"I REALLY couldn't lose your sister, Alyssa. She is everything to me..." madamdaming wika ni Charles kay Alyssa. Ngayon ay dumayo pa ito sa Medoires para lang may karamay ito sa pinagdadaanan nito. Sinubukan rin kasi nitong kausapin si Aliciana tungkol sa sitwasyon. Ngunit dahil ayaw itong kausapin ni Aliciana ay pinili na lang nitong sa kanya mag-confide ng problema bilang nag-iisang kilala nito sa isla. Hindi maggawang makipag-usap rito ni Aliciana sa dahilang maaring magkaroon ng malaking issue kapag kumalat ang balita na nakikipag-usap ito sa ibang lalaki gayong marami ng may alam na ito ang piniling maging asawa ng hari.
"I tried to talk to him, Charles. But he won't listen. He won't give an escape...." Pakiramdam ni Alyssa ay may bumikig sa kanyang lalamunan pagkatapos naman niyang sabihin iyon. Alam niya na may paraan. But she couldn't take it. How can she? Ang pagkakaintindi niya sa sinabi ni Ed ay gagawin siya nitong babae nito. Isasama sa mga koleksyon nito ng babae na kapag pinagsawaan na nito ay basta na lang nito ididispatsa. Could she live with that? Could she live to give herself to a person she knew who couldn't love her?
Aminado naman siya na may gusto siya kay Ed. Na nahihiling niya na sana ay siya na lang ang pinili nito at hindi si Aliciana. Pero iba pa rin pala ang pakiramdam. Lalo na at hindi ipinahiwatig sa kanya ni Ed na siya ang gusto nitong pumalit sa puwesto ni Aliciana. He just simply wanted her to be her mistress---not a wife. She felt so low and it just hurts. Iniwan niya si Ed sa sobrang sakit.
Hindi niya makakaya ang kondisyon nito sa kanya. Ngunit makakaya rin ba niya na makitang nasasaktan si Charles at ganoon rin si Aliciana? Hindi man niya nakikita ng personal si Aliciana ay sigurado naman na nasasaktan ito dahil napilitan lang naman ito sa lahat. Si Charles dapat ang pakakasalan nito. Pumayag ito sa gusto ni Charles kaya siguradong nag-aalala rin ito sa kaibigan niya. Naiipit lang talaga ito sa sitwasyon.
"If I only had the same power with the Prince, I would have fight him. Damn it! I'm so miserable, Alyssa. What should I do? This pain is killing me..."
Niyakap ni Alyssa si Charles. Kahit siya ay naawa rito. Gusto niyang tulungan ito hindi lang dahil sa kaibigan siya nito. Malaki rin ang utang na loob niya kay Charles. Nang mga panahong nagkaproblema siya ng problemang pangpinansiyal dahil unti-unti ng nararamdaman ang pagkabagsak ng Royal House of Braganni at nakakalimutan ng mga magulang niya na padalhan ng panggastos niya sa London ay si Charles ang tumulong sa kanya. Kahit hirap rin sa pera ay ginawan ng paraan ni Charles na mabuhay pa rin siya kaggaya ng dati. Tinipid nito ang sarili para lang gumaan ang sa kanya. Napakabuti nitong kaibigan kaya hindi niya gustong nasasaktan ito. Hindi iyon nararapat para dito.
"I would die without her. She is my dream. The love of my life. I can't lose her..." pagkatapos ay lumagok na naman ng alak si Charles. Kanina pa nito nilulon ang sarili roon na hindi naman normal na ginagawa nito.
Ganoon ba talaga ang nagmamahal? Hindi pa sigurado ni Alyssa ang nararamdaman niya para kay Ed kaya hindi niya masasabi kung minamahal nga ba niya ito. Nalulungkot isipin na kailangan pang dumaan sa ganoon ang mga pangyayari dahil lang sa isang paghihiganti. Gusto man niyang sabihin ang mga natuklasan ay wala naman siyang magagawa. Naisip kasi ni Alyssa na maaring makasama pa iyon sa sitwasyon kung malalaman ni Charles o Aliciana ang totoo. Pero maatim ba talaga niya na masaktan ang dalawa kung may magagawa naman siya?
Mahal niya ang dalawang taong ito na nasasaktan. Dalawa ang nagdudusa samantalang kung papayag siya sa kondisyon ni Ed ay iisa lang siya. Isama pa na gusto rin naman niya si Ed, hindi ba? Ito ang sikretong sinisinta niya. Sikreto lang dahil hindi naman siya umaasa na mapapansin rin nito.
Hanggang ngayon.
He wanted her. She likes him. Ilang magazines na ba ang nabili niya dahil rito? Hindi siya mahilig magbasa ng mga magazines---lalo na ng mga pang-showbiz magazines pero dahil kay Ed ay bumili siya. Isa lang siya sa mga libo-libong babae na nagkakagusto rito. He was her fantasy. Would it be bad if she gave herself to him? Hindi ba at magbe-benefit pa nga siya roon?
Ngunit tama ba ang lahat kung ganoong alam niyang hindi naman masusuklian ang lahat? There's no love. Only lust.
Gulong-gulo na ang isipan ni Alyssa.
BINABASA MO ANG
International Billionaires 3: Edmundo Ferreira
RomanceInternational Billionaires Book 3 Name: Edmundo Ferreira Profession: International Model, Prince of the Royal House of Ferreira Whereabouts: (Too Many To Mention) Around The World Romantic Note: Minha Querida