23. A Life Together

12.9K 237 8
                                    

ISANG linggo ang nakalipas pero bigo pa rin si Alyssa na malaman kung higit pa nga ba sa pag-aalala at pagpapahalaga sa kanya si Ed. Patuloy pa rin silang naging malapit sa isa't isa ngunit kahit ganoon, wala pa rin itong inaamin sa kanya. Minsan, pakiramdam niya ay ayaw na niyang umasa pa na magagawa nga niya ang imposible. Paano kasi ay tila hanggang doon na lang ang lahat.

Nagkakalapit sila sa isa't isa physically---pero madalas ay magkayakap lang. Hinahalikan rin siya ni Ed pero hindi iyon ganoon kalalim kaggaya ng pinagsaluhan nila noon. Minsan ay naiisip rin niya kung totoo nga bang gusto siya nito. Dahil kung ganoon, bakit hindi pa nila muling maggawang maging intimate sa isa't isa bukod sa mga yakap at halik?

Hindi man sila nagsasama ni Ed sa isang bahay ay hindi naman niya iyon desisyon. Ito ang umaalis at tanging ang bodyguard lang nito sa labas ang nagbabantay sa kanya sa gabi. Iniisip niya minsan na gusto rin siya nitong irespeto kaya ginagawa nito iyon. He didn't take advantage of her. Pero tila may mali. Dahil sa mga ginagawa nitong iyon, nakakaramdam siya ng kahungkagan. She felt unwanted.

Kahit nasa tabi niya palagi si Ed ay iba pa rin pala ang pakiramdam. Bakit puro pagpapahalaga lang ang nakikita niya rito?

Pero may mali rin naman ako dahil umasa ako kahit tinapat na niya ako sa simula pa lang...

Gusto niya si Ed. Aminado na siya sa sarili niya na mahal siya nito. Madali lang naman itong mahalin---lalo na sa mga pinapakita nito sa nakaraan. Kung tutuusin ay maari na siyang pumayag sa gusto nito dahil may nagmamahal na sa relasyon nila. Iyon lang naman ang mahalaga 'di ba?

Love was a gift. Love was always a gift. Even if the person you loved chose not to love you back. Minsang sinabi ni Ed. She wanted to hold on with that. To cherish the gift. Pero hindi siya nito mahal. Masakit iyon. Walang katugon ang pag-ibig niya. Ngunit mas magiging masakit kung iiwan na lang niya si Ed. Kung mawawala ito sa piling niya.

At ang anak nila. Maatim ba niya na maari itong tawaging bastardo dahil hindi nito dinadala ang pangalan ng ama nito? Na lumaki ito sa pamilyang buo? Ipagkakait ba nito ang pagkakataon na magkaroon ng buong pamilya?

Mature na siya. Ina na rin siya. Hindi lang dapat ang sarili niya ang iniisip niya.

Pero hindi pa ganoon kabuuo ang desisyon ni Alyssa. Gusto niyang maramdaman muna kahit papaano na gusto pa rin siya ni Ed. Na gusto siya nito hindi sa dahilan na dinadala niya ang anak nito. Gusto niyang makita muli na totoo ang sinasabi nito na gusto talaga siya nito bilang isang babae.

Ngayong araw ay day-off ni Alyssa. Wala rin trabaho para sa araw na iyon si Ed ayon rito. Magkasama sila ngayon at sa pagkakataong ito ay walang sino man na bodyguard o driver silang kasama. Tila isang ordinaryong couple lamang sila habang si Ed ay nagmamaneho at siya naman ay nasa passenger seat. Sinabi nitong may pupuntahan raw sila pero sorpresa raw kung saan. Hindi man alam ang maaring mangyari ay nakaramdam ng kasabikan si Alyssa.

Lalong nasabik si Alyssa nang pumasok si Ed sa isang ekslusibong subdivision sa may Makati. Tumigil sila sa tapat ng isang maganda at may kalakihan na bahay. Iyon ba ang bahay ni Ed? Hindi niya sigurado kung saan natira si Ed kapag nasa Pilipinas o nasa Maynila ito pero sa lagay ng status nito sa buhay, maaring sa ganoong subdivision at ganoon kalaking bahay nga ito natuloy. Iyon ang unang beses niya na makarating roon.

"Your house?" tanong niya rito nang pagbuksan siya nito ng kotse.

Umiling si Ed. Nagtaka si Alyssa.

"Mamaya ka na magtanong. Tara sa loob," inalalayan siya ni Ed na bumaba at maglakad patungo sa loob ng bahay.

Masasabi pa ni Alyssa na maganda ang bahay nang makapasok siya sa loob. Maganda ang interior noon at bumagay ang mga furnitures na nasa loob. Nakaka-at home rin ang ambiance ng bahay. Hindi nakaka-suffocate sa sobrang laki at gara ng mga gamit kaggaya ng nararamdaman niya noong prinsesa pa siya. Kompleto na iyon sa mga gamit at tila kulang na lang ay titira. Sa tantiya niya ay bagong gawa lang rin ang bahay dahil napakagaganda pa ng gamit.

International Billionaires 3: Edmundo FerreiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon