"WHAT THE HELL do you think you are doing?!" muntik ng mangyari ang kinatatakutan ni Alyssa nang marinig niya ang katakot-takot na boses na iyon ni Ed. Hindi pa ganoon kataas ang naakyat niya para maabot niya ang kanina pa niyang tinititigan na mangga. She was craving to eat it since she first laid her eyes on the fruit. Hindi siya mapakali kaya naman kahit gabing-gabi na ay napagpasyahan niyang gumawa ng paraan para ma-satisfy ang craving niya.
Hindi sanay umakyat ng puno si Alyssa pero dahil sa matinding nararamdaman ay sinubukan niya. Maliwanag naman sa may puno dahil may ilaw sa ilalim ng puno. Hindi rin naman ganoon kataas ang bunga pero mahirap iyon na sungkitin, isama pa na wala rin siyang panungkit. Pero dahil hindi siya sanay, bahagyang kinakabahan siya sa ginagawa. Na siyang tumindi pa nang mahuli siya ni Ed.
Ano ba kasi ang ginagawa nito at pumunta pa ito ng personal roon? Maari naman nitong tawagan ang bodyguard nito o siya mismo kung gusto nitong malaman ang lagay niya.
"Come down, Alyssa!" nakaramdam rin si Alyssa nang kaba sa tinig ni Ed. Kung ganoon ay totoo nga ang sinabi nito sa kanya. He does care for her. Lumundag ang puso niya sa naisip. Lalo yata siyang kinabahan dahil hindi na lang ang sitwasyon niya ngayon ang naiisip niya. Pati na rin ang nakakagulong nararamdaman niya kay Ed.
"No. Kailangan kong kuhanin ang mangga," tumingin muli si Alyssa sa pakay. She felt dying for the craving she was feeling for the mango. Hindi siya papayag na hindi makuha iyon, lalo na ngayong malapit na rin siya sa inaasam.
"What?! Damn, Alyssa! Baka mahulog ka. Alam mo ang kondisyon mo! Bumaba ka na!"
Umiling pa rin si Alyssa. Pilit na binalewala si Ed. Hindi naman ganoon kataas ang puno at kung mahuhulog man siya, hindi naman siguro siya ganoong masasaktan. Nag-umpisa siyang tumulay sa malaking sanga ng puno nang maramdaman niyang may kumagat sa kaliwang paa niya. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sobrang sakit ng pagkakagat. Itinaas niya ang paa para kamutin dahilan para mawalan siya ng balanse. Sinubukan niyang kumapit sa isang sanga pero may langgam rin na kumagat sa kamay niya dahilan para mapabitaw siya.
Napasigaw si Alyssa nang maramdaman niyang mahuhulog na siya sa puno. Halos kasabay naman noon ang mahabang mura ni Ed. Napapikit siya at nagdasal na sana ay walang mangyari masama sa kanya sa pagkakahulog. Lalo na sa anak niya. Mukhang dininig naman ng Diyos ang panalangin niya dahil may matitipunong bisig ang sumalo sa kanya. Nasa mabuting lagay na siya at ang anak niya.
Ngunit hindi ang puso niya.
Maybe Alyssa literally fall for Ed. Pero ang puso niya, lalo na ngayong nagkatinginan ang mga mata nila nang magmulat? It felt like sinking. Epekto lang ba talaga iyon nang pagkakahulog niya? Pero hindi. Ganoon rin ang nararamdaman niya noon. Kapag magkalapit sila ni Ed. Alam niya na may iba pang dahilan pero ayaw niyang umamin.
Hindi naman siya lubos na pumayag sa sinabi ni Ed na magpakasal sila. Ayaw rin niya na pumayag sa gusto nitong magiging maayos naman ang lahat kung kahit isa sa kanila ay magmamahal sa isa dahil alam niya ang gusto nito---na siya ang maging biktima noon. Para sa kanya ay napakasama noon dahil magmamahal siya pero alam niyang hindi masusuklian ang pagmamahal na iyon. Paano kasi ay unti-unti na niyang nararamdaman iyon kay Ed.
Higit pa sa pagkagusto ang nararamdaman niya kay Ed. Malinaw na sa isipan niya iyon pero ayaw niyang aminin, kahit sa sarili. Alam kasi niya na dehado siya. Na masasaktan siya. At nuncang sasabihin rin niya iyon kay Ed. May pagmamahal siya sa kanyang sarili. Kaya kung gusto nitong magtagumpay ang plano nito, dapat ay ito ang magmahal sa kanya. Kailangan niyang turuan ito. Kailangan na ito ang maging biktima.
Kailangan ni Ed na matutong magmahal para pakasalan niya ito.
Alam ni Alyssa na magiging mahirap iyon. Ngunit hindi imposible. Inamin nito na gusto siya nito. Ganoon rin naman ang nararamdaman niya kay Ed noong una. Made-develop rin ito sa kanya kaggaya nang nangyari sa sarili. Kaya hindi na niya pinigilan si Ed sa gusto nito. Kung gusto nito na paibigan siya, gagawa ito ng paraan. Lalapit ito sa kanya. Sa ganoong paraan ay maaring mangyari ang gusto niya. Mahirap pero hindi imposible.
"A-are you all right?" matindi ang pag-aalala ni Ed. Alam niyang nahihirapan ito dahil malakas ang force ng pagkalaglag niya pero ramdam niyang mas matindi ang pag-aalala nito sa kanya. Ipinagkrus ni Alyssa ang mga kamay, umaasa na sana ay isang senyales ang nakikita niyang iyon kay Ed para mahulog ito sa kanya.
Pinakiramdaman ni Alyssa ang sarili. Wala naman siyang nararamdamang kakaiba maliban sa mabilis na pagtakbo ng puso niya. "I-I'm all right. Puwede mo na akong ibaba,"
Pero hindi nito ginawa ang sinabi niya. Nanatili lang itong pangko siya. "Napakapasaway mo! It's the middle of the night. Paano na lang kung hindi ako dumating?"
Napakagat labi siya. "W-well, I can't say no to my baby's demands..."
Sa sinabi niyang iyon ay lumambot ang mukha ni Ed. "If you are craving, you could have asked somebody to do it for you. There's my bodyguard. At ako, puwede mo akong tawagan kung may kailangan ka,"
"Ayaw kong istorbohin ka. Nang maospital ako ay halos hindi ka na umalis sa tabi ko. Kinain ko na masyado ang oras mo. Ayaw kong dumepende palagi sa 'yo. As of your bodyguard, he was asleep at ayaw ko naman siyang istorbohin. Alam kong pagod rin siya dahil maghapon na rin niya akong binabantayan."
He gritted his teeth. "Ayaw ko na muling mangyari pa ito. Naiintindihan mo? You put me in hell. I was so much worried about you."
Alyssa felt like melting. "All right,"
Matagal na katahimikan ang pumainlang sa pagitan nila bago muli nagsalita ito. Tumingin ito sa kanina pa niyang pinag-iinteresan. "You still want the mango?"
Napatingin muli siya sa manga. Bumalik muli ang kanyang paglalaway. Tumango siya.
Ibinaba ni Ed si Alyssa. Ang akala niya ay uutusan nito ang isa sa mga tauhan nito para kuhanin ang prutas ngunit laking gulat niya nang ito mismo ang umakyat sa puno.
"B-be careful!" sigaw niya rito nang mag-umpisa itong umakyat. Tumigil si Ed at tumingin sa kanya. Kindatan siya nito saka nagpatuloy sa pag-akyat.
Mas kinakabahan pa yata si Alyssa kaysa sa sitwasyon niya kanina ang nararamdaman niya ngayong si Ed naman ang sumalang. Lalo na nang makita niyang nakakagat na rin ito ng langgam kaggaya ng nangyari sa kanya kanina. Ngunit hindi tumigil si Ed. Binalewala nito ang mga kagat at matagumpay na nakuha ang pinapangarap niyang manga.
"Happy now?" wika ni Ed nang makababa ito at iabot sa kanya ang mangga.
"May mga pantal ka---"
Umiling ito. "Don't worry about it. It doesn't matter. What matters now is if I've made you happy."
Tumango si Alyssa. Niyakap niya si Ed. Naramdaman niyang bahagyang natigilan ito dahil sa ginawa niya. Naramdaman niya ang tibok ng puso nito. It was racing. Lalong gumanda ang pakiramdam niya. Kung ganoon ang nararamdaman nito, ibig sabihin lang noon ay hindi naman talaga hopeless case si Ed. He was not a hopeless case. He was not that heartless.
It would just take time. He would be capable of loving...soon. Nararamdaman ni Alyssa.
BINABASA MO ANG
International Billionaires 3: Edmundo Ferreira
RomanceInternational Billionaires Book 3 Name: Edmundo Ferreira Profession: International Model, Prince of the Royal House of Ferreira Whereabouts: (Too Many To Mention) Around The World Romantic Note: Minha Querida