😉" sabay nag smile ako sa kanya.

"Totoo ba? Nag-iipon ka para sa future natin? Pinapakilig mo lang ata ako eh" sabay nguso ko kay Donny.
"Pero, effective ha.... kinikilig kasi ako. Hehehe! ☺️☺️"

Hinawakan ko ang kamay nya, "hindi ko sinasabi to para pakiligin ka lang. Sinasabi ko eto kasi seryoso ako sa yo, sa atin. Pagkatapos ng graduation ko haharapin natin ang parents mo at sasabihin natin ang tungkol sa atin. Siguro, ready ka na by that time?"

"Ok, gagawin natin yan ng magkasama" sagot ni Kisses.

"Baby, sinasabi ko lahat to kasi eto yung plano ko para sa atin. I want to know that we are in this together?!?. Pag may gusto ka, sabihin mo din sa akin. Para sa future natin to"

"Babe, I will support you. I will be beside you, di ba sabi ko nga sa yo kanina... akin ka na🤗🤗 (sa kinikilig na tono) hehhehehe. Kahit buzy ka dapat may time pa rin tayo na mag kwentuhan at mag church ha" paglalambinh nito.

"Syempre, basta kung di tayo magkikita at namimiss mo ako, just message me or call me ok. Oh, magpahinga ka na. Pero bago yan, halika muna dito... gusto ko ng 💋💋" at masuyong naglapat ang aming mga labi. Matagal at puno ng pag-ibig na halik.

------ end of chapter

This is our love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon