"YOU'RE okay now?"
Bahagyang natawa si Alyssa nang marinig ang tanong na iyon kay Ed. Kakagising lang niya ng umaga na iyon at tinawagan siya ni Ed para tanungin ang lagay niya. Gusto niyang paikutin ang kanyang mata sa concern na ipinapakita nito sa kanya. "Kagabi mo pa tinanong 'yan."
"I just want to make sure. You scared the hell out of me yesterday,"
Napangisi si Alyssa. "Kapag welfare ko yata, palagi ka na lang natatakot."
Tumawa si Ed. "Yes. You had that kind of power over me. So ano nga? Okay ka na ba talaga? Do I need to send---"
"I'm fine, okay? Parte lang ng paglilihi ko ang kahapon kaya wala kang dapat ipag-alala. Wala rin akong morning sickness ngayon. I'm perfectly fine. And I'll be fine the whole day, too. Wala naman akong pasok." Sabado ngayon kaya off niya. "Pero teka, how about you? Nasaan ka ngayon?"
"I'm going--"
"Here?" napagkrus ni Alyssa ang mga daliri niya dahil gusto niyang makita si Ed. Gusto niyang dalawin siya nito. Kahit kahapon lang sila nagkita ay nami-miss na agad niya ito. Kung parte iyon ng paglilihi niya o dahil sa personal na kagustuhan lang niya ay hindi na mahalaga. She wanted him to be there.
Pinatunog ni Ed ang dila. "I'm sorry. Baka mamaya pang hapon kita madalaw. May importanteng appointment ako ngayong araw."
"Like?"
"May feeding program na sponsor ngayon ang HGC. Pinilit ako ni Jet na mag-volunteer."
"Oh... C-can I come?" Gusto niyang makasama si Ed ngayong araw pero nanabik siya kung makakasama niya ito sa mga ganoong klase ng okasyon. Bilang dating maharlika, madalas na ginagawa ng pamilya nila iyon. Pero dahil sadyang may kinaartehan ang kapatid at ina niya, madalas ay siya ang sugo ng pamilya sa mga ganoong klase ng proyekto. Naaliw siya kapag tumutulong sa iba.
"Puwede naman. Pero totoo bang maayos na ang pakiramdam mo? Makakaya mo ba?"
"Ang kulit. Sabi ng okay na nga ako. Saka kung sumama naman ang pakiramdam ko, nandiyan ka naman para alalayan ako. Hindi dapat ako matakot."
"Hmmm.... You trust me that much now, huh?"
You're special to me, Ed. That's why I trust you. Gusto sanang isagot ni Alyssa. "I trust you, of course. Ang dami mong ginawa sa akin sa mga nakalipas, Ed. Paano pa ako hindi magtitiwala sa 'yo?"
Narinig niyang tumawa si Ed. Masaya ito na naggawa nitong makuha ang tiwala niya. Maya-maya pa ay sinabi na nito na mag-ayos na raw siya ng sarili dahil dadaanan na raw siya nito. Sinunod naman ni Alyssa si Ed. Sakto naman na pagdating nito ay kakatapos lang niyang ayusin ang sarili.
Marami ng tao sa program nang pagdating nila. Kagaya ng inaasahan ay nagkagulo ang mga tao nang makita si Ed. Agad na nalayo ito sa kanya dahil na rin pinagbigyan nito ang mga taong nasabik sa pagkakita rito. Wala naman iyong kaso kay Alyssa. Gusto niyang makasama si Ed pero mas masarap ang pakiramdam na makitang naaliw rito at ang mga tao na humahanga rito.
Masaya rin si Alyssa na tumulong sa feeding program. Kasama nila sa feeding program ang kaibigan ni Ed na si Jet. Napag-alaman niya na kapag pala ganoong mga charity works ay madalas itong tumutulong. Dahil Doctor ay likas na rito ang pagiging matulungin. Pinagkakaguluhan rin ito dahil sikat ang grupong kinabibilangan ng mga ito pero dahil mas sikat si Ed ay halos ito ang hindi na nakatulong. Matatapos na ang feeding program nang makalapit muli ito sa kanya.
"You're still feeling fine?" nag-aalala na tanong na naman sa kanya ni Ed.
Tumawa si Alyssa. "Ako dapat ang magtanong niyan sa 'yo. You looked so exhausted."
Nagkamot ng ulo si Ed. "Well, a celebrity life it is. Ito kasing si Jet, ang kulit," binigyan nito ng tingin ang kaibigan. "But it was good to see their smile just by seeing me." Ngumiti rin si Ed.
Tumango si Alyssa. Ganoon rin ang nararamdaman niya.
Kumunot ang noo ni Ed. "What? Iyon lang ang reaction mo? But wait, siguro ay dahil sa itsura ko na ngayon 'no? I looked like a disaster now kaya---"
Pinindot ni Alyssa ang ilong ni Ed. "'Wag ka ngang vain. Ano bang iniisip mo? Na magugustuhan kita dahil guwapo ka lang?"
Nagkibit-balikat si Ed. "Well, most people are like that."
"Kung ganoon, hindi ako. May factor rin naman ang physical department. Pero mas malaking puntos ang nanggagaling sa puso." Ngumiti siya. "Bakit ba natin pinag-uusapan iyan? You should rest. Maupo ka muna. Gusto mo ba ng tubig? Ano---"
Naputol ang pagsasalita ni Alyssa nang tumawa si Ed. "Now you are acting as my wife now..."
Hindi nakapagsalita si Alyssa. Namula ang mga pisngi niya.
"But wait, bakit ba ako tumawa? Well, I'm happy. Kung ganyan ang magiging asawa ko ay---"
"Shut up!" hindi pa siya pumapayag sa gusto nito kaya kailangang hindi pa siya magpadala sa mga sinasabi nito. At kung nagpaparinig ito ngayon ay kailangan niyang ikatakot iyon. Hindi pa niya masasabi na handa na siya kahit alam niya sa loob-loob niya na gusto niya. Marami pa rin takot sa isip niya.
Itinaas ni Ed ang kamay nito. "Fine, fine. But can you please do me a favour? Pagod talaga ako."
"Okay. Tubig ba ang gusto mo---"
"No. Ito ang gusto ko..." bago pa man makapagsalita si Alyssa ay hinapit na agad ni Ed ang katawan niya papunta rito at walang pasabi na hinalikan siya. Nagulat si Alyssa pero hindi sa damdamin na naramdaman niya sa halik na iginawad nito. It was wonderful.
"E-Ed, hindi mo dapat ginawa 'yun!" kahit nagustuhan ang halik ay naging aware rin siya sa paligid.
"Halos wala ng bata sa lugar and as of other people, let them watch. Kung gumawa man sila ng tsismis, it doesn't matter. I want the world to know that you are mine. At ikaw rin ang nakakapagpawala ng pagod ko. Ikaw at ang halik mo. Hindi na ako makapaghintay pa na dumating ang araw na hindi na kita kailangan pang pilitin na mahalikan. The day I can have full access of you. The day you'll be totally mine..."
Tinignan niya si Ed. His face looks sincere. Seryoso at tila umaasa rin iyon. She felt touched. Mukhang pinahahalagahan talaga niya ito.
Ngunit sapat na ba talaga ang pagpapahalaga nito para maging maayos sila? Sapat na ba na siya lang ang may nararamdaman pa na higit roon para pumayag na siya sa gusto nito? Nararamdaman naman niya na tila may higit pa roon pero walang kahit anong inaamin sa kanya si Ed. He seems like he liked her. Or more than like. Hindi sapat iyon kay Alyssa. Ngunit ramdam niya na sandali na lang, kaunting pilitan na lang at mapapa-oo na rin siya nito sa kabila ng kulang pa rin na nararamdaman nito para sa kanya...
BINABASA MO ANG
International Billionaires 3: Edmundo Ferreira
RomanceInternational Billionaires Book 3 Name: Edmundo Ferreira Profession: International Model, Prince of the Royal House of Ferreira Whereabouts: (Too Many To Mention) Around The World Romantic Note: Minha Querida