Ang bilis ng panahon, parang kelan lang nung nag sweet 16 ako. Ngayon, 18 na ako…. Ohhh wowww how time flies. Ilang linggo na lang ulit tapos na ang school holiday.
Andito ako ngayon, buzy sa pag-aayos ng gamit ko. Aalis kasi kami ni Donny, huling hirit ngayong school holiday at syempre birthday gift nya sa akin ang trip na to. Oh di ba from friends to…. best friends na talaga kami ngayon. Level-up. Hahaha!!!🤣🤣
Speaking of Donny, ang swerte ko na nakilala ko sya. Not just the superficial Donny but he allowed me to see what’s underneath the surface. Sweet, caring, gentleman, mabait na anak at higit sa lahat God-fearing syang tao. He is not perfect, nakita ko din yyngbibang side nya na pikon lalo na pag wala sa mood, kaya lagi silang nagkakagulo nina Markus at RJ. Kasi alam na nga nilang pikon na lalo pa nilang aasarin. May time na suplado, may time na kuripot lagi kasing tinutukso ni Inigo at Markus (pero sa akin hindi naman) sabi ko naman di ba – hindi perfect so may mga imperfections talaga sya, pero keri lang.
Eto going strong ang pagiging mag best friends namin. Masaya ako kung ano yung meron kami at tanggap ko yun.
I remember a year ago kung gaano ako nalulungkot everytime na nakikita ko syang iba ang kasama at sweet din sya mga eto. Oo nagseselos ako… but that was before as in immature pa ako and very emotional. I still remember nung nakita ni Mommy na umiiyak ako sa sobrang lungkot. My mom talked to me at madami akong natutunan na isi na-puso ko.
Flashback:
Mom: Anak, may sakit ka ba? Bakit sobrang tamlay mo. May problema ka ba?
K: Mom, wala po. Akyat lang po ako sa room ko. Gusto ko lang pong magpahinga.At umakyat na ako sa room. Little did I know na nasa likod ko lang pala si Mom.
Mom: Anak, kung ano yung gumugulo sa isip mo, pwede mong sabihin kay Mommy. I may not understand everything and I don’t know all the answers to your questions but trust me, I am willing to listen.
At nagpatuloy lang ako sa paghikbi. Bumangon ako sa kama at hinarap si Mommy.
K: Mom, bakit ganun, nasasaktan ako kahit alam ko na hindi naman dapat. Kasi hindi naman po kami (wow ang tapang, umamin talaga)
Mom: Uhhmmmmm, (habang akap-akap ako ni Mommy)
K: Nasasaktan ako pag mas close, mas sweet sya sa ibang babae kesa sa akin.
Mom: Si Donny ba?
K: Opo, hu… hu… huu.. huhh
Mom: Sa pagmamahal na binibigay natin sa ibang tao, hindi maiiwasan na maghintay tayo ng kapalit. Pag nagmahal tayo, gusto natin mahalin din tayo pabalik. May mga ginagawa tayo para maiparamdam na mahal natin sila at kadalasan nag e-expect tayo na sana sila din…nag iintay tayo na iparamdam na mahal din tayo.
Pero alam mo anak, ang totoong nagmamahal, hindi nag aantay ng kahit na anong kapalit mula sa iba. Kaya ka nagmamahal kasi marami kang pagmamahal sa puso mo na gusto mo ding ma-i-share sa iba.You have received love freely, so you give love freely… no expectation in return.
Kung masaya sya, masaya ka din para sa kanya. Kung nalulungkot at nasasaktan sya, nalulungkot ka din para sa kanya.
Ang nagmamahal nagbibigay hindi nagdadamot at hindi mapaghanap.
Anak, you are already 17 dalaga ka na, and by this time alam ko na ipinanganak na din yung maari mong makasama sa habang buhay. Why don’t you pray for it instead?
Kaya from that time on, sinabi ko na gagawin kong inspiration yung love na meron ako para kay Donny. I love him without any expectation, simple lang chill lang yung ganun…. just love him, full stop as in period.
And I’ve followed my Mom’s advice, dapat naman talaga na pinag pi-pray ko na yung makakasama ko sa forever. At syempre gusto ko yung bigay ni God.
All my bags are packed I’m ready to go, just waiting for Donny. Sabi nya kasi dadaanan na lang nya ako papuntang airport. Kasama namin sa trip na to si ate Shiella kaya lang bukas pa ang flight nya kasama si RJ at si Hanna, nagkamali kasi sila ng book ng ticket nakwento sa akin ni Donny.
Hindi na din sumama ang parents ko since lakad daw naming mga bagets eto, mag enjoy na lang daw kami, andito sila sa condo ngayon.
May nag doorbell, si Donny na siguro yan.
Ay Kuya Gelo, asan si Donny?
Si Kuya Gelo sya yung assistant ni Donny. Sa line of work na meron sya at sa schedule nya kailangan nya ng talaga ng aalalay at mapagkakatiwalaan.
Kuya Gelo: Pumunta lang sa convenience store, dun na lang daw kayo magkita sa sasakyan. Eto na ba yung mga gamit mo?
Ah ganun ba, oo yan lang Kuya.
At nagpaalam na ako kay Daddy at Mommy. Bumaba na kami ni Kuya Gelo.
Pagdating namin sa parking, wala pa si Donny. Siguro di pa kumakain yun kaya kung ano ano pa ang bibilihin. Pumasok na ako sa sakyan. Sabi ni Kuya Gelo sa shotgun seat na ako maupo kasi si Donny ang magda-drive. Mga 20 mins na kaming nag-aantay at nakita ko si Donny, may dalang chips, tinapay at drinks.
Good morning. Pawis na pawis ka at medyo hinihingal ka. San ka ba bumili nyan? Di ba nasa kabilang side lang naman yung store. Bati ko kay Donny.
Donny: Good morning, are you excited? Coz I am baby, hahah!!! Let’s go
Yan lang ang sinabi nya sa tanung ko. At hindi nagtagal umalis na nga kami ng condo papuntang airport.
------------------ End of chapter 12
BINABASA MO ANG
This is our love story
RomanceDi ko mapigil ang mga luha ko ng makita ko sya. All the memories are slowly coming back, from the first time I saw her, hanggang sa naging friends kami and now this..... I'm here in front of the altar, waiting for her. In my mind, i keep on thankin...