NAPAGDESISYUNAN ni Alyssa na dumalaw sa Royal House of Ferreira---ang pinakamalaki at pinakamakapangyarihang Royal House sa buong Medoires. Ang pamilya ng Ferrreira ang pangunahing namumuno sa buong Medoires at alam niyang doon rin matatagpuan ang lalaking kailangan niyang kausapin.
Hindi na lang basta hahayaan ni Alyssa na mangyari ang ganoon sa relasyon ng kanyang kapatid. Hindi rin niya gusto na nasasaktan si Charles sa sitwasyon. Hindi naman niya masisisi ang dalawa kung walang maggawa ang mga ito. It was a royal command. Mahirap suwayin iyon. Ramdam niya na takot ang dalawa kaya hindi maipaglaban ng mga ito ang pag-iibigan. Ngunit gusto niyang ibahin ang sarili sa dalawa. Gagawa siya ng paraan.
Magiliw naman na tinanggap siya sa palasyo. Namukhaan siya ng mga guwardiya kahit hindi na siya nakasuot ng damit na palaging sinusuot ng mga galing sa royal families. Gusto tuloy mapahiya ni Alyssa sa mga nangyari. Mainit na tinanggap siya sa palasyo pero noon ay malayong-malayo ang naging trato sa ngayon ay magiging hari na ng Medoires. But she couldn't turn back the time. Kailangan na lang niyang mabuhay sa kasalukuyan at harapin ang lahat kahit alam niya na maari siyang mabigo.
"The Prince is playing with Princess Julia at the moment. If its okay for you to wait for---"
"Its okay. No worries," nakangiti na wika ni Alyssa. Ano ba ang isang oras na paghihintay? Alam niyang magiging malaking pabor ang kanyang hihingiin. Isama pa sa hindi naging magandang pinagdaanan nila. Nararapat lang ang ganoon para sa kanya.
Hindi naman ganoong katagal na naghintay si Alyssa at nakita niyang bumaba sa isang grandyosong hagdan si Ed. Nasa balikat pa nito si Princess Julia na may malaking ngiti sa labi. Tila may humaplos sa puso ni Alyssa na makita na nasa magandang kalagayan ang prinsesa. Naging mabigat ang pinagdaanan nito sa mga nakalipas na araw at kung siguro ay siya ang nasa katayuan nito ay magiging mahirap para sa kanya na tanggapin iyon. But there was Ed. He was beside her. Hindi nito iniwan ang pamangkin kahit na ba kilala ito bilang iresponsableng prinsipe. Bihira itong pumunta sa palasyo, makialam sa mga royal duties nito. Ngunit ngayong nasa krisis ang pamilya nito, hindi naman talaga masasabing iresponsable ito. He must be known as a playboy but he had a heart, too. May kung anong gumulo sa isip at puso ni Alyssa sa naisip na iyon.
Please let him have a heart to hear me out, too.
"A-Alyssa?" bahagya pang nagulat si Alyssa nang makilala siya ng prinsipe. Pagkatapos ng ginawa rito ng pamilya niya ay hindi na muling nagtagpo ang landas nilang dalawa. Simula noon ay sa mga royal news at magazines na lang niya nasusubaybayan ang buhay nito.
Sa mga pahayagan na talaga namang hindi mo pinapalampas basta at may artikulo tungkol sa kanya! Sulsol ng isang bahagi ng isip ni Alyssa. Gustong mairita ni Alyssa dahil sa mga naiisip. Pero bago niya pa maggawa, nawala na ang lahat ng iyon nang magtama ang tingin nila ni Ed.
Bata pa lang si Alyssa ay may asthma na siya. Kapag napapagod siya ay madalas siyang hinihika, kinakapos ang hininga. Sa pagkakataong iyon, kahit hindi naman siya napagod ay tila nangyayari sa kanya. By simply looking Ed, she felt that her breath was taken away from her.
Pero hindi masisisi ni Alyssa ang sarili. Napakagandang nilalang ni Ed. Hindi na kataka-taka ang narating na career nito. He was a celebrity prince. An international model. Noong mga bata pa sila ay hindi niya naisip na sasabak ito sa ganoon. May katabaan kasi si Ed. Pero nagbago ito noong nagbinata ito. He became lean and his body became a fantasy of a lot of people. At kahit ngayon ay nakasuot lang ito ng simpleng T-shirt at pantalon ay hindi maiwasan ni Alyssa na paganahin ang imagination niya. Isama pa na sa T-shirt na iyon ay mababakat ang tila pandesal na abs nito. Dapat yata ay isang Greek couple na lang ang nag-ampon kay Ed. Dahil sa lagay nitong iyon? He would certainly beat every Greek God in having a goddman good body like that.
BINABASA MO ANG
International Billionaires 3: Edmundo Ferreira
RomanceInternational Billionaires Book 3 Name: Edmundo Ferreira Profession: International Model, Prince of the Royal House of Ferreira Whereabouts: (Too Many To Mention) Around The World Romantic Note: Minha Querida